"Sige tol. Ingat! Maraming salamat ah?" ani Khymer at ngumiti. Tinitigan ko sya,iniukit ko sa utak ko ang mukha nya,ang ngiti nya,ang mga mata,ilong,labi at mga kilay nya.

"Tara na teh." pag aya ni Rei at lumabas na kami. Nag taxi na lang kami kasi gusto ko silang tanungin.

"Nasan sina Tito at Tita pati si Kheeth?" ani ko,lahat kami nasa backseat at ako ang nasa gitna.

"Pagkatapos nilang ipaliwanag at ikwento lahat kay Khymer ay umuwi sila pero babalik din. Naguluhan si Khymer pero natanggap din nya." ang sagot naman ni Rei. Buti natanggap agad ni Khymer,alam na din kaya nya ang tungkol sa amin?

"Nung nawalan ako ng malay,anong nangyari? Ano daw lagay niya?" tanong ko ulit. Nilingon ko si Kayt na malalim ang iniisip,siniko ko sya para sya ang sumagot.

"Bukod sa mga nawala nyang alaala ay okay naman daw sya. Hindi muna sya pwedeng magbasketball,saka after 5 days makakalabas na sya ng ospital." ani Kayt at muling nanahimik.

Naisip ko na aabot pa si Khymer sa seasonal ball ng school nila. Makaka attend pa sya,kung wala pa din syang maalala pag dumating ang araw na iyon ay ako na ang magpapa alala.

Unang bumaba si Rei. Kasunod naman ay kami na ni Kayt. Pumasok na kami sa kwarto namin,ipinuwesto nya ang dalawang monoblock,nagets ko na,gusto nya sigurong makipag usap kaya naupo na ako.

"Im really worried about your situation. Ipaalam mo yan sa pamilya mo." aniyang seryoso. Ang kulit nila,unang araw lang naman to ng pananakit ng dibdib ko at panigurado wala na ito bukas,hindi ko naman siguro ito ikamamatay.

"Im okay. Overfatigue nga diba? Pahinga lang ang katapat nito. At saka hindi ko pwedeng ipaalam sa pamilya ko,mag aalala sila." ani ko,nakatingin pa din si Kayt. "Maraming salamat ah?"

"Wala yon. Ang tigas ng ulo mo." at ngumiti sya. "Para makapag pahinga ka,stop thinking about him,tiisin mo munang huwag syang makita. Magandang gawin din iyan baka hanapin ka nya at bumalik ang alaala nya. Dont worry so much about him,malaki na sya at hindi naman nakamamatay ang amnesia."

Napangiti ako,tama sya. Kailangan ko munang magpahinga talaga at magtiis na huwag makita si Khymer,that way baka sya na nga mismo ang maghanap sa akin.

Malas man ang mga nangyayari sa akin,masasabi kong swerte pa din ako dahil napapalibutan ako ng mga mababait na tao,iniaangat nila ako pag pakiramdam ko ay sobrang down ka,pag nagdidilim na ang pag asa ko ay nandyan sila para paliwanagin ito.

Kinabukasan ay ginawa kong normal ulit ang lahat,sabay kaming pumasok ni Kayt,napagdesisyunan kong ngayon simulan ang pinag usapan namin kahapon. Hindi na muna ako pupunta sa ospital. Kaya lang pakiramdam ko ay mahihirapan ako dahil kasama namin sa isang campus si Kheeth at baka kulitin ako.

Pero mabuti naman at hindi nangungulit si Kheeth pag kasama namin. Kasi pag nangulit sya,alam kong isasama at isasama nya ako sa ospital at baka mawala na naman ako sa konsentrasyon,mahirap na.

After five days ay nabalitaan ko kay Kheeth na nadischarge na si Khymer. Masaya ako sa nalaman ko pero hindi pa panahon para makipagkita.

"Ayon,makakapasok na ulit si kuya sa school nila bukas." ani Kheeth ng nasa cafeteria kami.

"Well thats good." sabi ni Kayt. Napatingin ako sa kanya,mukhang nagkamali kami,hindi ako hinahanap ni Khymer.

"Yun lang? Paano naman si bakla? Hindi ba nya hinanap?" ang pag singit ni Rei,tiningnan ko sya at pinanlakihan ng mga mata. Makuha ka sa tingin Rei!

"Kinekwento ko nga sa kanya lahat eh. Wa epek,ewan! Maghintay na lang tayo na bumalik yung mga nawala nyang alaala. Pati kami nina Mom at Dad ay pinapabayaan muna sya." kibit balikat na sagot ni Kheeth.

Tama nga naman. Pabayaan na lang muna at huwag pilitin. Basta ako gagawa pa din ng paraan.

That day,pagkauwi namin ni Kayt ay nakatanggap ako ng text galing kay Chammy na kitain ko daw sila bukas at may sasabihin sila,isama pa daw si Kayt,nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong.

Sinabi ko ito kay Kayt at sumang ayon sya. Kaya kinabukasan,nakipagkita nga kami sa tropa,sa isang park nila napiling mag usap usap.

"Anong meron? Pati si Kayt ay idadamay?" tanong ko ng makalapit. Naupo kami ng pa indian sit sa damuhan,sa lilim ng isang puno.

"Kamusta naman at talagang natiis mo si Khymer na huwag puntahan?" ani Jolikor,sasagot sana ako pero naunahan ako ni Kayt.

"Its for his own good."

"O,ano nga. Anong meron?" at tiningnan ko sila isa-isa.

"Eh kasi ganito yun. Nakaka frustrate na yang amnesia ni Khymer,pati kami hindi pinapansin." panimula ni Chammy.

"Kasi naman,ang naalala pa lang nya ay si Mickey bilang lalaki,remember hindi pa sya pinapakilala sa atin that time." ang sabat naman ni Jawo.

"Oo nga. Were totally strangers to him now,medyo nakakairita na." dagdag ni Chivan.

"Oh? What do you suggest?" ang agad kong tanong.

"We have a plan. Ang pagselosin sya,at tingnan natin kung ano ang irereact nya." sabi ni Shaye na ikinanganga ko.

"Ha? Pagseselosin? Delikado yan,baka lalong wala syang maalala." ang kinakabahan kong sabi.

"Trust us." sabi ni Shaye,napatango ako. "At dun papasok si Kayt." dagdag pa nito.

"Ako? Bakit ako nadamay? Pwede namang si Brix ah?" ang biglang dipensa ni Kayt. Ano bang pumasok sa utak ng mga kaibigan ko?

"Hindi pwede si Brix. Alam natin ang nakaraan nila ni Meekz. Mas delikado." sabat ni Chandler. Napalunok ako,tama ba itong mga naisip nilang gawin? Hindi kaya mag backfire lang ang lahat ng ito sa akin?

"Tumpak! So,Chammy ilahad mo na ang mga baraha mo dyan at masimulan na ang kahindikdik nating plano! HAHAHAHAHAHA!" ani Jolikor.

Napalunok na naman ako at nagtayuan ang mga balahibo ko. Ano ba itong pinasok ko? Makakatulong ba ito o makakasira?

Nang masabi na ni Chammy ang plano ay pumayag na din kami ni Kayt. At isasagawa na ito sa isang araw bago ang Seasonal ball.

Tulala si Kayt ng umuwi kami hanggang sa kwarto namin. Inaalala ko sya,pwede naman syang mag back out kung gugustuhin nya.

"Kayt? Are you sure you're okay with this plan? Inaalala ko lang ang feelings mo. Alam kong parang nagagamit ka na dito ng hindi alam ng tropa." ani ko at tumabi sa kanya sa deck nya. Nilingon nya ako at ngumiti.

"Gusto kong tumulong at makabawi. Huwag mong intindihin ang damdamin ko. Im all good,para sa inyo naman ni Khymer itong gagawin natin." aniya at ngumiti.

I really hope na mag work sana ito. Ihahanda ko na din ang sarili ko sa magiging posible outcome. Sana kayanin ko pa. Hindi! Kaya ko ito.

AN/ 2ND UPDATE FOR THE DAY :) AYAW KO NG MAGREQUEST NG REWARD,WALA NAMAN AKONG NATATANGGAP HAHAHA! OY,DO YOUR THING =)

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz