As A Friend (A Friendly Reminder) 4

92 14 0
                                    


"Pag-isipanng mabuti ang sasabihin."

Lahat tayo ay malayang maghayag ng sari-sari nating opinyon. Para man sa ikabubuti o 'di kaya'y ikasasama ng iba.

Mukhang dahil na rin sa kakayahan ng taong makipagsabay sa teknolohiya, ginagamit nila itong paraan upang tumaas ang tingin nila sa sarili.

"Ah, oo. Magaling ako sa ganyan." Kapag pakiramdam mo ikaw ang nananalo sa argyumento ninyong dalawa ay nagdidiwang ka.

Hindi mo natanong kung ano ang nararamdaman ng taong sinaktan mo. Diskriminasyon? Bullying?

Maraming paraan upang mabuhay ang tao. Marami ring paraan upang kitilin ng tao ang sinulid ng kanyang buhay.

Isang salita lang.

Maaari ka nang matawag na mamamatay tao.

Mag-ingat ka. Mag-ingat sa lahat ng mga pino-post sa kahit na anong social media dahil ang ilan sa atin ay naghahanap ng solusyon sa kanilang problema at hindi upang palalain ang kanilang pinagdaraanan.

#makeItsafePH

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon