*bumaba kami at nag doorbell *
"Ohh kayo pala yan Odette at Lance,anong ginagawa nyo dito?"
"Nandito po kami para mag interview" sagot ko
"Ikaw po kasi ang napili namin maam dahil guro po ang hero para saaming dalawa ni lance" sabi ni odette
"Ahh ganon ba, Tara muna pumasok muna kayo"
"Sige po maam" sagot naming dalawa
*pumasok kami sa bahay ni maam *
"Ano ba ang itatanong nyo saakin?"
"Bakit po ang pagiging guro ang napili
Nyo tarabaho?
"Guro ang aking pinili dahil gusto kong makatulong sa mga kabataang katulad nyo, gusto kong isa ako sa dahil kung bakit nyo makakamit ang mga pangarap nyo.Hindi lang sweldo ang mahalaga mga bata. Ang tunay na mahalaga sa pag pili ng isang bagay ay kung gaano ka kasaya at hindi pansamantalang kaligayahan ang dala nyo saakin.Pera madaling mawala pero ang alaala ay mananatili sa isip at puso.Kaya kung ako sa inyo pag isipan nyo ang mga bagay na gagawin nyo"
"Wow naman po maam ang haba"sabi ko
"Maam salamat po at pinayagan nyo kaming mainterview ka" sabi ni odette
"Wala na ba kayong itatanong?"
"Wala na po maam"
"Mag miryenda na muna kayo bago kayo umalis,sandali kukuha lang ako nang makaain"
"Nako maam wag na po nag mamadali po kasi ako eh maygagawin pa po ako baka po gabihin" sagot ni odette
"Ahh ganon ba.Sige sa susunod nalang Magingat kayo sa pag uwi"
"Sige po maam, Salamat po uli" sagot naming dalawa
*Umalis na kami sa bahay nila maam*
"Odette bakit hindi ka pumayag na mag miryenda muna tayo?Ano ba yung gagawin mo sainyo?"
"Ahh yon ba? Wala lang yon baka kasi gabihin hindi ka na makapag laro"
"Ahh ako pala ang dahilan,wala ka ba talagang gagawin sa inyo?"
"wala manonood nalang ako pag uwi,bakit mo naman natanong?"
"Gusto mo bang gumala o kaya kumain?"
"hmm gusto kong kumain ng ice cream ngayon"
"Tara sagot ko kaya lang wala pa kong dalang pera"
"Meron naman akong dalang extra money eh ako na muna sasagot"
"Hindi na ako nag aya eh, uwi muna tayo tapos kukuha ako ng pera sa amin"
"Sige uwi muna tayo tapos pupuntahan nalang uli kita sa inyo"
"Wag ka nang pumunta samin,Ako na pupunta sa inyo susunduin kita pag kakuha ko ng pera"
"Sige,Basta bilisan mo ha?"
" Oo tara na ng maka uwi na tayo"
*sumakay na kami at umuwi*
"Bakit dito ka bumaba samin?"tanong ni odette sa akin
"Malapit lang naman yung bahay namin dito, tsaka baka kung mapano kapa ako ang maykasalan"
"Sige na umuwi ka at nang makabalik ka kaagad gusto ko ng kumain ng ice cream"
"Sige uuwi na ko wag kang pupunta sa amin ahh ako ang pupunta dito"
"Oo na po"
"Sige aalis na ko"
*umalis na ko sa tapat ng bahay nila*
Magagastos ko pa tuloy yung pang bili ko ng skin Pero okay na yon minsan lng naman to
Ang hirap pala ng buhay ni odette
Gigising ng maaga para mag luto uuwi sa gabi ng walng pagkain matutulog mag isa sa napaka laking bahay
Maswerte pa pala ako, kahit na hindi mayaman ang aming pamilya ay sama sama naman kami
*nakauwi na ako ng bahay*
"Ma nandito na po ako"
"Nak ikaw nga muna ang magluto ng hapunan natin masama ang pakiramdam ko ngayon eh"
"Pero Ma may gagawin pa ako ngayon"
"Ngayon lang naman,pagtapos mong magluto gawin mo yung gagawin mo.May pera sa wallet ko kumuha ka ng pambili ng lulutuin mo ikaw na din ang bahala kung anong gusto mo"
"Sige po,Aalis na ko"
*umalis na ako ng bahay*
Pano yan nangako pa naman ako kay odette,malamang nag aantay na yon sakin.Anong gagawin ko?ahh alam ko na.
