Val's POV
2 Years Later....
Dalawang taon akong naging miserable dahil sa isang pagkakamali. At wala akong ibang sinisisi kundi ang aking sarili.
At sa dawalang taon na iyon natutunan kung bumangon ulit, natutunan kong ayusin ang buhay ko ulit. Dala-dala ang pagtanggap sa nangyari.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil alam ko, natin na hindi lang ikaw ang may pagkakamali, ako din."
"Tanggapin mo nalang ang nangyari, alam kung hindi ka pa handa sa ganong estado ng buhay kaya mo nagawa iyon."
Mga katagang dahilan kung bakit ako natauhan.
"Andito lang ako mahal hindi kita iiwan"
Dahil sa pagiging miserable hindi ko na naisip na may tao pa palang nagpapahalaga sakin. Hindi ko alam kung paano ako napatawad ni Tim sa nangyari basta ang lagi niyang sinasabi.
"Mahal na mahal kita kahit anong pagkakamali pa yan papatawarin parin kita, ganoon kita kamahal"
Si Tim, siya ang laging nariyan. Ayukong mawala siya sa akin.
~
"Kumain ka na anak para makapasok kana sa school, maya-maya andyan na si Tim" sabi ni Mommy.
Nung nakagawa ako ng pagkakamali isa siya sa mga nagalit sakin pero di nagtagal napatawad parin niya ako.
Si Mommy lagi din siyang naka-antabay sakin dahil baka daw may gawin akong masama sa sarili ko.
Kahit naman naging miserable ang buhay ko ng dalawang taon eh hindi naman ako suicidal. Si Mommy talaga.
Ilang minuto bago ako natapos kumain nang may bumusina sa labas ng bahay.
Si Tim na siguro yan.
"Mommy, alis na ako" paalam ko kay mommy.
Pagkalabas ko hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Tim na nakasandal sa kanyang sasakyan.
Nang makita niya ako ay napatayo siya ng maayos. Ngumiti naman ako sakanya at nginitian niya rin ako.
"Goodmorning, Love" bati niya saka ako pinagbuksan ng pinto. Sa passenger ako umupo. Dahil magmumukhang driver si Tim kapag sa likod ako umupo. Gwapong driver.
Agad pumasok si Tim sa driver seat at nagmaneho, tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa skwela.
"Thanks, love" sambit ko dahil pinagbuksan ulit ako ni Tim ng pinto.
Hinawakan ni Tim ang kamay ko habang papasok ng school.
Buti nagawa ko pang mag-aral ng maayos sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko.
Naningkit ang mata ko nang mapansin kung ngingiti-ngiti siya. Makurot nga to sa tagiliran.
"AWW--love naman bat ka nangungurot?" daing niya.
"Anong nginingiti mo dyan, ha? ano may iba na bang babaeng nagpapangiti sayo nang ganyan ha? Sino siya? Baka pwed--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.
Why his lips is so soft. Para siyang jelly ace sa lambot.
"Mahal naman kung ano-ano na naman iniisip mo. Hindi ka ba nakainom ng gamot mo para sa selos---Aww love nakakadalawa kana ah" this time hinampas ko naman siya sa braso.
"loko-loko ka talaga, bakit ka ba kase pangiti-ngiti dyan?" iritado kong tanong.
"Iniisip ko lang naman kung gaano kaganda si Mar--Aww" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinampas ko ulit siya.
YOU ARE READING
The Liars Lover
Teen FictionAre you aware that your lying to your love one? Even though you promised to each other that no secret. it's like you're cheating. It sucks but you have to. Till when will you keep that as a secret? What if someday he will find out your secret? Are y...
