" H-hindi iyon ang ibig kong sabihin," sagot niya. Nakakainis kausap tong half mushroom na ito.
" Eh ano? Ang labo mo kausap," sagot ko.
"I'm talking about... about her telling you that I like ----------," hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil tumunog yong cellphone ko.
It was Zach. Kyaahh!! Bakit naman kaya ako tatawagan nang boyfriend ko?!
Sinagot ko iyong tawag at nagpacute kaunti nang boses.
" Hi Zach," bati ko.
"Persia," sabi nito mula sa kabilang linya at mukhang bagong gising pa ito dahil sa tono nang boses niya. Ganito ba ka hot ang mga boses nang lalaki kapag bagong gising?!
"Bakit Zach?" tanong ko.
" My mom's coming home from Japan. May celebration sa bahay mamayang hapon. And Zayne kept on insisting me to invite you," sabi nito.
"Eh kasi... k-kasi may work ako until 9 pm today baka hindi ako makadalo," sagot ko.
"Ganoon ba? Sasabihin ko na lang sa kanya," sabi niya.
"Pasensiya na, tsaka hindi ka ba papasok?" tanong ko.
" May klase ako pero mamayang 11 pa," sabi niya.
"O-okay... see you later na lang after class," sabi ko at binaba na niya ang tawag.
"Who's that? Zach?" tanong ni Brylle.
"Uh-huh. My boyfriend," sagot ko at nginitian siya.
"Yah, I thought he was kidding when he said na girlfriend ka niya," sabi ni Brylle.
"Of course not! And by the way, ano nga ulit yong tinatanong mo kanina?" tanong ko.
"W-wala," sabi niya at nang makarating kami sa school ay nagpark siya. Nasa hallway kami ni Brylle at mukhang pinagtitinginan kaming pareho. Mukha yatang naweweirduhan sila sa ayos ni Brylle ngayon.
"Mukha yatang magiging tourist attraction ka dito sa school dahil sa ayos mo," nagbibirong sabi ko kay Brylle.
"Sa gwapo ko ba namang ito? Hindi na yan nakapagtataka," natatawang sabi niya.
" Saan bang banda sa mukha mo yong gwapo?" tanong ko at kunwari ay tinitigan siya. Hinawakan ko siya sa baba at tinitigan siya sa bandang pisngi.
"Itong pangong ilong ba? Itong magang labi o.... yang malapad mong noo?" natatawang sabi ko.
"Don't do that!" seryoso niyang sabi at bigla niyang inalis yong kamay ko sa pagkakahawak sa baba niya.
Iniwan niya ako at nagtaka ako kung bakit. M-may nagawa ba akong mali? O baka naman nalait ko siya nang husto?
Pumasok na ako sa classroom at nang makita ako nina Stacey at Trisha ay nilapitan agad nila ako.
"Oh may! Ang ganda mo sa bago mong gupit!" sabi ni Trisha at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"At mukha yatang mas lalong dadaming lalaki ang hahabol sa iyo niyan," sabi ni Stacey.
" Naku, isang malaking problema yan kay Zach," natatawang sabi ko at humalakhak kaming tatlo.
Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita niya ako mamaya?
******************
From 09*****
Sorry I can't accompany you for lunch. May group project kami.
Ito ang text sa akin ni Zach nang sabihin kong hinihintay ko siya sa canteen. Lunch break na namin at si Stacey at Trisha na lang ang kasama kong kumakain. Nasa kabilang table rin sina Brylle at mukhang nagtatawanan pa ang mga ito.
Nagbuntong hininga na lamang ako at ibinalik ang cellphone ko sa bag.
"Ano? Makakarating ba si Zach?" tanong sa akin ni Stacey.
"Hindi raw. May group project daw," sabi ko.
"Hey, nga pala Persia, kilala mo si Orion hindi ba? Y-yong kaibigan ni Zach?" tanong ni Trisha.
"O-oo,"sagot ko.
"Eh kasi... n-nililigawan niya ako," namumula pang sabi ni Trisha.
"Ano?!" sabay naming sigaw ni Stacey.
"H-hindi ko pa naman siya sinasagot," sabi ni Trisha.
"Kailan?! Paano?! Bakit di mo sinabi?!" sunod sunod na tanong ni Stacey.
"Pasensiya na kung nilihim ko p-pero noong nakaraang buwan pa. K-kasi nagsimula iyon noong nalaman kong siya pala yong miyembro nang paborito kong banda. Y-yong "The Direction," nakamaskara kasi ang mga ito para sa performance nila and ayun, I accidentally bump unto him sa concert and base sa hairstyle at boses nito, I knew it was him," pagpapaliwanag ni Trisha.
" And you liked him nang ganoon ganoon lang? Trisha, baka naman paglalaruan ka lang noong Orion na iyon," sabi ni Stacey.
"Hindi dahil alam kong seryoso siya. He's inviting me para daw ipakilala sa parents niya sa susunod na linggo,"sagot ni Trisha. Naalala ko yong sinabi ni Zach na ipapakilala niya raw ako sa mama niya sana mamayang hapon kaso hindi ako makakapunta. Kinuwento ko iyon sa kanila at nagkatinginan sila.
" Isang linggo pa lang kayo ah, para naman yatang mabilis yang Zach na iyan baka hindi makapaghintay eh baka sa susunod yayain ka niyan nang kasal," nagbibirong sabi ni Stacey.
"H-hindi tsaka hindi rin ako makakadalo dahil may work ako,"sabi ko.
" Eh ako? Dadalo ba ako?"tanong sa amin ni Trisha.
"Bahala ka, desisyon mo naman iyan eh," sagot ni Stacey. Lumingon kaming tatlo sa table nina Brylle at nakita naming nagkukulitan ang mga ito.
***
Matapos ang klase ko ay lumingon ako sa pintuan nagbabakasakaling naghihintay si Zach sa labas nang classroom ko pero wala siya. Nagpaalam sa akin ang dalawa kong kaibigan at sinubukan kong tawagan si Zach. Out of coverage area na naman daw at nang makalabas ako sa gate ay lumapit na naman sa akin si Brylle.
"Uuwi ka? Ihahatid na kita," boluntaryo nitong sabi.
" Huh? Huwag na. Tsaka may part time job pa ako,"sagot ko.
"Ihahatid na lang kita sa pinagtatrabuhuan mo," sabi ulit nito.
"B-bakit mo ako ihahatid doon? May nakain ka ba o bumabawi ka lang sa mga kasalanan mo?"tanong ko at tinaasan siya nang kilay.
"Both,"sagot nito at ngumiti.
"Salamat pero maglalakad ako," sagot ko. Naglakad ako palayo kay Brylle.
" Edi maglakad tayo," sabi niya at saka sumabay sa akin sa paglalakad.
Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya nang seryoso.
"Ang weird mo. Huwag na, malayo yon," sabi ko at nagsimula uling maglakad.
" Edi kahit na," sagot niya at hinabol ako.
"Edi bahala ka," sagot ko.
"Edi bahala ako," sagot niya.
Tumawa kami pareho at naglakad na papunta sa cafe. Hindi ko na napigilan pa si Brylle kaya sabay kaming naglakad.
"Persia," tawag sa akin ni Brylle.
"Bakit?"tanong ko. Naglalakad na kami sa may bandang park kung saan muntikan na akong manakawan. Hinihintay namin na umilaw ang berde para makatawid kami.
" What do you think of me?" biglaang tanong nito.
" Hah?! Anong klaseng tanong iyan?" sagot ko.
" I mean... k-kung ano ako para sa iyo," sabi niya. Natawa ako sa sagot niya kaya siniko ko siya sa tagiliran.
"Isa kang Brylle Washington na kulay ube ang buhok na mukhang mushroom na ngayon ay mukha nang kalbong kagubatan," sagot ko.
"Like seriously?"
"Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko.
"Huwag na nga lang," sabi niya at saka iniwan ako roon dahil green na yong ilaw.
Napakaweird nang lalaking ito. Hayst, kung nandito lang sana si Miki baka kanina pa niya binatukan ang lalaking ito sa mga nakakaewang tanong niya.
