seven

1 0 0
                                    

Gumawa ako ng paraan para makausap si Xander kasi nag pregnancy test ako at buset positive.

Nagulat nga si Rizz ng bigla kong hanapin si Xander sa kanya.

At ngayon nandito ako sa resto isang daang taon na akong naghihintay sa hayupak na yun at parang wala syang planong pumunta.

Nakakainis Ang hayup na yun.

Makauwi na nga at nainit lang Ulo ko sa hayupak na yun.

Paglabas ko ng resto may biglang bumangga Sakin.

Napakatanga naman ng---

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin.

"Pauwi na!" Galit kong sagot. Leche sya antagal tagal nyang dumating.

"Kala ko ba mag-uusap tayo?" Nakakunot nyang tanong.

"Bakit Hindi pa ba tayo nag-uusap?" Bwisit kong tanong nakakainis Kasi kung bakit antagal nyang dumating.

"Let's talk inside." Maka utos ang herodes nato kala mo amo ko?

Pero Wala akong nagawa kasi iniwan na nya ako dun at deretso na syang pumasok sa loob.

Kainis!

Pagkarating ko sa table kung San sya umupo, tiningnan nya ako ng nakakainis.

"Wala ka bang planong umupo?" Tanong nya. Napaka ungentleman ng hayup Di man ako paghila ng bangko.

Pasalampak akong naupo.

"Problema mo?" Ikaw! Sino pa ba sigaw ng isip ko.

"Buntis ako" biglang lumabas sa bibig ko. Ewan ko ba Di ko naman sinasadyang sabihin agad eh bigla na lang kusang lumabas sa bibig ko.

"ANOO???" pasigaw ng tanong. Amputa at parang may mali pa sa sinabi ko ha.

"Wala kalimutan mo na lang. Sige uwi na ako." Bigla na lang tumulo Ang mga luha ko. Parang Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ng mga sandaling iyon.

Lakad takbo Ang ginawa ko para makalayo agad sa lugaar na yun.

Ang saklap naman nito, hindi ko pinangarap Ang magkaron ng anak na walang ama. Ni sa pangarap hindi ko naisip na magkakaganito ako.

Ang Tanga tanga ko naman kasi. Bakit ba bigla na lang akong bumigay n g ganun kadali sa kanya.

Bwisit lang na buhay to.

Pano na ako ngayon?
Pano na Ang magiging baby ko?

Kakayanin ko ba?
Kaya ko ba?

Alexandria naman kala ko ba matalino ka? Anong ngyare sayo?

Nakarating ako samin ng umiiyak.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga. Umiyak ng umiyak hanggang sa nakatutok na ako.

marry Or NotWo Geschichten leben. Entdecke jetzt