KOLSENER - Job Hunting

2.8K 58 16
                                    


KOLSENER

Original Story

TOYANTZ

Job Hunting

"Cubao ho" sagot ko ng lumapit sakin ang lalaking may dalang tiket.

Kusa na akong nag abot ng bente pesos na mabilis naman nitong tinanggap.

Kasabay ng pag abot ng dalawang pirasong papel na nagsisilbing katibayan na legal ang pag upo ko dito sa bus, inabot din nya ang pisong aking sukli.

Gusto ko sanang sabihin na, "wag na manong, keep the change" pero naisip kong dagdag din ito sa pera ko.

. .

Matapos akong layasan ni Manong, tinuon ko na ang aking atensyon sa bintana.

Kipkip ang envelope na naglalaman ng aking pagkakakilanlan, baon ko ang pag asang matatanggap ako sa trabaho.

Alas sais.

Maaga pa pero sandamakmak na ang mga sasakyan sa kalsada.

Animo'y prusisyon sa dami.

Mabuti na lang, medyo antok pa ko.

. .

Saglit naglakbay ang aking diwa sa karimlan.

Pagdilat ko ng mga mata, napamura ako ng palihim dahil nasa Tandang Sora pa lang ako.

Napailing na lang ako at pasimpleng pinagmasdan ang mga taong paroo't parito.

May kanya kanyang landas na tinatahak.

Kanya kanyang rason kung bakit gumigising sa umaga.

Ikaw ? Anong dahilan mo kung bakit ka bumabangon ?

Natawa ko bigla sa tanong na biglang pumasok saking kukote mula sa komersyal ng isang kape.

Pero kung hihimayin mong mabuti, mapapaisip ka rin, ano nga bang dahilan bakit paulit ulit kang nagtyatya sa araw araw?

. .

Napakibit balikat na lang ako at umayos ng upo ng may isang sumakay na matandang dalawang lalake.

Napakunot noo ako ng saglit silang magusap pagkuwa'y naghiwalay.

Yung isa pumwesto sa likod tapos yung isa naman sa may bandang likod ng driver.

Maya maya, naglabas ng kung anong papel ang nasa likod ng tsuper at nagsalita ng malakas.

"Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Narito po kami naglalakas loob upang sa inyo'y lumapit at makiusap. " bungad nito.

Nagpaling ako ng tingin.

Bagama't nasa ibang lugar ang aking mga mata, nasa kanila naman ang aking tenga.

Nagpatuloy ang lalaki.

"Nagagalak ang Panginoon dahil tayo po ay pinagtipon nya sa lugar na ito. May reason po ang lahat. Tama po, may dahilan kung bakit tayo magkakasamang narito sa bus na ito. Alam ko ho na nakakahiya pero nais lamang po naming lumapit sa inyo upang manghingi ng kaunting tulong o donasyon. " dugtong nito.

Napakibit balikat ako.

"Sabi na" bulong ko sa isip at pasimpleng kumapa sa bulsa.

Kahit na alam ko kung magkano ang ekstaktong laman ng bulsa ko, pasimple pa rin akong nagbilang.

KOLSENERWhere stories live. Discover now