NA-IN-LOVE KA NA BA SA TAONG HINDI MO PA LUBOS NA KILALA PERO NAPAPASAYA KA?
'YUNG TIPONG TEXTMATE LANG KAMI PERO MAHAL KO NA SIYA.
MINAHAL KAHIT HINDI PA NAKIKITA. SA TAWAG LANG NARIRINIG ANG BOSES.
HINDI NAMAN SIGURO MASAMANG MAGMAHAL NG HINDI PA MASYADONG KILALA HINDI BA?
Sa text lang kami nagkakilala nung minsang ma-WRONG SEND ako. Naging mag textmate kami hanggang sa naging magkaibigan at hindi nagtagal ay minahal na ang isa't-isa.
Kumakapit lang sa mga salitang "MAHAL KITA."
Malaki ang pinagbago ko simula nung makilala ko siya. Hindi na ako napapasabak sa gulo. Hindi na din ako nakikipag-basag ulo. Pati mga bisyo ko ay hindi ko na nagagawa.
Habang tumatagal ay lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko naisip na mahuhulog ako ng sobra.
Lagi kaming nag-uusap kahit lowbat na ang cellphone sige pa din, ginagamit na ng naka-charge 'wag lang maputol ang usapan nating dalawa.
Gusto ko na siyang makita pero natatakot akong hindi niya ako magustuhan. Na baka lahat ng pangako ay biglang mawala. At lahat ng pangarap ay biglang gumuho.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Hindi ako makapaniwala.
Hindi ko naisip na pwede pala mangyari ito...
----------
DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
YOU ARE READING
Why Do Fate Played Us?
Teen FictionTypical love story na nagsimula sa wrong send. Maayos naman ang pamumuhay ni Rayne kahit single mother lang ang Mama niya. Iwas ang kanyang Mama kapag nagtatanong siya tungkol sa kanyang Papa. Hindi niya inalintana ang pangungulila niya dito dahil s...
