Prologue

24 1 0
                                        

Dalawang klase ng tao na magkaiba ang dahilan kung bakit nagbago...

-Isang Babaeng nagbago dahil sa karanasan at sakit na naramdaman. Takot ng maranasan ang lungkot na naramdaman sa kanyang nakaraan...

-Isang Lalakeng nagbago dahil ayaw ng makakita ng lalaking nagpapakatanga sa babaeng minamahal nila. Kaya bago pa sya saktan ng mga babae, inuunahan na nya...

Isang minsan na nagseryoso pero ginago, at isang kahit kailan di pa nagseryoso, pero laging nanggagago...

Dalawang tao na puro laro lang ang gusto...

Laging nanakit ng damdamin ng ibang tao...

Pano kung pagtagpuin sila ni tadhanang mapagbiro?...

Patuloy kaya silang maglalaro? o mababago nila ang isa't isa...

Matutunan na kaya nilang pahalagahan ang damdamim ng iba? o patuloy paring ipagsasawalang bahala...

---

"Ang mga lalake sa una lang magaling. Kapag di nakuntento sayo, sa iba hahanapin ang pagkukulang mo" yan ang paniniwala ni Sapharie Aubrey Mendez.

Simpleng babae, matalino, masayahin, mapagmahal, di marunong manakit ng damdamin ng ibang tao, mas inuuna ang ibang tao kesa sa sarili. Ganyan sya mailalarawan

Pero lahat yan nagbago ng sya ay saktan ng lalaking tinitibok ng kanyang puso...

---

"Ang mga babae mahilig manakit ng damdamin ng ibang tao, mga paasa. Kaya bago kapa nila masaktan unahan mo na, kasi kapag di mo naunahan ikaw din ang maiiwang luhaan" yan ang paniniwala ni Xandrious Aquino.

Isang lalaking di pa nararanasang mainlove. Mabait, matulungin, masipag magaral, palangiti, di marunong manakit ng damdamin ng ibang tao ganyan sya mailalarawan

Pero tulad ni Sapharie, Si Xandrious din ay nagbago...

Nang iwan sila ng kanya Ina at sumama sa ibang lalaki. Nakita nya kung gaano nasaktan ang kanyang ama kaya nangako sya sa sarili nyang gagantihan nya ang mga babae, kase ang mga babae daw kahit kailan di ka seseryosohin kaya bilang ganti di din nya seseryosohin ang mga babae. At sasaktan nya ang mga ito gaya ng pananakit ng Ina nya sa kanyang ama

---
PLAGIARISM IS A CRIME

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incedents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental

© All Rights Reserved. Shammoly 2018

PLS SUPPORT MY STORY AND DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT AND FOLLOW THANKS ALOOOOOT💙

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 13, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Sapharie, Mahal kitaHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora