Chapter 12

77 6 0
                                    

Ynjelle's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung mga kaganapan na yun at sa ilang araw na yun at maraming nangyari.

Nakuha ko na nga pala Yun allowance ko pero kahit ganun kailangan ko paring gawin yung pinapagawa sa akin ni Sheena. Nangako ako sa kanya na gagawin ko yun.

Habang naglalakad ako papuntang room andaming masasamang tumitingin sa akin pero di ko parin pinansin hanggang sa napikon na ako Kaya nilapitan ko na.

"Ba't ang sama ng tingin mo sa akin?" Kalmadong tanong ko

"Ha?" Maang-maangan nya. Alam kong natatakot na ito

"Kailangan ko pa bang ulitin?" Tanong ko sa kanya

"H-hindi. Ganun lang talaga ako tumingin" pagtatanggi niya

"Tinitigan mo ako ng masama tas sasabihin mong ganun ka lang tumingin? Eh kung sampalin Kaya Kita at sabihin kong ganun lang ako makipag-apir?!" Inis na sabi ko sa kanya at halatang nasindak ko siya

"S-sorry po. Di na po mauulit" sabi niya sabay yuko. Naglalakad na ako paalis ng may biglang sumigaw ng:

"Bitch!" Nilingon ko ito. Si Krizzy Santos pala ito yung Queen Bee kuno ng school.

Tumingin ako kaliwa't kanan pati na rin sa likod Wala namang tao pero sa pwesto ko sya nakatingin Kaya tinuro Ko yung sarili ko sabay tanong "Ako?"

"Malamang! Sino pa ba?! Di ka lang pala bitch kundi STUPID bitch" sabi niya sa akin. Takte! Hinahamon ako nito ah.

"Well, Bitch is a Female dog... Dog Bark... Bark is a part of tree... Tree is a part of nature... Nature is beautiful... So I am beautiful." Sabi ko habang naglalakad sa palapit sa kanya "Stupid but still beautiful" sabi ko nang makalapit na ako sa kanya "Eh ikaw?" Tanong ko sabay tingin ng head to foot "Stupid lang" sabi ko sabay tingin sa mga mata niya. Sasampalin niya sana ako kaso nahawakan ko agad yung kamay niya. "Wag mo akong susubukan kung ayaw mong umuwi ng luhaan" sabi ko sa kanya at patapon na binitawan yung mga kamay niya.

"You bitch!" Sigaw niya sa akin with matching turo pa

"Oh thank you sweetie" sabi ko sabay ngiti ng matamis

"Ugh! Slut! Nilalandi mo yung Zaus babes ko!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya

"Oh! Kawawa ka naman. Babe mo?" Tanong ko at tumango naman agad siya "Well, babe ka ba?" Pambabara ko sa kanya napa-'oh' naman yung mga tao sa paligid.

"Wag mo akong sabihan na malandi kung di mo pa tinitignan yang sarili mo di mo pa nga alam kung ano ba talaga kami niyang Zaus babes na sinasabi mo. Atsaka teh, wag masyadong malandi baka isang araw maimbento na yung panibagong hayop dahil sayo" sabi ko at nginitian siya bago umalis.


Pagkarating ko sa room ganun parin yung ganap. Nakita ko naman si Zaus na palapit sa akin.

"Hey? Good morning" bati niya sa akin

"Morning" sagot ko at Hindi na siya muling sinagot sa iba pang mga sinasabi niya sa halip ay nilagay ko nalang yung earphones ko. Wala pa kasi yung teacher namin.

Pagkalipas ng ilang minuto dumating na yung teacher namin at takte! Ang boring sobra! Dalawang subject na ang lumipas boring parin talaga kaya Nung mag recess na laking pasasalamat ko.

Di ko na hinintay si Zaus kasi kasama ko si Sheena mag recess ngayon. Alam kong ano-ano nanaman ang iintriga niya sa akin Mamaya.

"Bes! Dito!" Sigaw niya sabay kaway pagkakita niya sa akin. Nilapitan ko naman sya at nagulat ako dahil may mga nakahanda ng pagkain

"Himala! May pagkain agad ah? Haha" natatawang sabi ko

"Aba syempre! Minsanan lang to Kaya wag ka nang umangal" natatawa ring sagot nya. Kumain lang kami ng kumain hanggang sa nagsalita sya ulit "Bes, balita ko nagkakamabutihan na kayo ni Lux?" Sabi niya. Sabi ko na nga ba eh.

"Friends lang kami pero don't worry gagawin ko parin yung pinapagawa mo" sagot ko at ngumiti ng matamis

"So nagiging close na kayo ganun? Gagawin mo na talaga yun? Wahhh! Ganito, mags-shopping Tayo mamaya don't worry ako gagastos. Magpapasalon ka, papalitan natin style mo, magpapaka-babae kana--" pinatigil ko sya sa pagsasalita at bigla ko syang sinagot

"Bes, kalma. Kaya ko siyang akitin ng di gumagamit ng ano mang pagbabago sa sarili ko. Kaya ko syang akitin gamit ang tunay na ako" malumanay na sabi ko

"S-sorry bes, nadala Lang ako" nakayukong Sabi Niya

"Okay Lang Yun" Sabi ko at matamis na ngumiti.

"Labas tayo maya? Para naman makapag-bonding tayo" aya ko sa kanya

"Wahhh! Totoo?!" Masayang sigaw Niya. Lahat Ng tap dito sa canteen nakatingin na sa Amin

"Shh. Oo nga" natatawang Sabi ko

"Marami akong chika sayo mamaya hahaha" sabi Niya at sakto namang nag ring Ang bell

"So ano na? Maya nalang. Just call you later. Got to go. Byeee" pagpapaalam ko

"Byee" masayang Sabi Niya at nakipag-beso na.

Ano naman kayang bago mamaya? Can't wait.

Nag-focus nalang muna ako sa klase. Hanggang sa pag uwi di ko napansin si Zaus. Dumiretso na ako sa bahay at nag bihis.

I'm so excited.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N:
Shet! Ngayon ko Lang in-update tas sabaw pa! Sorry guys. Babawi ako promise. Love you all. Thank you for reading.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now