Those Three Words: 5th part

24 0 0
                                    

Sinundo ko si Em kinaumagahan para sabay na kaming pumasok.

"Himala! ang aga mu yata ngayon?"

"Oo nga eh. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi. Kasi..."

Natigilan ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko yung totoong dahilan sa kanya.

"Kasi ano...???"

Medyo natagalan akong sumagot. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung totoo..

"Ahhh...kasi......"

"Kasi....???"

"Ahhhh....."

Sasabihinn ko ba?

"Kasi.....dahil....yung kahapon, may napanaginipan ako,....pero parang hindi panaginip eh......may..."

 "Hi guys!!!"

Dumarating yung mga barkada namin. Ayun, nagbatian kami tapos nag-aya sila sa loob. Nagtataka nga ako kung bakit nandito yung mga yun eh.

"Wala daw pasok ngayon kasi may emergency meeting ang mga faculty, kaya naisipan namin na puntahan kayo.." 

Si Zel ang sumagot sa tanong sa isip ko.

"Ganun? Buti pala hindi pa kami nakapasok sa school." si Em

Bigla ko lang napansin, may kasama pala silang isa pang babae, hindi ko pa siya nakikita dati kaya tinanong ko sila.

"Ahem! Hindi nyo ba kami ipapakilala sa kasama niyo?"

Tanong ko sa kanila habang nagkakaingay na naman sila.

"Ahhh, oo nga pala, Chard, Em, this is my beautiful cousin Gemma. Gemma this is Richard Ramirez and Emerald Rodriguez barkada namin. Sila yung sinasabi namin sayo kanina pa."

"Hi! nice meeting you guys!" bati sa amin ni Gemma.

"Hello! nice meeting you also!" tapos nakipag beso beso si Em.

"Nice meeting you!" tapos inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands.

"Tama pala yung sinasabi ni Zel, gwapo ka nga."

Hala! bakit ganun? Pakiramdam ko namula ako nung sinabi nya yun? Siguro hindi lang talaga ako sanay ng pinupuri.

"Kaw talaga Leizel huh! Wag ganun! Nakakahiya naman."

"Naku Mr. Ramirez, wag kang masyadong pa-humble, hindi bagay! hehe."

"Loko ka talaga."

"Haha, ano naman masasabi mo sa pinsan ko? Ang ganda di ba? kamuka ko? hihi"

"Huh? Kelan ka pa gumanda?"

"Loko ka tol! Anung tingin mo sa tart ko?" sabay batok sa kin ni Rod.

"Oo na, maganda na kung maganda."

Tapos pinagmasdan kong mabuti si Gemma. Talagang maganda siya. Maganda rin si Zel, pero mas maganda si Gemma. Unique yung ganda niya. maliit na matangos ang ilong, ang liit din ng muka niya. para siyang manika.

"Huy!! Natulala ka dyan Chard!"

"Nakuuu..na inlove na yata sa yo Gemma ah! Haha"

"Hug mo ako, hug mo ako! pbb teens" abat nang-asar pa yung dalawang lalaki..Ginaya pa nila yung mga pbb teens.

"Wag kayong ganyan, nakakahiya naman kay Richard." nahihiyang sabi ni Gemma.

"Mga loko! Tara na nga lang sa loob."

Hidi ko alam pero nasa loob na pala silang lahat ng mga oras na yun. 

"Nandyan na kayo sa loob?"

"Opo, kanina pa. Busy ka kasi sa pagtitig dyan kay Gemma!"

"Alam mo Anne, may nape-predict akong may magkakainlove-an.Hmmmm..." at nanggatong pa itong si Zel.

"Zel naman, nakakahiya na ahhhh.."

"Hayaan mo na nga lang sila Gemma. Magsasawa rin yang mga yan. Tara sa loob."

Pinauna ko siya. Pagpasok namin sa loob, may bigla akong naramdamang isang matang nakatingin sa kin ng masama. Nakita ko si Em dun sa gilid na pinto, pero nakangiti naman. akala ko siya. Siguro guni guni ko lang.

"May bisita ka pala anak." yung mommy ko.

"Yes mom, mga barkada ko, kilala mo na sila di ba?"

"Hi tita! good morning po!"

"Tapos pinsan ni Zel, si Gemma."

"Good morning po."

"Good morning sa inyo. O sya, paghahanda ko muna kayo ng meryenda huh."

"Samahan ko na kayo ninang!" sabi ni Em. 

Ayun..hanggang tanghaling nagkwentuhan, asaran. At siyempre sino pa nga ba ang topic? Natapos sila sa amin ni Em, Sa ibang babae naman ako ngayon inuugnay..

"Ahh, Chard, actually kaya nandito si Gemma kasi mag transfer na siya sa school natin."

"Talaga? Anong section naman siya mapupunta?"

"Kaklase natin, siyempre!"

"Good!" biglang sabi ni Em.

"Oo nga, atleast may kakilala na siya. Hindi na siya mahihirapang mag-adjust. Welcome to the group Gemma."

"Thank you Richard.."

"Arruuuuuyyyy...." mga barkada ko in chorus.

"Manahimik kayo...haha"

Hindi ko alam pero, parang nawiwili na rin ako sa ginagawa nilang pang aasar sa amin ni Gemma. At kay Gemma naman, parang balewala na rin naman kaya hinayaan nalang namin.

Hindi ko rin namalayan na nawala pala sa isip ko yung nangyari kahapon. Siguro mas maganda na rin yun kasi...alam nyo na...

:)

______________ 

Those Three Words..Where stories live. Discover now