Chapter One

902 24 0
                                    

"Good job, everyone" Gumaan ang pakiramdam naming lahat sa sinabi ni Doc Javier, stable na ang kalagayan ng pasyenteng may cardiac tamponade at tinatapos na ni Doc Javier ang operation.

Lumabas na rin agad si Doc ng operating room dahil sa announcement ng code blue mula sa emergency room, nilipat na namin sa PACU ang pasyente para ma-monitor ang kalagayan nito at ilipat na sa private ward kapag nagising na.

Pag kalabas ng PACU ay agad kong tinanggal ang suot kong face mask at napahilot saaking batok, madaling araw na hindi pa rin ako nakakauwi.

"Aira" Pinasok ko ang aking mga kamay sa loob ng uniform pocket dahil sa biglang pag tawag ni Doc

"Po?" Nangungusap ang mga mata ko sakaniya na gusto ko ng umuwi dahil sa pagod

"Alam kong pagod ka na but this is just so important, let's talk to my office" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya, wala na akong nagawa kung hindi ay sumunod papunta sa opisina niya

"Naku! Gaano ba ka importante at kailangan pag-usapan ngayong madaling araw." Inabot niya saakin ang baso na may kape kaya napairap ako sa hangin pero tinanggap ko rin naman

"What can you say about Dilated Cardiomyopathy?" Umupo ako sa single couch bago siya sagutin, ilang oras din akong nakatayo sa operating room

"Do you mean that the person's ventricle is expanding, making it more difficult for the heart to pump blood?" Patanong rin na sagot ko dahil nagtataka ako kung bakit gusto niyang pag-usapan ang cardiomyopathy ng ganitong oras na dapat tulog na ang mga tao

"And what can we do for a patient with dilated cardiomyopathy?" Seryoso talaga si Doc? Sino ba ang doctor saaming dalawa?

"The best option is a heart transplant, but since the patient needs to wait for a heart donor, it would be better to put a temporary pacemaker or ICD in." Sagot ko na pinipilit ang sarili maging mahinahon dahil para akong hinehele ng kinauupuan kong couch sa sobrang antok ko

"This is the patient's chart" Inabot niya saakin ang chart na iyon, bubuksan ko na sana pero pinigilan niya rin naman "A VIP patient" Tumayo ako sa kinauupuan ko at binalik sa lamesa ni Doc Javier ang chart ng pasyente na iyon

"Hindi ako doktor, mamaya na natin pag-usapan pag gising ko" Lumabas na ako ng opisina, 10am naman ang duty ko mamaya kaya hindi na ako umuwi at natulog na lamang sa on-call room

"Cardiomyopathy..." I whispered before closing my eyes





"Can't you just stay?" She said while crying, I can't even comfort her.

"I can't stay in a place where nobody accepts me." I answered while smiling, I am content that there's someone who's begging for me to stay in this world where everybody wants me to leave.

"I can be your mom" She's a good woman and I can really see why my dad married her

"I'm sorry, but I can't be your daughter" Hindi ko alam kung kaya kong kumilala ng ibang ina kung ang nanay na nagpalaki at nag-alaga saakin ay hindi ko na muling makikita. Pinunasan niya nag luhang dumadaloy sakaniyang pisnge saka siya tumango at nginitian ako.

"I understand, but can you please call me if you need anything or someone to stay by your side?" Bumaba ang tingin ko sakaniyang tiyan, medyo lumalaki na rin ito. She's carrying the child of my father and also my half sibling.

"You can stay at your mom's residence" Napalingon ako sa nag salita mula sa pintuan ng aking kwarto

"I am not asking for your permission if I can touch or use my mother's properties." Hindi niya na ako sinagot, he was just looking at me coldly, and that's the last time my father looked at me.





The Playful HeartbeatWhere stories live. Discover now