Chapter 30

1K 79 19
                                    

Anthony

Pagkagising ko ay nakita kong tulog pa si Celine, nasa tabi ko siya habang nakayuko sa kama. Pagod din siya siguro sa kakatingin sa akin. Matagal ko siyang tinitigan at hindi ko mapigilang hindi umiyak, knowing na ilang araw na lang ako.

Naalimpungatan siya kaya naman nawala ang moment ko, she checked me once again. Ang swerte ko pa din, salamat sa Diyos dahil bago ako mawala ay naiayos ko ang relasyon naming nasira ng kasinungalingan. Kung hindi lang sana dumating iyon ay masaya sana kami.

"Good morning, kamusta na pakiramdam mo? Okay na naman ba? Sabihin mo lang sa akin kung may masakit na part ha? I'll help you out. Nandito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan." sabi sa akin ni Celine

"Good morning, huwag mo na ako alalahanin kasi magaling na ako. Wala na ako nararamdamang sakit kasi nandito na yung gamot ko eh. Pakiss nga ako!" asar ko pa kay Celine

"Ikaw talaga, napakabolero mo. May sakit ka na nga, gumaganyan ka pa. Umayos ka ha, magpagaling ka. Hindi pwede yung ganito, ayaw ko na nakikita kitang ganito." sabi niya sa akin saay halik sa aking labi

"Oh, bakit? Hindi na ba ako pwede magpalambing sa asawa ko? Sabi mo nga, ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit eh. Syempre papakiligin na kita lagi. Ayaw mo ba noon?" sagot ko sabay tawa sakanya

"Hindi naman pero ang gusto ko lang ay makalabas ka rito. Para na rin mabago naman paligid mo. Ako nga ilang araw pa lang nababagot na eh, ikaw pa kaya?" sagot ni Celine sa akin

"Ah, gusto mo ba talaga tayong lumabas? Let's have a date. Alam mo na kung saan, pero walang lights ngayon ha kasi umaga pa lang eh." sabi ko kay Celine

Nagpaalam kami sa doktor kung pwede ako lumabas kasama si Celine for one last time dahil nga gusto ko na lubusin ang mga araw ko. Luckily, pumayag naman siya kaya agad kong pinagbihis si Celine at umalis kami ng ospital. Sumakay na ako sa wheelchair habang nakahospital mask.

Pagdating namin sa fountain ay naiyak siya dahil namiss niya na daw ang pumunta sa lugar na iyon. Masaya daw siya dahil ngayong bumalik siya ay kasama na niya ako.

Celine, ako din naman eh. Miss na kita at mamimiss kita lalo kapag nawala na ako. This moment right here, ito ang babaunin ko sa pag-alis ko dito sa mundo. Ang mga ngiti mo, ang mga halakhak, ang buong itsura mo. Ikaw mismo.

"Hindi ko akalain na darating ako sa punta na makakasama kita ulit. Parang panaginip pero masaya ako dahil totoo pala ang lahat." sabi ko kay Celine

"Alam mong dadami pa ang memories natin na ganito, kumapit ka lang ha? Naniniwala akong gagaling ka pa. Huwag kang susuko, kasi hindi kita susukuan." sabi sa akin ni Celine

Pasensya ka na Celine pero kasi, huli na ang lahat. Alam ko na kung hanggang kailan lang ako. Pasensya na kung palaban ka pa lang pero ako itong sumuko na. Lumaban ka na lang para sa akin at sa mga anak mo ha?

Sorry kung nandito nanaman ako sa point kung saan pinapaniwala ko nanamang okay ang lahat. Ginagawa ko lang naman ito dahil ayaw kong masaktan ka. Hayaan mo na lang ako na sulitin ang mga huling araw na para bang wala tayong problema.

Iyon kasi ang gusto kong dalhin hanggang sa huli, yung alam ko na masaya tayong dalawa. Ngayon na lang naman kita nakasama kaya pagbigyan mo na ako, mag-pretend na lang tayo, wala na akong pakialam sa sakit ko. Ang mahalaga sa akin ay ikaw, Celine.

"Kapag namatay na ako, saka ka humanap ng iba.Malapit naman na akong mamatay, hintayin mo na lang. Huwag mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan. Maikli ang buhay kaya i-enjoy mo. I'll be happy kung iyon ang gagawin mo, para na rin may makilalang ama ang mga anak ko. Huwag mo lang akong kakalimutang ikwento sakanila. Ikwento mo na nakilala mo ako." sabi ko kay Celine

Lumuhod si Celine sa harapan ko habang pinupunasan ang mga luha niya at kinausap niya ako. Hindi ko kinakaya, umiiyak nanaman siya dahil sa akin. Wala na ba akong gagawin sa buhay niya kundi paiyakin siya? Paiyakin ang taong mahal ko?

"Bakit parang nagpapaalam ka na ha? Ayaw ko ng tono mo, iba eh. Hindi pwede, ayaw ko. Nandito na nga ako eh tapos ngayon ka pa aalis? Ang unfair mo naman kung ganoon." sabi niya sa akin

Oo Celine, isa din iyan sa mga natutunan ko sa aking buhay. Unfair ito, kung kailan masaya ka na ay saka kukunin iyon at papalitan ng lungkot. Kaya hindi ako ang unfair kundi ang buhay natin. Alam ng Diyos kung gaano ko kagusto na makasama ka ulit pero hindi na Niya tayo pinagbigyan pa.

"Life is unfair, not me. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal at kung gaano ko kagusto na makasama kita ulit pero mukhang marami tayong mga pangarap na matutupad pero hindi na magkasama." sabi ko kay Celine

Siguro ay ganoon talaga, minsan may kasama ka sa umpisa pero sa pagtatapos ay mag-isa ka na lalaban. Dalawa iyan, pwedeng iba na ang kasama mo o mag-isa ka. At sa pagkakataong ito, iiwan ko si Celine nang mag-isa at hahanap na siya ng bagong kasama.

"Alam mo namang ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang huli hindi ba?  Maniwala ka naman doon. Hindi ka dapat sumuko, lumaban ka lang. Iyon ang turo mo sa akin eh saka paano na ang mga anak mo? Ayaw mo na ba silang makita at makasama hanggang sa paglaki nila?" sabi ni Celine sa akin

"Tumahan ka na, ikaw ang tahanan ko hindi ba?" sabi ko kay Celine

"Ikaw rin naman ang tahanan ko kaya kung pwede ay umuwi na tayo." sabi ni Celine habang naiyak

Pasensya ka na Celine pero mukhang hindi na ako makakasama pa. Nandyan naman ako sa puso at isip mo, alam kong hindi ako mawawala kahit kailan. Maaaring mabawasan ang pagmamahal mo para  sa akin sa pagkawala ko pero hindi iyon mawawala. Masaya akong dumaan ako sa buhay mo at ngayon patungo na ako sa dulo. Bitawan mo na ako.

Come Home, Anthony (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن