XXII

1.5K 58 1
                                    

-MAINE'S POV-

Pumasok na ko sa Office ngayon, Dumiretso agad ako sa department ko at sinimulan na ang mga gawain na di ko nagawa kahapon kasi wala ako.

Habang busy ako sa mga paper works ko, biglang sumulpot si Richard sa kung saan man siya galing. Tumabi siya sa tabi ko.

Di ko siya pinapansin, 

" Maine, are you mad :( "

napatingin naman ako sa kanya, at ung mukha niya eh, parang payb years old na inagawan ng kendi .

" May karapatan ba 'kong magalit sa'yo? "

" What do you mean? "

" I mean, ako ano ba ko sa'yo? Uhm ang hirap kasi eh, di ko alam kung saan ako lulugar. "

" You know naman na you have a special place in my heart, and that spot is only for you"

"Pwede ba, stop making jokes. Let's direct to the point"

" I'm not joking, I--"

"Ikaw at Ako? Ano? Ano bang meron tayo or should I say may tayo ba? "

Di ko na napigilan ung sarili ko na pagsalitaan siya. Wala eh gusto ko ng sagot sa mga lahat ng tanong ko, para naman di na ko umasa.

"Maine ikaw at ako ay---"

Di niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may tumawag sa phone ko.

Si nanay pepe ang tumatawag.

Lumayo ako kay Richard bago sagutin ang tawag ni Nanay pepe.

" Hello nay, bakit po kayo napatawag? "

' Anak, si Charmaine... '

" Ano pong nagyare kay Charmaine? "

nagaalala kong tanong sa kanya bihira lang kasi siyang tumawag sa'kin eh, lalo na kapag emergency lang.

" Anak, dinala ko sa Hospital ang anak mo, .. "

"Bakit po?? Ano pong nangyare? "

" Eh bigla na lang siyang nawalan ng malay eh, nagpanic na ako di ko na alam ang gagawin ko, anak pumunta ka nalang dito. "

"Opo nay, papunta na po. Please kayo na po munang bahala sa anak ko, sige po nay sandali lang andyan na ako "

Agad akong bumalik sa table ko at inayos ang mga gamit ko, Di ko napansin na nandito pa pala si Richard.

" May problema ba? Bakit? Anong nangyare? "

"Richard wag muna ngayon please?? She need's me, "

" Who?? "

" Basta sige na please let me go :( "

-------
-RICHARD'S POV-

Pagbalik ni Meng sa table niya nagayos agad siya ng gamit.
Nagworry ako kasi halata sa mata ang pagalala.

Halos magmakaawa na nga siya sakin para paalisin ko eh,

After non umalis na siya, sinundan ko siya hangang sa ground floor.

Sumakay siya ng Taxi and then after a bit sinundan ko na siya di ako mapakali eh.

Hangang sa huminto ang tax'ing sinasakyan niya sa isang Hospital??
Anong gagawin niya sa Hospital.

Nakita ko si meng nabumaba at nagmamadaling pumasok, nagpark ako saglit at sinundan siya hangang dalhin ako sa tapat ng isang kwarto kung saan siya pumasok.

------
-MAINE'S POV-

Pagkababa ko ng taxi nagbayad lang ako at mabilis na pumasok sa ospital, 

tinanong ko sa Nurse kung saan ang room ng anak ko, agad naman nila akong inassist sa kwarto ni Charm.

Wala na akong pakialam sa paligid ko, ang importante ang anak ko.

Pagpasok ko nakita ko ang anak ko na nak-Swero at may oxygen na nakalagay sa ilong niya. Bilang ina, mahirap sa'kin ang makita ko ang anak ko sa ganong kalagayan, kung pwede nga lang kunin ko na lang ung sakit niya eh, kung pwede lang.

Habang hinahaplos ko ang mukha ng natutulog kong anak, biglang pumasok ang doctor.

" Doc.."

"Ms. Mendoza di na ko magpapaligoy pa, youre child needs to Operate as soon as posible, habang lumalaki siya. Lumalaki rin ang butas sa Puso niya na maaaring maging komplikasyon sa pang araw-araw niyang pamumuhay"

mahabang litanya ni Doc, hindi naman matigil sa pagpatak ang mga luha ko, ang anak ko.

" Sisi--ge po Doc, salamat po. "

" I'll go a head Ms. Mendoza, pls. Pagisipan mo itong mabuti, this is for the sake of your child"

Ayun lang at umalis na si Doc,

Naiwan ako ditong umiiyak, 

" Baby, Gising na please. Kailangan ni mommy ang super hug mo, I love you anak ko :( "

hinalikan ko ang anak ko at binantayan ito.

--
-RICHARD'S POV-

Nakatayo pa rin ako sa labas ng
kwarto kung saan pumasok si Maine.

Hindi na ko nakatiss kaya sinilip ko ang kwarto, nakita ko si Maine na kausap ang Doctor . Seryosos siya habang nagpipigil ng iyak. Ng makalabas ang doctor ay doon niya na binuhos ang lahat.

Umupo siya sa tabi ng Bata, at kinausap ito. Sino kaya yung bata? Ba't ganun ka affected si Maine??

S T A YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon