chaaappyy 5

3K 107 0
                                    


"So paano ba yan na announce ko nang akin ka?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni pj

"Pagkaalis mo sinabi kong wag maniwala sa part na I'm yours kasi ayoko sa bading" sabi niya na kinainis ko

"So atleast kokonti na makikipag flirt sayo and ako lang dapat makakatuluyan mo" sabi ko sa kaniya at binaba ang phone kasi nakita ko na siya

"Hi baby~" malanding sabi ko pagka lapit ko sa kaniya

"You've change a lot" sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa braso niya

"Well you made me this, sabi mo new improved slut version  then ill give you that, ill become the person y'all want me to be, you say I'm crazy then I'm crazy" sabi ko lang sa kaniya

"Then what if I want you to be the my dream version" sabi niya

"Then... I... I... first of all what's your dream?" Sabi ko sa kaniya,  na kunwari walang alam sa gusto niya

"A sweet person who is kind, cute, smart, gentle, patient, and complete opposite of you" sabi niya, na ikinatawa ko, sinungaling eh

"Lol! That's not what you really want, you're just challenging me if ill bite your bait, but sadly I have read your dream girl. Its a powerful women, with high level of confidence, who can protect herself, but also cute, sweet and gentle" sabi ko sakaniya at binelatan siya

"So is that what you're doing now?" Sabi niya

"Nope I'm being myself, I'm naturally confident,  I can say that I'm powerful, I can protect myself, but I don't know my soft side" sabi ko sa kaniya

"You forgot something" sabi niya at nagtaka naman ako

"What's that?" Takang tanong ko

"Women, girl, a she, a lady" sabi niya na kinainis ko nang sobra

"Atleast pinatulan mo pa rin ako" sabi ko na lang at umalis na

"I'm close to your brother you know" sabi niya na ikinagulat ko

"How???- ohw nevermind I don't care" sabi ko na lang its probably because of business or something with sports

Pagkauwi ko sa bahay eh saktong pakain na sila kaya sumali na ako at kumain din..

"May mga bisita ako bukas dito, mga kaibigan ko, please wag kang lumabas ng kwarto baka malaman nilang may bakla akong kapatid" sabI ni Dumbledore

"Kevin! Is that the proper way to treat your sister!?" Madding sabi ni papa

"Oh dad please stop I'm immune to his words already and besides I'm kind of enjoying this scenario,  I think yall know I love fights" sabi ko at nag paalam ng aakyat na ako dahil tapos na ako kumain

So ano nga bang plano ko bukas? Mag mall? Gumala? Maglaro? Mag foodtrip? Manggulo bukas? Mag movie marathon?

Mag movie marathon na lang ako lahat ng resident evil at underworld papanoorin ko...
Tutal favorite ko naman yung mga movies na yun... atsaka tagal na nung huli kong napanood yung mga yun...

Kinabukasan, maaga akong naligo, dahil bibili ako ng iba kong pagkain sa mall, duh di pwedeng mawala ang mga foods sa movie marathon noh, atsaka ayoko ding makita mga kaibigan ng kuya ko kasi I'm pretty sure na panget yung mga yun ayoko makakita ng panget dahil baka masira lang mood ko...

Dahil masyado pang maaga, di bukas ang mall kaya walang choice kundi sa 7/11 bumili ng chips, ooorder na lang ako ng pizza sa yellowcab at ng 1 bucket ng chicken joy, tapos ng fries, ay hindi bibili na lang ako ng fries na na lulutuin pa lang para madami... andun pa naman si mama pwede mautusan hehe...

Pag uwi ko saktong paalis si kuya, siguro para sunduin yung mga kaibigan niya... at dumeretso ako sa kusina para hanapin si mama at tama nga ako andun siya...

"Ma bago ka umalis lutuin mo muna lahat toh please tapos lagyan mo na din ng bbq powder then mag lagay ka sa isang bowl ng ketchup" sabi ko sa kaniya at kinuha niya yung dala ko

"Haynako kang bata ka napaka unhealthy ng mga kinakain mo, basta siguraduhin mong madaming tubig iinumin mo ah, atsaka itake mo yung vitamins mo" sabi niya at inistart ng magluto

At ako'y dumeresto na sa taas at inaayos ang movie na panunuorin ko,  habang nanonood umorder na ako, at nirequest ko na itext ako pag andyan na yung order ko imbis na mag doorbell.... naka isang movie na ako at saktong pagtayo ko nag text sakin yung pinag orderan ko at parehas na silang andyan kaya pinause ko muna yung movie kasi nag next agad eh... okay lang kayang magkasaby sila? Malay niyo may hidden arguements pala ang jollibee at yellow cab, pero syempre joke lang ang layo ng jollibbe sa yellow cab noh...

Kaya dali dali akong bumaba at nakita na andyan na yung mga kaibigan ni kuya kaya binilisan ko na lang ang paglalakad at di sila pinansin... parang nakakahiya pala yung suot ko, naka oversized hoodie ako na may spongebob print tapos short shorts na di na kita dahil hanggang tuhod ko yung hoodie... at kinuha ko na yung binilI ko, 2 yellowcab pizza then 1 bucket ng chickenjoy....

Habang papasok inaayos ko yung dala ko kasi ang laki ng pizza, kaya tumigil ako saglet at ang ginawa ko ay pinatong ko yung bucket ng chicken sa pizza tapos dinalawang kamay yung pizza, tapos dun ko lang narealized na sa tapat pala ng sala ako mismo tumigil kaya napatingin ako sa kanila na nakatingin sakin at ang nakakainis nakita ko si pj...

Oo putang ina andito si pj, kaya dali dali akong umkyat na siya namang baba ni kuya, bago tuluyang makaakyat narinig ko pa ang huling tanungan nila...

"Pre sino yung dumaan?"

"Oo nga pre"

"Wag niyo nang pansinin yun, tsaka wag niyong kausapin yun bading yun na may sapak sa ulo"  rinig kong sabi ng kuya ko kaya dali dali na akong pumunta sa kwarto ko, paupo pa lang sana ako ng kama ng...

"Jade ikaw nang kumuha dito sa baba nito at akoy aalis na" sigaw ni mama sa baba kaya dali dali akong bumaba, only to find out na dalawang bucket yung fries at isang mangkok na puno ng ketchup ang andun...

"Syet heaven!♥♥♥ thanks ma" masigla kong sabi at inisip na kung paano ko iaakyat ito, kasi kinuha ko pa yung fresh milk sa ref tapos isang baso

"Kev tulungan mo nga tong kapatid mo" sabi ni mama kay Dumbledore

"No need ma I can handle this, magdalawang balik na lang ako" sabi ko kay mama at tinignan  lang niya ko sign na hindi siya convinced

"Tulungan ko na po siya tita" biglang sabi ni pj at lumapit dito para kunin yung dalawang fries

"Napakabait mo talaga pj, ala sige tulungan mo na yang batang yan at may meeting pa kami ng mama mo" sabi ni mama kay pj

Habang paakyat, ang awkward ng feeling na andito siya, sa bahay at punyeta ang gulo ng kwarto ko....

HEY YOU! YOU'RE STILL MINEWhere stories live. Discover now