Pinilit kong bumangon pero mabilis nya akong dinaganan. Itinulak ko sya sa dibdib pero itinaas nya lang ang dalawa kong kamay gamit ang isa nyang kamay. Nasa itaas ito ng ulo ko ngayon.

Kinakabahan ako. Sobra akong natatakot lalo na nang makita ko na hindi lang umiilaw sa apoy ang dalawang sungay sa ulo nya, lumaki iyon.

"Sa akin ka lang Aura! Hindi mo ako matatakasan!" galit na galit sya.

May kung ano'ng nagbago sa kanya. Iba ang galit nya ngayon kaysa dati. Iba'ng iba. Hindi man lang nya napapansin na nasusunog sya dahil sa proteksyon ko. 

"A-Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" naiiyak na tanong ko.

"Ilang libong taon kitang hinintay Aura! Hindi mo alam kung gaano katagal kitang hinintay! Hindi ako nanghintay nang ganon katagal para lang marinig na hindi mo na ako mahal!" nagtatagis ang bagang na sabi nya.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo! Bitawan mo ako!"

Hinawakan nya ang baba ko para matitigan sya sa mata.

"Hindi na ako maghihintay pa na bumalik ang alaala mo mahal ko," may galit parin nyang sabi "Mas mabuti kung ipaalala ko na sa'yo ang lahat ngayon. "

"Ano'ng gagawin mo sa'kin?"

Tumingin sya sa leeg ko. Mabilis nyang hinablot ang kwintas at pinigtas. Itinapon nya ito sa malayo.

"Inisip mo ba na hindi ko mahahalata?" mababang sabi nya at ngumisi "Na sa tuwing natatakot ka ay hinahawakan mo ang kwintas na 'yon? Ang proteksyon mo?"

Nakaramdam na talaga ako ng sobrang takot sa kanya. Ngayong wala na ang proteksyon ko magagawa na nya lahat ng gusto nya sa'kin. Naluha nalang ako sa sobrang takot. 

Ibinaba nya ang mukha nya sa akin at pilit akong hinalikan sa labi. Tila naparalisa ang buo kong katawan nang maramdaman ang epekto ng halik na 'yon. Sya ang unang lalaki na humalik sa akin. May malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa balat ko at awtomatiko akong napapikit. Naglaho ang takot na nararamdaman ko at napalitan ng init.

Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko sa dapat kong gawin.

Dapat ko syang itulak pero pinipigilan ako ng nararamdaman ko. Tuluyan nang naglaho sa pag-iisip ko na lumaban nang mawala ang distansya sa mga katawan namin. Naramdaman ko ang bigat ng katawan nya sa'kin. Ang init nya. 

Napasinghap ako nang maramdaman na kinagat nya ang labi ko. Nagulat ako nang ipasok nya ang dila nya sa bibig ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya. Parang kinokontrol nya ang katawan ko, ni hindi ko magawang lumaban.

Lumipat ang bibig nya pababa hanggang sa gilid ng leeg ko at patuloy parin akong hinahalikan. Ang bawat halik nya ay nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa balat ko. 

"Alalahanin mo mahal ko," bulong nya sa tenga ko at naramdaman ko ang mainit nyang hininga  "Ang pakiramdam na ito. Pilitin mong alalahanin."

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang pagwasak nya sa damit ko.

Pilitin na alalahanin ang pakiramdam na ito?

Pinakawalan nya ang mga kamay ko. Naisip ko na itulak sya pero hindi ko magawa.

Tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sakin na parang may hinihintay.

Nawala na ang galit nya. Bumalik na rin sa dating laki nito ang mga sungay nya. Kalmado na ulit sya.

"Hayaan mo na ipaalala ko sa'yo mahal ko," malumanay nyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko.

Muli nya akong hinalikan.

Nahihilo ako sa dami ng nararamdaman ko ngayon.

"Mahal ko.." bulong nya sa pagitan ng mga halik. "Aura.."

Pabilis nang pabilis at tila sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko.

Mali ito. Maling mali.

Pero hindi sumasangayon ang nararamdaman ko. 

Iginalaw ko ang mga kamay ko at hinaplos sya sa mga braso hanggang sa mapagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa batok nya.

Hinila ko sya nang mas malapit at tinugon ang bawat halik at haplos nya.

***~(*^*)~***

ERR.... May underage ba akong readers dito sa story na itow? Mga 11 years old to 14 years old? @__@ Ang laki ng pagkakaiba nila Timothy at Lucci no? LOL. Brutal yan si Lucci eh. XD Hwag nyong kalimutan na isa parin syang demonyo. Hahaha! Pero gusto ko parin si Lucci >///< Gustong gustong gusto ko sya! *U* 

Gusto ko sya kasi pumapatay sya ng mga SILENT READERS. Yung mga hindi marunong mag-Vote, Comment at Fan pero todo basa parin. LOL. A BIG THANKS KAY LARDEL24. =) Dedicated sa kanya.

Sa mga nagtatanong kung ano gamit ko sa pag-edit ng cover. ADOBE PHOTOSHOP. Manual po yan, pahirapan at hindi automatic. Hanggang sa susunod na kabanata. BABUSH!

XOXO

Alesana Marie

Reincarnation of LuciferWhere stories live. Discover now