October 18
To: Carina Carpio
From: Aster Hechanova

Kapag tumingin ako sa iyo habang naglalakad ka palayo, baka hindi ko mapigilan ang sarili na habulin ka. Baka hindi ko makaya atbigla ka na lang yakapin ka, huwag nang pakawalan pa. Pero nagawa ko na, Mahal na mahal kita, Carina.

Dahan dahan kong nabitawan iyon, it was the day after he left me. Humiga ako at inamoy iyon, it was a scented paper at hindi pa nawawala ang amoy. Dalawang buwan na ang nakakaraan mula nang mangyari iyon. At ang aking puso ay muling nanlambot matapos basahin iyon.

Nanuyo na ang luha ko kanina, ngunit ngayon ay muling nanlalabo ang aking paningin kasabay nang pag-tulo ng mga panibagong luha. Niyakap ko ang aking unan, habang patuloy pa rin sa mahinang pag-iyak. Wait for me, because I will come for you. Tomorrow.

When the morning came, hindi na ako nag-pakita pa sa kanila. Sa halip ay naligo ako at nag-bihis, kinuha ko ang aking bag at lumabas na ng bahay. Hindi na rin ako nagpahatid sa dapat ay service ko, namasahe ako papuntang school. Kaslukuyan akong nag-lalalad sa sideway dahil dito ako ibinaba ng sikanyan kong tricycle, nang kalabitin ako ng isang tao mula sa likod.

Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang mukha ni Liam. May dala itong paperbag, at malawak pa ang ngiti. "Good Morning," bati niya.

"Good morning, what do you have there?" I asked. Napatingin din siya doon, at napansin ko na bahagyang namula ang kanyang pisngi.

"A gift for Riri, monthsary namin ngayon eh." He uttered. Napangiti naman ako at tinapik tapik ang kanyang balikat.

"Congrats." Ani ko at nag-patuloy na sa paglalakad. "Bakit ka nga pala andito? Hindi ba dapat ay nasa room ka na?" Tanong ko.

"Binili ko ito, buti nga at may nakabukas ng shop." He said at nakisabay na rin sa aking pag-lalalad. Tumango tango na lang ako at hindi na nag-salita. Kahit na marami akong iniisip ay isinawalang bahala ko muna ang mga iyon. Gusto ko ngang sabihin na nag-sinungaling sa akin si Mommy at isinangkalan pa ang kanyang pangalan, ngunit pinili kong huwag na lang.

Kung ano man siguro ang mga nangyayari sa bahay, ay mananatiling sa bahay na lang at wala ng lalabas. Parang ang sa amin ni Aster... noon.

"I didn't eat breakfast eh. Kaya dito muna ako sa cafe, mauna ka na kung isususrprise mo pa siya." I said, at huminto na sa tapat ng cafe. Agad naman siyang umiling na bahagya kong ikinagulat.

"It's fine. Samahan na kita." Aniya, sabay na kaming pumasok sa loob ng cafe at umupo sa tabi ng glass window. Maganda ang seat dito, kita lahat ng nagdadaan. Lumapit na sa amin ang isang cute na waitress, ibinigay niya sa amin ang menu kaya naman agad na akong um-order.

"Ahm, carbonara and coffee please. Cappuccino flavor. How about you, Liam?" I asked.

"A coffee will do. Americano." Sagot niya, ibinalik na namin ang ibinigay niyang menu at isinulat ang aming order. Ngumiti ito at umalis na, naiwan kami ni Liam. "Hindi ba't bawal sa iyo ang kape?" Tanong nito. Bahagya akong napangiti at tumango tango.

"We have things we do not want to do. But we end up doing it anyways." Wika ko, he just nodded at nanliliit ang matang tumingin sa akin. "Kaya nga..." Nag-aalangan akong tumingin sa kanya.

"Kaya nga ano?" He asked.

"Kaya nga hindi ako papasok ngayon, I'll skip classes. Inaabangan ko lang si Tyron." Nanlaki ang mata niya nang sabihin ko iyon. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin at agad na umiling iling.

"And where are you going?" Tanong niya pa, dahan dahang gumuhit ang ngisi sa aking mga labi dahil sa kanyang reaksyon.

"Aster. Gusto ko siyang makita, ngayon na." I said. Inilabas ko ang aking cellphone, at nakita ang text ni Tyron. Nasabihan ko na siya, bago ako pumasok.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now