Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Anong okay na? Hindi ba siya nagalit?”

            “Bakit naman magagalit ang nanay mo?”

            Nagkibit-balikat siya.

            “There’s nothing to worry about,” sagot nito.

            Nakuntento na lamang siya sa tugon nito.

            “Hindi ka ba nagugutom?” tanong pa nito.

            “H-hindi.” Ngunit sa sinabi niyang iyon ay biglang kumalam ang sikmura niya.

            Hininto nito ang kotse, tumingin siya sa labas. Nasa tapat sila ng isang restaurant. Aficionado’s. “Baba tayo,” yaya nito.

            Bago lumabas ay napatda siya. Nandoon sila sa restaurant kung saan ay huli silang nagkita ni Charlie. Muli na namang nagbalik ito sa alaala niya. Humugot siya nang malalim na hininga. Kahit yata gutom na gutom siya ay hindi niya kayang lunukin ang mga pagkain doon.

            “Why? What happened?” nag-aalalang tanong ni Manuel sa kanya. Napukaw ang kanyang alaala sa tinanong nito. Tila napansin nito ang pagtigil niya sa pagbukas ng pinto ng kotse.

            “W-wala. H-hindi naman ako gutom,” pagkakaila pa niya. “Dito na lang siguro ako sa loob. Hihintayin na lang kita,” pagdadahilan niya. Hindi niya kayang umapak man lamang doon, ni tumingin ay napapaluha siya. Paano siya makakakain kung paulit-ulit na nagpa-flash back sa isip niya ang gabing iyon? Nang mag-propose sa kanya si Charlie, nang hinabol niya ito at nang bumunggo ang kotse nito.

            “Hindi mo siguro gusto rito? Let’s find another.” Bumalik ito sa kotse at pinaandar na. Hindi naman sila nahirapang maghanap ng makakainan.

            “Muntik ka na kaninang maiyak bago lumabas ng kotse. Sorry kung nabigla kita. Puwede ka pang umayaw. It doesn’t matter to me,” anito. Kumakain na sila nito. Pero sa mga mata nito ay iba ang sinasabi niyon. Nakikita niya ay mga panghihinayang doon, taliwas iyon sa sinasabi nito ngayon. Panghihinayang? Tama ba ang nababanaag niya sa mga mata nito?

            Aayaw ba siya?

Baka ang nasa isip nito ay kaya muntik nang maiyak dahil ayaw niya rito. Mali ito.

Siyempre, hindi!

“Hindi. May naalala lang kasi ako kanina.”

Nag-angat ito ng kilay. “May naalala ka noong makita mo ang restaurant?” tanong nito.

Gaano na ba siya ka-transparent para dito para mahulaan nito ang nasa isip niya? Baka nga ay magaling itong magbasa ng mata ng tao. Pigil na tumango siya.

“Sino?”

            “'Wag na muna natin siyang pag-usapan,” aniya, sinalubong ang mga mata nito.

            “Siya? Was he or a she?” Lungkot ang nahimigan niya rito. “Why not?”

            “Please?” paki-usap niya. Kung ano man ang tono nito ay hindi niya iyon ininda. Baka mali lang siya.

            “Sorry,” anito. Nababasa niya sa mukha nito ang senseridad doon. “Basta nandito lang ako. Puwede mong iyakan,” alok nito.

            Humugot siya ng malalim na hininga. Tumango siya ng marahan. Ganito ba ito? Napaka-concern nito. Napaka-understanding nito. Ni hindi pa nga sila lubusang magkakilala, ni hindi pa nga umaabot ng beinte kuwatro oras silang magkasama. Unti-unti ay nagugustuhan na niya ito, unti-unti ay pinapaiibig siya nito nang hindi nito alam, nang hindi niya sinasadya.

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon