KOLSENER - Day 1.5

1.7K 37 17
                                    


KOLSENER

Orignal Story

TOYANTZ




Day 1.5

Alas otse ng gabi, parehong araw.
"Pre, magkano print?" tanong ko sa bantay.
"Piso lang short, Wanpipti sa long." sagot agad nito ng di inaalis ang tingin sa monitor.
Pasimple akong kumapa sa bulsa at binilang ang perang dala.
Bente pesos lang ang nadelihensya ko kay Mama kaya di ako pwedeng sumobra ng oras.
Abala ko sa pagmanipula ng mga datos.
Kung ako ang masusunod, isang page lang to. Wala kong masyadong achievements sa buhay kaya kahit anong titig pa ang gawin ko sa punyemas na resume na to, alam kong wala rin namang mangyayari.
Ilagay ko kayang kumakain ako ng apoy ?
O kaya kaya kong abutin ng dila ng siko ko ?
Dumako ang tingin ko sa Educational Attainment, putris talaga.
Muli akong napabuntong hininga. Bahala na.
"Sige, pa print ako ng tatlo. " sambit ko.
. .
Napatingin ako sa nalalabing oras ng nirent ko.
Kala ko pa naman astig dito sa shop na to kasi aircon, di naman pala nakabukas.
Sana dun na lang ako sa pisonet.
Masisira lang skin ko.
Going back.
May 13 minutes pa ko
Naisip kong mag browse sa facebook.
Infairness, nakapag recite na ko ng verse sa bible, bago pa tuluyang magpakita ang newsfeed ko.
Napataas ang kilay ko ng makitang may isang mensahe, isang friend request at apat na notifications.
Syempre messages muna.
Uy chix.
Pero napasimangot lang ako ng mabasa kong nagpapa like lang pala ng profile picture.
Diretso ako sa friend request, langya, ni hindi ko mabasa mga pangalan
Pag click ko naman sa notifications, puro game requests.
Jusko, what with these people ?
. .
Panis sa english.
Pasimple kong nag browse.
Dahil sa medyo sikat ako, wala pang isandaan friends ko.
Pero okay lang, wala namang kaso yon at least kilala ko lahat or 70% kilala ko.
Ikaw ba ?
. .
Inabala ko ang aking sarili sa pagkatikot ng buhay ng iba.
May halong inggit at panghihinayang sa mga oras na nasayang.
Kita ko sa mga dati kong kaklase na angat na halos ang mga ito sa buhay.
Yung ibang posts, kung hindi mga lugar na napasyalan, mga gamit o bahay na naipundar.
Andami na nila.
Konti na lang kaming nasa baba.
Batid kong wala namang ibang dapat sisihin kundi ang mismong katamaran at karuwagan na yumakap sakin nung mga panahong nasa akin ang lahat ng pagkakataon.
Di pa naman siguro huli ang lahat.
Walang mangyayari kung magpapadala ako sa awa sa sarili.
. .
Matapos kunin ang pinaprint, nagpasya na kong umuwi.
Pasimple kong kinapa ang cellphone ni Mama na pansamantala kong ginagamit para naman may komunikasyon kami ng mga fans ko.
Napakunot noo ako ng makita kong walang signal.
Kaya pala walang nag tetext!
Mabilis akong nag power cycle.
Oh, para sa mga di tech savvy, power cycle means rebooting your phone.
Rebooting means turning it off and turning back on.
Oh, ano ka ?
Angas ko no ?
Hihihi.
. .
Balik ulit.
Tumabi muna ko saglit para antayin ang pagbubukas ng cellphone.
Alam kong walang mag tetext na tropa, pero ang mas inaabangan ko ay yung mga galing sa ahensyang inapplyan ko.
. .
Matapos marinig ang pamilyar na opening tong ng mamahaling cellphone ni ermats, isa isa ng nagdatingan ang kanina ko pa inaasahan.
Saglit akong nagbasa.
Karamihan ay galing sa jobstreet pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang pamilyar na kumpanya.
"Teleperformance"
. .
Malapit na ko sa bahay ng mapadaan ako sa tambayan.
Nakita ko ang mga kababata kong abala sa pagbahagi ng mga kuro kuro at payo sa isa't isa.
Bilang mamamayan ng Pilipinas, batid kong kailangan ko ring magshare .
Pero joke lang, nag iinom sila.
Di ako lasinggero pero na a-amaze ako kung paanong baguhin ng kapirasong likido ang ugali ng isang tao.
Mula sa pagiging tambay, nagiging political analysts ka tapos magiging boxing expert, tapos magiging singer.
Aztig talaga.
Minsan, kapag sinwerte ka, pati nakaraang buhay ikukwento.
. .
Saglit akong naupo.
Automatikong sasalinan nila ang isang baso at iaabot sayo.
Pero bilang matinong parte ng lipunan at may matibay na pagtanggi sa mga masasamang bisyo, agad akong tumanggi.
"Pass pre. " Sabi ko may kasama pang iling.
"Sige na, para ka namang gago eh. " wika ng tanggero na inudyukan na pati ng aso nila.
"Sige na nga, isa lang ha. " hindi ako nagpapakipot.
Nagtawanan sila at tinuloy ang istorya.
Nakitawa na rin ako.
Masaya talaga ang tambay.
Kung may sweldo nga to, malamang wala ng nagtrabaho.
Pero napatingin ako sa kanila isa isa.
Lalo na sa nagtatagay.
Kung hindi ako nagkakamali, wala na sa kalendaryo ang edad nito. Pamilyado na rin at may isang anak.
Napaisip ako, ano kayang komento ng asawa nito sa uri ng pamumuhay, pero wait, mukhang may sagot na.
Saglit lang, palapit ang isang babaeng may kargang bata at walang pang itaas.
Base sa tuwang makikita sa kanyang mukha, halatang na miss nito ang mister.
Kulang na lang ihagis ang anak patungo sa ama nito.
Nagmura ang tropa kong tanggero. Bilang ganti, nagmura din ang asawa nito.
Yung tipong mapapa take down notes ka sa dami nilang alam na lenggwahe para insultuhin ang isa't isa.
Napailing na lang ako at tinapik sa balikat ang isa naming tropa.
"Uwi na ko, mag apply ako bukas" paalam ko.
Tumango lang sya, mukhang na a-amaze rin kung paano magpakita ng pagmamahalan ang mag asawa sa harap ng ibang tao, higit sa lahat ay sa anak nila.
. .
Pag uwi ko sa bahay, tulog na si ermats.
Si erpats naman ay abala sa pag drawing ng kung ano.
Sabi ni Mama, dapat architect daw si Papa o kaya engineer.
Kung may pera lang sana pangtustos sa pag aaral pero sa huli, nalaman kong astronaut pala talaga ang gusto nya.
Charot.
. .
Diretso na ko sa kwarto para hanapin ang bag kong mas mahalaga pa sa wallet ko.
Eto kasi may laman, yung wallet ko wala.
Sa tabi nito ay ang envelope na kanina lang ay gamit ko sa pag apply.
Eto ata malas eh.
. .
Matapos kong maitabi ang resumes na ginawa, nahiga na ko sa kama at muling binalikan ang karuwagang pinairal ko kanina.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata.
Nangako sa sariling di na mauulit ang ganuon.
Sayang ang pera.
Sayang ang oras.

ITUTULOY !!!  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KOLSENERWhere stories live. Discover now