"So, how's our girl?" Tanong ni Doctor Watson. Ang tagal tagal ko na siyang hindi nakita, dahil si Doktora Angela lang ang nakakasama at nakakausap ko lagi.

"I'm fine now, Doc." I said. Lumapit sila sa amin, and Doc Watson was the one who checked me while Doc Angela just stood there while looking at me. "Hi, Doc Angela." Bati ko. Mukha kasing punong puno ang kanyang isip, nakuha ko ang atensyon niya and she smiled at me.

"How's the battle, dear?" She asked, while combing my hair with her fingers. Pertaining to the battle I'm into right now. Those beats, breaths and everything.

"Great. Swerte ako, I always win." Wika ko. Doc Watson checked my heartbeat, my heartrate, my condition and all. They stayed for a while, and talk to me and my brother. They had open things about my condition, because I had been attacked 2 times. Wala pang 30 days ang pagitan.

"Be careful. Or I should be more extra careful." Doc Watson said. Kanina ko pa talaga napapansin ang pag-tahimik ng isa kong Doctor. I just shrugged it off at hindi na lang siya tinanong, after a while, tthey bid their goodbyes and went out. Kaming dalawa na lang ni Kuya ang natira, and I want to ask him something.

"Plans about homeschooling?" Tanong ko, for sure Doc Watson suggested it. Dati pa naman niya iyon gustong mangyari, at ang kapatid ko na lang ata ang hindi sumasang-ayon sa gusto nito. "Mas prefer mo pa rin ang natural medications?" Tanong ko pa.

"I don't even know what to do." Pag-amin niya na ikinagulat ko. "Hindi ko na alam kung saan ako mag-sisimula gayong ganyan na ang nangyayari sa iyo." He continued.

"What do you mean?" I asked.

"Either, gusto kong maranasan mo rin maging normal pero gusto ko ring protektahan ka. Sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin." He said. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa malayo. "Give me some time, and we will figure out what's the best thing to do." He continued.

"Ask me what I want..." Sambit ko. "Tanungin niyo rin ako kung ano ang gusto ko habang nagdedesisyon kayo. Consider me too." I added.

"We will, don't worry." Aniya. We remained in silence after that, at hindi na lang ako nag-salita. Mukha namang madali siyang kausap  ngayon. I tried to talk to rest, dahil kailangan ko pang pumasok bukas.

---

"Bye," Pagpapaalam ko kay Mommy. Hinalikan niya ang aking pisngi, ngumiti na lang ako at tumalikod na. Sabay kaming lumabas ni Kuya sa bahay at sumakay na sa sasakyan. Papasok na ako para mag-aral, at sana naman ay maging maayos ang araw na ito kumpara noong isang araw. Kuya starts driving, habang ako ay nag-bukas ng cellphone. Nakita ko ang text mula sa aking mga kaibigan, kaya naman binuksan ko isa isa.

From: Liam

Andito kami sa coffee shop, abangan ka namin. Mornin'
7:03

From: Camille

@Coffee Shop, halika na dito. Good Morning!

Nag-reply na lang ako sa kanila na papunta na ako. After how many minutes, nakarating na kami sa bukana ng university. Nag-paalam ako kay Kuya, at ngumiti lang naman ito. Lumabas na ako, at tumawid sa kabila ng daan para marating ang coffee shop. Pumasok ako doon, at nakita ko ang pag-kaway ni Liam. Lumakad ako papunta sa table, at umupo na.

"Good Morning, I was almost late." Ani ko. Camille just smiled.

"You aren't. Huwag kang mag-alala." Wika nito at iniabot sa akin ang isang slice ng cake. Nakalagay iyon sa platito at mukhang lahat naman kami ay mayroong ganoon. May gatas din, kaya naman mas inuna ko iyong ininom bago mag-salita. "How are you, anyways?" She asked.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now