Tumayo siya at nakitayo na rin ako. “S-saan na naman tayo pupunta Mikko? Paano kung may makakita na naman sa ating dalawa? Lagot na naman ako nito e!” napakamot na lang ako sa ulo ko at isinukbit sa likod ang backpack ko.

“Somewhere. Bakit? Nahihiya ka bang kasama ko ha?” nagsimula na rin kaming maglakad.

“Hindi naman sa ganoon, Mikko pero alam mo na, ang mga intriga at chismis dyan sa paligid. Haist, di ako sanay ng pinaguusapan ako! Nakakahiya.”


“So you are ashamed of me?” tanong niya sa akin.

“NO! I mean, why would I? Ikaw ‘yung tipo ng kasama na talagang ipagmamalaki mo sa lahat, hindi ka lang gwapo, mabait ka pa, gentleman at matalino! Every girl wishes to be on my part or Scarlett’s part at saka—“ napatigil ako sa sinabi ko sabay natutop ang bibig. Shet! Isang malaking shet! I’m really a shame-ass lass! “Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko. Hehe.” Ngumiti ako ng pilit sabay peace sign.

Nginitian niya na naman ako at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinawakan sa magkabilang beywang ko at saka binuhat paitaas at niyakap! OMGeeeee! “Thank you! You really dont know how happy I am with that.”

Hindi pa siya nakuntento sa pagbuhat sa akin, umikot-ikot pa siya. Fcuk! Para kaming nasa isang Hollywood chic-flick movie! Gosh! Pinagtitinginan din kami ng mga tao sa paligid! Ugh!

“Hey Mikko! Tama na, nakakahiya sa mga nasa paligid oh, ibaba mo na ako please?” pigil na pigil ang pagsasabi ko sa kanya.

“Akala ko ba hindi ka nahihiyang kasama ako? Gwapo naman ako ‘di ba? At gentleman! I remember what you said just a few seconds ago.” Sabi naman niya habang nakatawa.

“That’s not what I meant here. Itong ginagawa mo, ibaba mo na ako please?” ayoko namang tumalon na lang basta dahil baka malaglag pa ako at maging katawa-tawa pa. Hay! Nakakalurkey na itey!

“Congrats!” maya maya’y may narinig na akong palakpakan at pag-flash ng mga camera sa paligid, paglingon ko, pinagpi-pyestahan na kami ng mga tao. OMG! I’m a dead meat already.

“Ang cute naman ng newly-engaged couple!” engaged?! How come? Nasaan ang engagement ring aber?

“Mabuhay ang bagong kasal! Yihee!” What the--! Anong bagong kasal? Ano ba ‘tong mga pinagsasabi nila? May invisible altar at pari ba silang nakikita na hindi ko nakikita?

“That guy is so dashing! Sana ako na lang ‘yung girl na buhat-buhat niya.” Well, ate, for that mamatay ka sa inggit!

“Maghihiwalay din ang dalawang’yan.” Napakunot ang noo ko doon sa isang nagsalita pero di ko na alam kung sino. Leshe! Bitter! Palibhasa walang lovelife! Eh kung paghiwa-hiwalayin ko parte ng katawan mo ewan ko na lang kung masabi mo pa ‘yan? Inggitera!

Okay, aaminin ko at some point of this, kinikilig ako.

-----

Kayleigh’s Room

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon