Pinagmamasdan niya ang pagkibot ng mga bibig nito at hindi niya alam kung bakit siya nahu-hooked sa mga iyon. “Zel… Zel Mendoza,” sagot niya, “…ikaw?”

            “Manuel Española, I manages our family business,” sagot nito. Hindi ito mukhang nagmamalaki, ang dating niyon sa kanya ay pagpapakilala lang. “I’m tweny nine.”

            “Ah, ako naman,” simula niya. Hinawakan niya ang laylayan ng waitress uniform niya pagkatapos ay nagkibit-balikat siya, “waitress,” sinundan niya iyon ng mahinang tawa. Namamangha pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi na siya magtataka kung mayamaya lang ay iiwan siya nito doon at kung sabihin man nitong nabigla lang itong sa inalok nito sa kanya.

            “I like you.”

            Hindi siya nakapagsalita. Marami pa silang napag-usapan nito bago sila nito maghiwalay

SIMULA pa kahapon ay hindi na maalis sa isip ni Zel ang sinabi sa kanya ni Manuel. He likes her daw. At nagdududa siya sa sinabi nitong iyon. Nagpaikot-ikot siya sa harap ng salamin. Talaga bang maganda siya? Teka, sinabi nito iyon? Pareho sa pagsabi nitong “like” siya nito ay paraang ganoon na rin iyon. Hindi naman siya matangkad, katunayan ay pandak siya, bagay na kinaiinisan niya. Ang buhok niya ay hanggang balikat, pero tuwid na tuwid na iyon.

            Para sa kanya ay hindi siya maganda, maninipis ang mga labi niya, mahahaba ang pilik mata, slim din siya. At hindi naman siya gaanong maputi, fair lang siya.

            “Ano kaya ang nagustuhan niya sa akin?” pagkausap niya sa sarili. “Siguro ang mga mata ko…”

            “Zel, sino ang kausap mo riyan?” pasigaw na tanong ng kanyang ina.

            Natawa siya. “Wala naman, 'Nay!”

            Lumabas na siya ng kuwarto. Naabutan niya ang ina na naghahanda ng hapunan. Silang dalawa na lang ang magkasamang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Pero hindi naman sapat ang kita ng inay niya kaya halos siya lang naman ang gumagastos sa bahay. Pero, wala iyon sa kanya dahil obligasyon niya iyon bilang anak. Ang ama niya ay namatay noong nakaraang taon lang. Siya ang panganay at ang tatlo pa niyang mga kapatid at nasa elementary at high school pa lang ang mga ito.

            Noong namatay ang ama niya ay hindi na siya nakapagpatuloy ng kolehiyo, nagtrabaho na lamang siya. At pagiging waitress nga ang napasukan niya. Mamahalin naman ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya kaya wala siyang reklamo sa suweldo.

            Ano kaya ang magiging reaksyon ng inay niya kung sasabihin niya ritong magpapakasal na siya? At sa isa pang lalaking hindi niya lubos na kilala?

            “Magtapat ka nga sa akin, anak? Ikaw ba’y may bago ng boypren?” tanong ng inay niya nang pareho na silang nakaupo at pinagsasaluhan ang hapunan. Saka naman nagsidatingan ang mga kapatid niya.

            “O, kumain na kayo. Sa’n ba kayo galing, ha?” aniya sa mga ito.

            “Inutusan kami ni nanay,” ani Daisy. Ito ang sumunod sa kanya.

            Dumulog na ang tatlo sa mesa.

            “Zel, sagutin mo nga ang tanong ko.”

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon