11. Past is past

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi kita iiwan, Hera." Seryosong wika niya. He planted a kiss on my forehead. "God! I'm so in love with you!" Sinabi niya ang mga salitang iyon na tila ba doon nakadepende ang buong buhay niya. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami patungo sa sasakyan ko. Napuna ko na wala na ang bagong driver ko. I asked him about that, he only gave me an evil smile. Hindi na ako nagtanong. 

When we got to the car, kinuha niya ang jacket niya at ipinasuot sa akin. Matapos iyon ay pinasibad niya ang kotse. HIndi ko alam kung saan niya ako dadalhin, but for me it doesn't really matter. As long as our hearts beat as one and our souls are one in harmony and love - the only thing that matters is him and me - only US - for it's the US that makes our world go round...

------------------

Dinala ako ni Hades sa isang lumang bahay. Malaki ang bahay na iyon. Parangf Spanish Era pa yata nang itayo iyon. Hawak niya ang kamay ko habang umaakyat kami sa itaas. Binuksan niya ang pinutan at saka kinapa ang ilaw. I saw the house living room. Puro antique ang gamit. Sa gitna ng sala ay nakasabit doon ang painting ng isang babae na naka- Maria Clara ensemble. Hades noticed that I was looking at the painting. He squeezed my hand. 

"That's my mom. Gea Vejar. She's asleep. And oh yeah, this is our house." Napatitig ako sa kanya. Bahay nila? It means na any moment from now, makikilala ko na ang mama niy? Anong sasabihin ko? Hades is the first man in my life - I never had a boyfriend before. Hindi ko alam ang mga do's and don'ts. Clearly hindi ko pwedeng i-bitch out ang mama niya. Magagalit siya sa akin. 

"Oh, why the long face? You'll meet mama tomorrow. Don't worry, Mi Bella. She knows about you." Hinagkan niya ako sa pisngi. "We better get you out of that dress - I mean magpalit ka na ng damit. Baka sipunin ka." Sabi niya. Hinatak niya ako papunta sa silid niya. Malaki rin ang silid ni Hades. May sariling bathrrom iyon. There's this big window on theleft of the room which made me see the city lights. Maganda ang view. 

Pumasok sa sa loob ng bathroom at doon nagshower. Hindi ko na iniisip na baka hindi ako makauwi ngayon gabi at baka mapatay nila ang driver ko - ang mahalag lang ay kasama ko si Hades. Masaya ako. Hindi niya ako iniwan. Matapos kong maligo ay kinuha ko ang shirt na bigay niya sa akin. Kanya iyon - nang suotin ko ay umabot hanggang sa ibabaw ng mga tuhod ko kaya nagmukha siyang dress. Natatawa ako a hitsura ko - Queen Hera Consunji - in a v-neck shirt. Bagay sa akin. Lumabas ako ng bathroom. Natagpuan ko si Hades na nakaupo sa kama at tila ba hinihintay ako. He smiled when our gazes met. Tinapik niya ang binti niya. Alam ko ang ibig sabihin noon. I sat on his lap and wrapped my arms around his neck. Inalis niya ang buhok na tumabing sa mukha ko. 

"Na-miss kita, Mi Bella." He said in a husky voice. Napangiti ako. 

"I missed you too. I felt like we haven''t seen each other for a long time." Tumango siya. "Bakit ka umalis?" 

"I just had too." He said. Hinahaplos niya ang binti ko. "Hera, naisip ko kagabi habang inuuwi kita sa inyo na hindi na lang tayo basta. Mahal kita. Gusto kong ibigay ang lahat sa'yo. Ikaw na kasi ang babaeng nakikita kong hihintayin ko sa kabilang dulo ng altar sa Manila Cathedral. You will be the most beautiful woman on that day. You'll be wearing white." Wika niya. Napapanganga ako. Hinawakan niya ang buhok ko tapos ay itinaas iyon. "Ganito iyong buhok mo, tapos maraming bulaklak. You'll be holding a beautiful boquet of red roses. Your parents will be beside you and I'll have my mom and dad beside me and my brother Zeus. That day will be the start of our eternity..." 

I found myself crying for some unknown reasons. Pakiramdam ko nagpopropose na sa akin si Hades. "Hindi na lang tayo basta-basta. Gusto kong ipakita sa lahat na para tayo sa isa't-isa - that's why I left. Magsisikap ako para maibigay ko ang lahat sa'yo..."

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon