9. Surprise, surprise.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Memo? Teka, malapit lang ako sa memo. Pero, memo? Gabi na kaya, bakit pupunta pa sa sementeryo ‘yun? Takot sa dilim ‘yun, Third!”

“Takot sa dilim?” Napaisip siya. At biglang napaismid. “Kris, simula nang mawala si TJ, naging matalik na kaibigan na ni Yanna ang dilim.” Napaismid pa siya sa sinabi niya. Di ba, totoo naman?

Oo, tama... Ba’t ‘di niya agad naisip na pwedeng sa memo nga nagpunta si Arianna kahit na gabi na? Hindi na takot si Arianna sa dilim!

Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

“Ah, Kris, dalian mo!! Baka nga nando’n, sasaluhin no’n nang malugod ang ulan! Sh-t, papunta na rin ako.”

Agad-agad na nag-drive siya papunta sa private memorial park kung saan nakalibing si TJ, kung saan nanggaling din silang lahat kaninang umaga. Ilang baranggay lang naman ang layo no’n, e.

Pero hindi pa man siya nakakarating sa memo, nakasalubong niya na ang sasakyan ni Kristoffer. Huminto sila sa tapat ng isa’t isa. At nakita niya si Arianna na, ayun.... basang-basa sa passenger seat ng sasakyan ni Kristoffer.

“Taas lagnat, ‘tol.” Puno ng iritasyon at awa ang ekspresyon ni Kris.

Jusko, maski man siya. Pero, atleast, nakahinga na siya nang maluwag.

“Ospital ko na dadalhin,” pagbibigay alam ni Kris.

“Sige, nakasunod lang ako. Liliko lang ako.”

Umandar na ulit siya papunta sa memo. Doon lang kasi ang pwedeng likuan.

Pero nang malapit na siya sa likuan sa memo, sa isang lalaki natuon ang pansin niya. Naglalakad ‘to sa kanang lane papunta kung saan nakaparada ang palagay niyang sasakyan nito.

Nagtataka lang siya kaya nga naagaw nito ang pansin niya.

‘Ba naman, e, akala mo naglalakad sa buwan na parang hindi inda ang ulan. Uso kayang tumakbo papunta sa sasak...........yan...

Kahit sa isip lang, parang natigilan siya.

Namamalikmata ba siya? Bakit parang kamukha ni TJ ang lalaking naglalakad na ‘yon? Pumasok na kasi sa sasakyan kaya nakita niya na ang mukha.

Bigla na lang siyang kinilabutan.

Sh-t..... Kamukha talaga ni TJ!

Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano pero nang makarating siya sa likuan, imbis na lumiko sa kaliwa, hinarang niya ang pasalubong na sasakyan sa kanya ng lalaking kamukha ni TJ.

Ganoon na lang ang pagkatigagal hindi lang niya, kundi pati ng lalaki, nang magtama ang mga tingin nila.

Tang-ina ka, Troy Jefferson Salamat. Tang. Ina. Ka, iyon na lang ang nasabi niya sa isip niya.

——

          INISANG lagok ni Third ang baso ng brandy na hawak niya. Napangiti na lang siya nang mapakla.

Wala. Naalala niya lang ang gabing ‘yon. Dahil kagaya noon, gabi rin ngayon. Dahil kagaya noon, maulan din ngayon. At dahil kagaya rin noon, isang sikreto na naman ang nabunyag ngayon.

Napatingin siya sa phone niya na nasa table. Kanina lang hawak niya ‘yon, e. Kanina lang din kasi, kausap niya si Arianna. Kanina lang din kasi, inamin niya kay Arianna ang ilan sa mga nalalaman niya.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon