"Ugh."
Biglang nawala ang pagod at antok ko nang maramdaman ko ang mainit na palad sa aking binti. Pagkamulat ko, isang nakakalokong ngisi ang namutahi sa kanyang labi. Tila ba may kinakasabikan na naman siya. May kinakasabikan na naman ang tatay ko at ako na naman ng kinasasabikan niya.
"Tay!" Nakaupong mahinang sigaw ko, sisigaw na ako ng tulong ng maramdaman ko ang patalim sa'king sentido. Umalingasaw ang amoy ng droga at alak.
"Parang hindi ka naman nasanay sa'kin..."
Sa gabing iyon, minolestya niya na naman ako. Limang taon na niya ng ginagawa sa'kin. Simula bata palang naman. Mas nauna at mas lumala nga lang si itay limang taon ang nakakalipas o kung tama ba na tawagin ko pa siya sa katagang iyon.
Kinabukasan walang gana akong gumising kinabukasan. Isang araw na naman sa empyerno. Sa buhay na hindi ko naman pinangarap at walang sinong mangangarap.
"Ms. Mendoza!"
Tinignan ko lang si Mrs. Ferrer na may nanlulumong mukha.
"I've been calling you thrice now! Our principal, Mr. Enrile is with us today. What's into you, hija?" Napapangiwi niyang saad. Halatang peke ang pag-aalala palibhasa nasa harapan namin ngayon ang misteryosong principal. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanilang lahat. Pagkadismaya lang naman ang makikita ko sa kanilang mga mata.
Nagsorry lamang sya sa principal sa inasta ko kahit wala naman dapat na ikapatawad.
"15 over 50? Such a shame. You should do better next time naman. Nakakahiya sa mga kaklase mo."
"Grabe. Ang pangit na nga itchura hindi manlang gamitin ang utak."
"Palibhasa walang kwenta ang magulang kaya walang kwenta rin ang anak!"
"Hindi dapat pinapayagan ng school na'to na ganyan na ma-enroll!"
"Yeah, tama ka. Hindi na nga angkop ang itchura dito pati ba naman ang utak hindi?"
"Nakakabobo!"
"I heard na inaabuso siya ng papa niya. Maybe that's the reason why she's acting like that. I know she has a reason...." Hindi ko siya nilingon pero mayroong namumuong pag-asa a puso ko. Ang mga sumunod na kataga niya ang nagpawala ng natitira kong pag-asa. "Pero you're right! Wala parin siyang kwenta!"
"Oh, God! Pati ba naman ikaw ay maniniwala? Ipinakalat niya lamang iyon for sure para maawa tayo sa kanya! And sorry not sorry, I'm not that kind of person na uuto-uto!"
"Sabagay."
"Wala siyang kwenta! Wala manlang maitulong sa lipunan!"
"Ms. Marieta, bakit parang wala manlang progress ang estudyante nating 'yan?"
"I don't know either, Ms. Marielle. I already ask her relatives even her neighbors and she's doing good naman sa bahay nila according to them. I really don't know what's the reason at ganyan ang attitude nya dito sa school. And I don't think her reason is acceptable. Kay swerte sa tatay and ganyan lang ang ipapalit?"
Ilan lang yan sa mga katagang naririnig ko sa corrdor. Nakatungo akong mabilis na naglakad patungo sa garden ng school na ito dahil hindi ko ata kakayanin ang mga masasakit na salita nila.
Nang makarating sa paborito kong lugar dito, sa isang malaking puno ng mangga. Huminga ako ng malalim. Akala mo naman kasing-sikat ko si Marian Rivera para pag-usapan nila ng ganyan. Alam ko rin iyon. Alam na alam ko sa sarili ko na wala akong kwenta. Nabuhay ako para maging isang halimbawa ng taong walang kwenta. Binuhay ng tao na wala rin namang kwenta. It runs in our gene.
KAMU SEDANG MEMBACA
My Collection🌞
Cerita PendekThis is for you. HIGHEST RANK: 52 in Prey Still, this is for you. : )
