Napaurong ako nang makita iyon.

"Gagamitin mo ba 'yan sa pagpatay sa'kin?"

"Oo mahal ko," sagot nya bago tignan ang punyal "Pero nakikita ko na natatakot ka ngayon kaya naman hindi pa ito ang oras para gamitin ko ito sa'yo."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Tila lahat ng sinasabi nya sakin ay nakakagulo sa pag-iisip ko. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Gagamitin ko lang ito kapag hiniling mo sa'kin mahal ko," itinago nya ang punyal sa damit nya "Hindi ko ito magagamit sa'yo kung nababahid ng takot ang puso mo."

Sa tingin ko malala ang epekto ng lahat ng ito sa akin dahil natawa ako bigla.

"Sino ba ang hindi natatakot mamatay?"

"Mahal ko," tumayo sya at lumapit sa akin "Hindi mo ba ako gustong makasama sa kabilang buhay? Hindi ka pa ba pagod sa pagiging mortal mo?"

Unti-unti akong nakakaramdam ng inis.

"Hindi kita maintindihan," naiinis na umiwas ako ng tingin sa kanya "Bakit ko naman hihilingin sa'yo na patayin mo ako?"

"Dahil gusto mo akong makasama," sagot nya "Hangga't nasa katawan ka ng isang mortal hindi kita maisasama sa kaharian natin."

Sa kaharian. Naalala ko ang panaginip ko. Balak nya akong isama sa impyerno, sa kaharian na ginawa nya.

"Bakit mo naman iniisip na gusto kong sumama sa'yo?" tanong ko at nagpatuloy nang hindi sya sumagot "Bakit ako sasama sa isang demonyo na katulad mo?"

"Dahil gusto mo"

"Bakit?"

"Dahil gusto mo akong makasama."

"Mali ka. Hindi kita gustong makasama Lucifer."

Nakita kong naikuyom nya ang mga kamao nya. Dumilim ang mukha nya at tumalas ang tingin nya sa'kin.

"Gusto mo," mariin nyang sabi "Gusto mo akong makasama Aura."

"Hindi," madiin kong sagot "Walang dahilan para gustuhin ko na makasama ka."

"Dahil mahal mo ako!" malakas nyang sabi na ikinabigla ko "Mahal mo ako."

"Hindi kita mahal," matatag na sabi ko "Paano ko mamahalin ang isang napakasamang nilalang na katulad mo? Naisip mo ba?"

Bigla nalang nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at isinandal sa pader. Umiilaw sa galit ang mga mata nya, pero sa pinakatagong bahagi non ay may nakita pa akong isang emosyon na hindi ko maintindihan.

"Ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ko nang makita na nasusunog na ang mga kamay nya.

"Bakit Aura?! Bakit hindi mo ako maalala?!" galit na tanong nya habang dumidiin sa balat ko ang mga daliri nya.

"Hindi kita kilala! Bitiwan mo ako!" nagpumiglas ako sa hawak nya pero masyado syang malakas.

"Alalahanin mo ako Aura! Pilitin mo!" utos nya.

"Bitawan mo ako!" 

Binitawan nya rin ako. Mabilis ang paghinga nya habang iniinda ang sakit ng pagkakasunog ng kamay nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.

Tumakbo ako papunta sa pinto ngunit bigla iyong sumara nang malakas.

Pinihit ko ang seradura pero ayaw nitong bumukas.

Naramdaman ko ang mabibigat nyang yabag at bago ko pa mamalayan ay nahila na nya ako at naitapon sa kama ko.

Nagulat ako nang tumama ang likod ko sa malambot na higaan. 

Reincarnation of LuciferWhere stories live. Discover now