Tumawid na din ako at hinabol siya. Malapit na kami sa cafe kaya nagpaalam ako sa kanya at imbes na umalis siya ay pumasok siya kasama ako.
"Uorder ako," sabi niya.
Tinaasan ko lang siya nang kilay at tinawag na ko ni Edward para sa paghuhugas nang plato. Nagwave lang ako kay mushroom at pumasok na sa kitchen. Nagsuot muna ako nang uniform at nagsimulang maghugas nang plato. Isang oras yata yong paghugas ko nang plato dahil sa dinami dami nang dumarating na gamit na plato kada minuto. Marahil ay marami nang costumer. Pero nakapagtataka naman at parang ngayon lang ata dumami ang mga coatumers ah. Sunod ko namang ginawa ay iyong pagkuha nang mga order at paglabas ko sa kitchen ay kumpulan ang mga tao.
Anyare? Tumingin ako sa bandang counter at napanganga ako dahil nandoon si Brylle. Nilapitan ko siya at kahit madaming tao ay sumingit ako.
"What do you think you're doing?!" sabi ko.Ngumiti pa siya at kinindatan ako.
"Kung gusto mo nang free kiss mula sa akin ay pumila ka," biro pa nito.
So binibigyan niya nang free kiss yong mga costumer?! Teka, alam ba ito nang manager?!
Lumingon lingon ako at nakita ko si Edward. Tinanong ko siya kung anong kaguluhan iyong ginagawa nang kalbong kabute na iyon.
"You didn't know?! He owns this place!" sagot ni Edward.
"Huwat? Bakit hindi ko alam?" tanong ko kay Edward pero iyong manager sa likuran ang sumagot.
"Eh hindi ka naman nagtatanong. Ang pamilyang Washington ang may-ari nang cafe na ito. Kaya nga W Cafe ito, right? And besides, kilala mo ba siya?" tanong sa akin noong manager.
"K-kaibigan ko po siya," sagot ko. Tinaasan ako noong manager nang kilay.
"Homay, baka naman isang sipsip na kaibigan, " sabi niya at inirapan ako.
Bakit ba ang init nang ulo sa akin nang manager?! Ako na lang lagi pinapagalitan niya.
Tumingin ako kay Brylle at abala ito sa mga costumers na babae. Kung kuhanan ko kaya nang litrato si Brylle habang nagtatrabaho at isend kay Miki? Hmm, nice idea. Nilabas ko iyong cellphone ko at kinuhanan nang litrato si Brylle. Napansin niya yata kaya nakangiti pa siya, kitang kita ang mapuputi nitong ngipin sa larawan.
Halos ganoon yong nangyari sa amin sa loob nang apat na oras. Ako nagmop sa floor, naghugas nang pinggan at kumuha nang ibang orders. Takbo dito takbo doon. Hugas dito hugas doon. Nakakapagod. Nang closing time na namin ay kinalabit ko si Brylle.
"So sa inyo pala ang cafe na ito?! At hindi mo sinabi?!"tanong ko. Nakapameywang pa ako noon at tinaasan siya nang kilay.
" Oo, alam kong you're working here dahil nakita ko ang application form mo last week tho ayoko namang sabihin dahil baka tamarin kang magtrabaho,"sagot niya.
"Tamarin?! Ang sipag ko kaya," sagot ko at binatukan siya. Tumawa ako at nabigla ako dahil binatukan rin ako noong manager.
"Miss Caramel, huwag kang feeling close sa boss mo," sabi ulit noong manager sabay irap sa akin.
"Iho," bati naman noong manager kay Brylle at hinalikan ito sa magkabilang pisngi. Tinitigan ko si Brylle at saka inirapan yoong nakatalikod na manager namin.
Nang isara na namin ang cafe ay past nine na.
Madilim na sa paligid at malamig na rin ang hangin. Tanging mga christmas lights na lang yong umiilaw sa paligid.
"Tara na," sabi ni Brylle at nang lumingon ako malapit sa katabing shop ay nakita ko ang pamilyar na pigura nang isang lalaki.
A-anong ginagawa niya rito?!
YOU ARE READING
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...
Part 40
Start from the beginning
