"Calling for the attention of Doctor Ortiz to proceed to the emergency room." Nagising ako sa announcement mula sa speaker, why did I dream of how I left that house four years ago?

"Nurse, scrub in ka daw sa operating room in five minutes" Biglang sulpot ni Nurse Angelica sa pinto habang nakaturo sa suot niyang relos, napatingin ako agad sa wall clock and it's exactly 10 am in the morning. Tumakbo ako agad patungong locker room para palitan ang suot kong scrubs dahil hindi nga pala ako nag bihis bago natulog kanina.

"Patient's chart!" Sigaw ko habang palapit sa station "Good morning" Nurse Emma greeted

"Male, 37 years old, rib fracture due to car accident." Dagdag pa niya habang binabasa ko ang ibang bahagi sa patient's chart

"Ang x-ray?" Tanong ko pero kinuha daw ni Doc Ortiz, tumakbo nalang ako papuntang operating room two para makita ang pasyente at siguraduhing kumpleto ang mga equipment. Hindi kami nagkakasundo ni Doc Ortiz dahil hindi ko rin alam kung bakit, masyado siyang masungit.

"Mauuna pa atang pumasok ang doctor sayo" Bulong ni Doc William, isa siyang anesthesiologist

"Sabihan niyo si Doc Ortiz na wag akong pagalitan ah" Tinapik niya lang ako sa balikat bago kami pumasok sa OR, nag katinginan lang kami ng ibang mga staffs na takot rin kay Doc Ortiz. Hindi naman siya kontrabida, maldita lang siya at mas strikto sa loob ng operating room. Ilang segundo bumukas ulit ang pinto at pumasok si Doc kaya agad ko siyang tinulungan suotin ang gloves at surgical apron

"Time check: 10:19 AM. We will be performing rib plating surgery." The surgery lasted two hours and the surgeon left the operating room first, but I needed to stay until we transferred the patient to the PACU.

"Don't forget to check the vital signs every hour and report to me if any of those go unstable." Tumango naman ang lahat sa sinabi ni Doc Ortiz bago siya umalis

"Hindi ka ata sinungitan ni Doc ngayon" Sabi ni nurse Angelica, mas nakakatakot nga kapag hindi sinusungitan eh. I received a message from Doc Javier saying that we needed to finish our conversation yesterday. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa tawaging VIP patient ang ibang mga pasyente eh kung pare-pareho lang din naman silang gagamutin, mas marami nga lang silang pera.

"Ano ba kasi an-" Naputol ko ang sasabihin ko habang papasok ng opisina dahil hindi lang pala si Doc Javier ang nasa loob "Good morning" Pag bati ko sakanilang lahat, napailing si Doc Ortiz saakin.

"Nurse Aira, meet Mr. and Mrs. Villanueva" Pinakilala ako ni Doc Javier sakanila at nakipag kamay rin. Kasing edad nila ang mga magulang ko at kitang kita naman ang pagiging elegante kahit simple lang ang pananamit nila.

Umupo na rin ako sa single couch na katabi ni Doc Ortiz, ito ata yung sinasabi ni Doc Javier kaninang madaling araw na VIP

"They told me that you are the best nurse in this department" The woman said, sumulyap ako kay Doc Javier pero nginitian niya lang ako ng magaling na doktor na ito

"All nurses in this department are the best" I answered, ngumiti naman siya saakin. Ang ganda niya, mukhang hindi siya matapobre.

"They wanted to hire you as a personal nurse of their son." Sa sinabi ni Doc Javier ay biglang kumulo ang tiyan ko, nagugutom na ako.

Parang kukulo din ata ang dugo ko kay doc

"A personal nurse? That means I will only look after their son?" Tanong ko ulit, hindi ko masyado nagugustuhan ang idea ng pagiging personal nurse

"Mondays and Fridays are your duty at the hospital, while Tuesdays, Wednesdays, Thursdays, and weekends are your duty with VIP patients. " Dagdag ni Doc Ortiz, prank ba'to?

"So you're saying that twice a week lang ang duty ko sa hospital?" Mukhang makakapag pahinga rin ata ako ng maayos pero ayoko rin naman ng wala masyadong ginagawa

"Aarte ka pa ba?" Naiiritang tanong ni Doc Ortiz saakin, ang harsh talaga.

"Our son is soon to be the president of our company and no one can know about this until the transplant. We will triple your salary if you accept the offer." My jaw dropped because of what he said to me. Triple my salary? How can they trust me if they have only met me now? Inabot saakin ni Doc Javier ang chart na binigay niya saakin kaninang madaling araw.

"Chase Villanueva, 27 years old, male, dilated cardiomyopathy, VIP ward 104" Napaangat ako bigla ng tingin sa mag-asawang kaharap ko, Villanueva? The magazine? The newspaper? Television? Radio? Sila ang laman ng mga iyon?

"I guess it's time to sign the contract?"





_______ ♡ _______

Post Anesthesia Care Unit (PACU) - This is where patients temporarily stay after any surgical procedure. 

The Playful HeartbeatWhere stories live. Discover now