It's almost 11 pm.
Tulog na sina mama.
Ako naman, naglalaro ng COC sa may bintana. You know, malakas ang signal ng internet pag gabi.
Tas bigla kang dumaan. Nakabike. Nakawhite shirt.
"pst!"Tsamba lang naman yun e.
Hindi kase kita nakilala.Hindi mo Ata ako nun narinig. Dumaan ka ulet.
"pst! *toot*!" :D
Ayuun! Tumigil ka sa tapat ng bahay namin. Nakapatay na lahat ng ilaw nun kaya yung backlight ng phone ko lang ang ginamit ko para Makita mo ko.
Kumustahan lang. Yung parang antagal na ting hindi nagkita. Well, matagal na pala talaga. Magdadalawang taon na tayong hindi nag-uusap.
Hiningi mo number ko kase inaya mo akong magbike kinaumagahan. Ako naman, dahil may gusto sayo, binigay ko number ko. <3
Nag-usap tayo ng nasa labas ka ng bahay namin at nasa loob ako. Hindi na kase ako pwedeng lumabas.
Hanggang sa nagpaalam kana. Sabi mo matulog na ako.
Nginitian lang kita at sinara ko na yung bintana.
Pagkahiga ko, biglang nagring ang phone ko.
Unknown number.
Sinagot ko. Pero hindi ko inimikan. Malay ko ba kung sino yun.Ikaw pala yun! Andaldal mo. Haha! :D
Ikaw lang yung nagsasalita kase hindi ako pwedeng mag-ingay.
So nung napagod ka, nagtext text na alng tayo. Hanggang sa natulugan na kita.
Pagkagising ko kinaumagahan, may missed calls na at ilang texts galing sayo.Late akong nagising kinaumagahan tas umulan pa kaya hindi tayo nakapagbike.
Tinawag mo na naman akong "Paasa".
Alam mo bang masakit rin paras akin ang paasahin ka? Pero ayaw talaga ng tadhana na magkasama tayong dalawa.
Maghapon na tayong magkatext. Ikaw lang ang laman ng inbox ko pati ng sent items ko.
Ansaya ko kase sa wakas, katext na naman kita.
Katext ko na naman yung taong 'matagal ko ng minamahal ng patago'.
Kinahapunan, pumunta ka sa bahay. May dala kang snacks. Ang awkward lang kase katatapos ko lang nun maglaba at hindi pa nakaayos yung bahay.
YOU ARE READING
Summer, 2016
Short StoryPeople come and go, learn to go with the flow. Wag maattach basta-basta, para pag iniwan ka, masaket lang, hindi masakit na masakit.
