"Brylle, kung ano man yang masamang binabalak mo. Huwag mo na ituloy!!" sabi ko.

Binitiwan naman niya ako saka tumawa.

"Hindi kita gagahasahin," sabi niya at saka tumawa. "I just want you to look at this place,"

dagdag niya at nang makita ko ang tinutukoy niya ay napanganga ako.

Nasa ikaapat kasi kaming palapag nang isang abandonadong building at nang makita ko ang mga ilaw mula sa buong siyudad ay napanganga talaga ako sa sobrang ganda.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko.

"Wandering around," sagot niya. Humakbang ako para matanaw ko nang maayos ang mga ilaw.

" As in, naglalakad ka sa gabi? Soul-searching?" natatawang tanong ko.

"Kind of," sagot niya. Malamig ang simoy nang hangin at manipis lang ang suot kong jacket.

Nagsneeze ako bigla at naramdaman kong isinuot ni Brylle ang jacket niya sa akin.

"Gentleman ka na pala ngayon? You're different ftom the Brylle na una kong nakikala," sabi ko.

" Talaga? Bakit mas gumwapo ba ako?" nagbibirong sabi niya. Hinampas ko siya nang mahina sa kamay. Nanatili kami roon hanggang sa magtanong siya sa akin.

" Kamusta naman kayo ni Zach?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang tanungin niya ang tungkol sa amin ni Zach.

Hindi ko siya masagot dahil hindi ko rin kasi alam kong kamusta na nga ba kami ni Zach.

"Ang ganda naman dito," sabi ko para hindi mapunta sa amin ni Zach ang usapan.

"Are you okay with Zach?" dagdag na tanong pa niya.

"Next time, gusto ko namang isama natin si Miki, Trisha at Stacey dito at ang buong grupo niyo," sabi ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa nang jacket na ipinahiram ni Brylle.

Hindi na siya nagtanong pa at maya maya pa ay may narinig akong parang bakal na natapakan at gumulong.

"Ano iyon?" tanong ko kay Brylle.

"Don't be scared, mga daga lang iyon," sagot niya.

"Okay,"sagot ko. Ramdam ko namang safe ako kapag kasama ko si Brylle eh.

Umihip muli ang malakas na hangin at nang lilingonin ko sana si Brylle ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran na sobrang ikinagulat ko. 


Mushroom's POV

I tightly hugged her. Hindi ko siya binitiwan kahit nagpupumiglas siyang kumawala mula sa pagkakayakap ko.

"Brylle, ano ba! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sabi nito nang makawala siya sa yakap ko.

" Persia, I just want you to know na gusto kita!" sabi ko. Nakita ko pang nagulat ito dahil sa mga binitiwan kong mga salita. Oo, I like Persia. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at sa dinami dami pa nang babaeng nakilala ko, siya lang talaga ang babaeng gusto kong makasama. Maybe, it all started noong mga panahong nakasama ko pa siya sa Capiz. Maybe, hindi ko lang naramdaman o napansin na nahuhulog na ako sa tuwing nakakasama ko siya. Lalo na ang mga ngiti niya.

Miki knew about this. At nang nalaman niya ay nasaktan siya. We were at the bar that time dahil sinusundan kasi ako nang balyenang iyon. And noong nalasing ako, nasabi ko. Wala na akong maalala after that because I passed out. Nagising na lang ako sa isang kwarto nang mag-isa and I didn't know kung sino ang nagdala sa akin doon.

Nabalitaan ko na lang na nangibang bansa na rin ang balyenang iyon. Mabuti nga sa kanya at naintindihan na rin niyang ayoko talaga sa kanya. At nang nalaman ni lolo at mama ang tungkol sa pag-alis ni Miki ay nagalit sila. Mom slapped me at inatake naman si lolo sa puso. I left home at nakikituloy kina Soda. At sa W cafe naman, I was encharged to manage that dahil si Dad ang nagsabi noon.

Siguro naman darating din ang panahon na maiintindihan nina Mama ang tungkol sa pagtanggi kong pakasalan ang balyenang iyon.

"A-ano? Brylle, di ka pwedeng magkagusto sa akin! May boyfriend na ako at kaibigan mo pa siya!Besides, paano si Miki?" tanong ni Persia.

" Miki?! Persia, I don't like her. And I don't care kong boyfriend mo si Zach!" sagot ko.

" Kaibigan mo siya Brylle! And besides, siya ang mahal ko!" sagot niya.

Sa pangalawang beses ay narinig na naman namin ang ingay na nagmumula sa baba. Para na namang may naapakang bakal roon.

Nandito ba siya?! Siguro, kapag nalaman ni Persia ang pinaggagawa niya ay ewan ko na lang. Siguro natatakot din siyang sabihin ko ang totoo kaya siguro nang sabihin kong I will take Persia sa lugar na ito ay sinundan niya kami.

He's lucky dahil mahal siya ni Persia. But I won't let him hurt her. Kaya sa puntong ito, hindi ko muna sasabihin kay Persia ang totoo.

" I'm sorry Brylle, pero kaibigan lang ang tingin ko sa iyo," sabi niya at ibinigay ang jacket ko. I smirked.

Bakit ba nagsasayang nang oras ang babaeng ito sa katulad ni Zach? Oo, kaibigan ko si Zach pero mukhang hindi pa talaga alam ni Persia ang tunay na kulay nang lalaking iyon. Nanahimik lang ako dahil ayokong masaktan si Persia but when I saw that thing, I knew that Persia doesn't deserve him.

I'll just wait for the right time to tell it to Persia. O baka nga, I'll let Persia see it herself kung ano ba ang pinaggagawa nang lalaking mahal niya.

" Fine, but I'm warning you. Zach's not a nice guy," sabi ko at seryosong tinitigan siya. I'm telling her the truth.

Nakakunot-noo itong tumingin sa akin.

"Sinisiraan mo ba siya? I thought na kaibigan mo si Zach?! Well, sinasabi mo lang ba ito dahil gusto mo ako? I thought na sana ikaw pa ang makakaintindi kay Zach but nagawa mo pa siyang siraan? "sabi nito at galit na tumingin sa akin. I wanted to tell her pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

" Persia, pinaglalaruan ka lang ni Zach! I just want you----" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako.

"Brylle, enough. I'm so disappointed with you," sabi ni Persia at saka nagwalk doon. Napahawak ako sa pisngi ko at napasuntok na lamang sa poste malapit sa kinatatayuan ko.

Damn! Damn that Zach! 

The NotebookWhere stories live. Discover now