C2: Ang angkan

352 1 0
                                    

Iva -reyna

Ivo- hari

Iviara- prinsesa

Aldaro-prinsipe

Galde- katulong

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Britanya kung saan naninirahan lahat ng mga pinakamakapangyarihang lider at dugong bughaw sa ibat ibang angkan. Ibat ibang lahi sa iisang nasasakupan .

Handa ka na bang tuklasin kung anong uring nilalang ang naninirahan sa misteryosong kaharian.

Ang Britanya ay na hahati sa limang dimensyon na pinamumunuan ng ibat ibat lider.

Ang Araza kung saan naninirahan ang mga makapangyarihan lamang tubig. Dito naninirahan ang Iva Aryan at Ivo Calis. Isa sa pinakamalakas na angkan sa britanya. Isa sa kapangyarihan ng Iva Aryan ay ang magpalit ng anyo. Dahil sa taglay nitong kagandahan sino man kaya niyang pasunurin. Siya rin ang nangangalaga sa kwintas ng alindog. Ang kwintas na pinagaagawan ng mga taga britanya. Ang Ivo Calis sino man ay mahuhulog dahil sa lakas ng kanyang karisma. Tagapagpataw ng panahon kung tawagin. Sakop ng kanyang kapangyarihan ang pagkontrol sa ibat ibang uri ng panahon...

Ang Hiera dito naninirahan ang mga pinakamakapangyarihang mandirigma sa kasaysayan ng britanya. Pinamumunuan ni Iva Lira at Ivo Azkar. Sila ang tininaguriang pinakamalupit na lider. Ibat ibang kakayahan ang kanilang taglay. Nasa kanila ang basbas ng kiraya. Isang basbas ng pambihirang kakayahan.

Ang Zarde dito naninirahan ang mga salamangkero, manghuhula, ermitanyo at mangkukulam. Pinamumunuan ni Iva Mira at Ivo Ydanes ang kahariang ito. Nasa kanila ang basbas ng pagkontrol sa pag iisip ng isang nilalang. Kakayahang pagalawin ang mga bagaybagay . At kakayahang gumamit ng Itim at Puting mahika. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kaharian sa britanya taglay ng lugar na ito ang malakas na pwersang nanggagaling sa mahika.

Ang Vas hara makasaysayan ang kahariang ito. Nakaraan ang magdudulot ng kaguluhan sa kasalukuyan. Mapanganib sa mapanganib. Mahiwaga sa mahiwaga. Madugo sa madugo. Lakas , husay, liksi, pagkontrol, at ang isa sa pinakamalakas na
basbas sa britanya. Basbas ng Aswara kakayanang kumain ng dugo ng sino mang maharlika na naninirahan sa Britanya. Sa pamamagitan ng basbas na ito kaya nilang kunin ang taglay mong kapangyarihan. Tiwala ang hindi mo lubos na maibibigay sa lugar na ito. Wala silang sinasanto. Mapagpaggap. Ang lugar na ito ang kapanalig ng kaharian ng Zarde. Pinamumunuan ni Iva Imara at Ivo Gildaro. Dahil sa pag gamit sa taglay nilang basbas. Marami ng kapangyarihan ang taglay ng mga namumuno na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Ang kaharian ng Ymizia ang kaharian sa lahat ng kaharian. Makapangyarihan sa lahat ng makapangyarihan. Reyna ng mga reyna. Hari ng mga hari. Dito nakatira ang mga purong maharlika o dugong bughaw. Naninirahan din dito ang mga engkanto lamang lupa at Matataas na antas ng konseho sa ibat ibang kaharian. Pinamumunuan ni Iva Valeriana at Ivo Kades. Taglay nila ang apat na pinakamakapangyarihang brilyante sa lahat na taglay ang apat na elemeto sa kanilang daigdig. Kagandahan ng reyna ay pinag aagawan at pinagpapatayan. Kakaibang alindog na hindi maikukumpara sa iba. Kanyang tinig ay makapangyarihan kayang bumihag ng sino man. Kanyang mata'y nakakahipnotismo na kayang pasunurin ang sino man. Kanyang palad na kasing lamig ng yelo na tanging si Ivo Kades lamang ang makakapagpabaga. Si Ivo Kades mahusay na mandirigma talas ng kayang pandinig at liksi ay hindi maikukumpara. Taglay niya ang basbas ng luna. Basbas na ginagamit niya upang makita ang nakaraan ng isang nilalang ngunit limitado lamang ang kapangyarihang ito . Nasa kanya ang Setro ng bathalang Ariad na nagangalaga sa buong britanya dito nanggagaling ang kapangyarihan ng ibang mga elemento.

Ang Iva Valeriana at Ivo Kades mapagmahal at tapat na mga pinuno.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Ymizia

Isang araw nag paalam si Iva Valeriana sa hari upang pumunta sa hardin at mamitas ng bulaklak at ilalay ito sa kanilang bathalang si Ariad.

"Mahal ko maari ba akong mamitas ng bulaklak sa hardin upang may maialay sa ating bathalang Ariad bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niya?" Tanong ng reyna.

Yumakap ito mula sa likod ng reyna "Iutos mo na lamang sa iyong tagapagsilbi ang gawaing yan mahal ko. " sagot ng ivo kades

" Sige na mahal ko. Gusto ko lang libangin ang aking sarili. Nakakabighaning tignan ng mga bulaklak tignan mo."iva valeriana

"Bakit mahal ko hindi kaba nabibighani sa akin? hindi bat pinakasalan mo ako dahil sa lakas ng alindog ko."ivo kades

"Mahal naman payagan mo naman na ako nagagandahan lamang ako. " iva valeriana

"Kaya ko bang tanggihan ang pakiusap ng buhay ko" ivo kades

"Buhay mo?" Iva valeriana

Hinawakan ng hari ang pisnge ng reyna. "Ikaw. Ikaw ang buhay ko mahal ko. Tandaan mo yan." Ivo kades

"Parati mo akong pinapasaya sa mga magagandang salita mo Kades nakakatakot na isiping isang araw ay di ko namarinig ang mga yan mahal ko." Iva valeriana

Pinagdikit nila ang kanilang noo
"hindi mo kailangang pagdudahan ang pagmamahal ko sayo Valeriana ikaw ang mahal ko. Tapos na ang lahat sa amin ni Sandra ikaw ang pinili ko. At hindi ko hahayaang saktan ka niya hanggat nabubuhay ako. Mahal ko tandaan mo ikaw . ako . Habang buhay " ivo kades

"Tatandaan ko kades. Mahal ko" iva valeriana at naglapat ang kanilang labi tumagal ng ilang minuto ang halik na bubuo ng kanilang pagkatao.

Napahiwalay sila sa halikang iyon ng mapansin nilang umilaw ng kulay dilaw ang palad ng reyna. Bakas sa mukha ng hari ang kasiyahan. Napaluha silang pareho dahil sa kasiyahang nararamdaman nila. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Isang makapangyarihang basbas ng Bathalang Ariad ang biyayang ibinigay sa kanila.

Nagdadalangtao kana mahal ko napakasaya ko. Isa lamang ang ibig sabihin nito magkakaroon nga tayo ng supling na kikilalanin nilang pinuno sa takdang panahon." ivo kades

"Natatakot ako kades. Paano ang banta ni Sandra"iva valeriana

Hinawakan ng hari ang tiyan ng reyna
"Meron akong dahilan upang mas lalo pang lumaban mahal ko kahit buhay ko ang kapalit matiyak lamang ang kaligtsan niyo. Minsan lang ako magmamahal at titiyakin kong sa tamang tao yon. At ikaw. Ikaw lang . Hanggat nandyan ka, kayo lalaban ako. " ivo kades . at lumapat muli ang labi nila sa isat isa .

mystery of  loveWhere stories live. Discover now