Kaninang umaga pagdating ko sa room nakita ko si Ynjelle at bigla ko siyang binati at tinanong kung okay na ba sya. Ewan ko ba't ko yun nagawa. Baka gusto ko rin siyang maging laruan. Tss.

Nung recess time niyaya ko siya na sabay kaming kumain at mabuti nalang pumayag siya.

"Just don't mind them" sabi ko sa kanya ng mapansin kong tinitignan niya yung mga tao sa paligid na masasama yung tingin sa kanya.

"Mmm" mahinhin pero astig na sagot nya

"Maghanap ka nalang ng mauupuan natin at ako na oorder ng pagkain natin" sabi ko sa kanya at umalis naman sya

Habang nago-order ako lagi ko siyang tinitignan. Mukhang malalim yung iniisip. Hahaha.

"Hey?" Tawag pansin ko sa kanya

"Umupo kana" malumanay pero ma-awtoridad na sabi niya

"Ah salamat" sabi ko at ngumiti ng matamis.

Habang kumakain kami nakaramdam ako ng pagka-ilang. Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam paano magsisimula.

May mga bulungan kaming naririnig dito sa canteen. Naiinis na ako pero siya patuloy parin sa pagkain. Tinignan ko ng masama yung mga tao dito sa canteen.

"Hayaan Mo nalang sila. Ganyan talaga pag bida laging pinag-uusapan ng mga kontrabida" parang normal lang na sabi niya. Parang Wala talaga siyang pake Kay na-amaze ako.

"Woahhh" tanging sabi ko

Habang kumakain kami tinitignan ko siya. Ang cute niya palang kumain haha. Natapos na kami sa pag kain Kaya bumalik na kami sa room. Tsk magkahiwalay na kami ngayon.

Habang nasa harapan yung teacher nakatingin lang ako kay Ynjelle na buryong buryo na sa klase. Nung nag lunch di na kami magkasabay kasi may pinuntahan siya na di ko alam kung saan.

Afternoon class na namin. Ganun parin naman kasi kaya alam ko yung nararamdaman ni Ynjelle boring talaga kaya nilubos ko nalang yung oras sa kakatitig sa kanya.

Tinignan ko yung relo ko at 4:59 pm na ibig sabihin isang minuto nalang uwian na. Nagpaalam na yung teacher namin kaya dali dali akong pumunta Kay Ynjelle habang abala siya sa pag-aayos ng gamit niya.

Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung bisig niya. Kita ko namang nagulat siya. Haha ang cute.

"Ah Ynjelle, sabay na tayong umuwi?" Aya ko sa kanya

"Eh? Malayo yung bahay namin sa inyo" nagtatakang tanong sabi niya

"Okay lang may kotse naman eh" sabi ko sa kanya. Sigi na pumayag kana ngayon ko lang to ginawa tsk.

"Ah ikaw bahala haha" natatawang
Sabi niya

Habang naglalakad kami palabas ng school maraming nagbubulungan at nakatingin sa amin na labis kong ikinainis Kaya sinamaan ko sila ng tingin at agad naman silang umalis.

Hinatid ko na siya sa bahay nila at potek pre! Ang laki! Di ko alam na ganito pala sila kayaman kasi kung pumorma siya ay simple lang. Nakakahanga.

"Zaus pasok na ako sa loob ah? Ingat ka" sabi niya sabay ngiti ng matamis. Tsk heaven.

"O sige" sabi ko na may ngiti sa labi

"Di ka pa ba uuwi?" Takang tanong niya

"Aalis na rin ako hinihintay ko lang na makapasok ka" pakshet! Ano ba tong pinagsasabi ko?! Ang cheesy ko!

"Ah Sige haha" sabi niya at pumasok na nga.

Pumasok na ako sa kotse ng may ngiti sa labi hanggang sa pag-uwi ko. Lahat ng tao sa bahay nagtataka na kung Anong nangyayari sa akin pero di ko na sila pinansin.

Kinuha ko yung cellphone ko para i-text si Ynjelle pero potek! Di ko pala nakuha yung number niya. Kaya no choice ako kundi nag log in sa Facebook.

'hay sarap naman nito sa feeling. Pero hanggang ngayon di ko parin to maintindihan kung ano ba talaga to. Bahala na si Tadhana!'

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Henlooo bbs! Alam kong sabaw yung chapter na'to, pasensya na talaga nagka-author's block kasi ako tas di pa ako makapag-update masyado kasi may something na nangyari sa mata ko haha.

Thank you nga pala sa mga nag-vote sa story na'to. Di ko inakalang magiging Top 15 tong story na to sa Most interested story in wattpad kaya bbs thank you very much!

Wala kaming klase next week kaya BAKA makakapag-update ako araw-araw? Hahaha di pa ako sure.

So yun lang. Thank you ulit bbs. Mwaps!

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now