THE CONTROVERSIAL SECRET

Start from the beginning
                                    

Gumanti ng mahigpit na yakap si Bianca sa lalaki at inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito na parang pinapakinggan ang pagtibok ng puso ni Woo, "Woo... kung pwede nga lang... sa bawat oras na magkikita tayo... ay huminto ang oras, kahit forever nang huminto ang oras okey lang basta kasama kita." 

Natawa si Woo sa sinabi ng babae, "Ang OA naman ng imagination mo." at pinagmasdan niya ang mukha ni Bianca, "Pang teleserye naman yang dialogue na yan." 

Ngumiti si Bianca sa lalaki, "Actually may offer nga sa akin eh." 

Hinawakan ni Woo ang magkabilang pisngi ni Bianca, "Hindi ka bagay sa showbiz dahil ang bagay sayo nasa tabi ko." Hinalikan niya ang labi nito at muling tinitigan ang mukha ng babae, "I love you." 

"Alam ko nay an." Sabi ni Bianca sa kanya. 

Hinalikan muli ni Woo si Bianca, "Eh di I love you uli." 

Hinalikan ni Woo si Bianca sa noo nito, sa magkabilang pisngi, sa ilong at sa labi at ilang beses na pinaulit-ulit na sinabi ang salitang "I love you. I love you. I love you." 

Hindi mapigilan ni Bianca ang matawa sa ginagawa ni Woo sa kanya, "Teka... Teka... ayoko na niyan." 

"Ayaw mo na sa kiss ko?" 

"Ayoko ng ganyan." Hinila ni Bianca ang mukha ni Woo at saka niya binigyan ito ng isang mariin na halik sa labi, "I love you..."  

Maslalong napayakap nang mahigpit si Woo sa kanya habang tinutugon ang mga halik nito. 

Natigilan ang dalawa nang biglang nagring ang celphone ni Bianca na nakalapag sa side table. Agad na umupo sa kanyang kama si Bianca at sinagot ang kanyang telepono. Tumabi lang sa kanya si Woo. 

"Hello? Papa?" napabuntong hininga si Bianca, "Yes Pa. Nagstay lang po ako rito kina ni Nikki. Oh my! I almost forgot that! Sige po, mag-aayos na po ako at pupunta na ako ron." At saka muling binaba ni Bianca ang kanyang celphone. 

"What's that?" tanong ni Woo sa kanya. 

"I forgot, may event pala ako ngayon. I have to take a bath na and go ahead." Hinalikan ni Bianca si Woo, "Sorry Babe, I have to go." 

Tumango si Woo, "I understand. Am gusto mo bang magprepare ako ng breakfast habang naliligo ka?" 

"Am... siguro paghanda mo na lang ako ng sandwich, I will just eat it along the way." 

Agad na nagtungo si Bianca sa CR at nag-umpisa nang maligo. Nagtungo naman si Woo sa kusina upang ipaghanda ito ng sandwich. 

Sa salas ng kanyang condo unit ay pinagmasdan ni Woo si Bianca na tinataas ang kanyang buhok habang nakasuot ito nang panglalaki na damit. Nagsuot ng sombrero at si Bianca at sabay suot din ng malaki na shades, "Pogi nab a ako?" tanong niya kay Woo. 

"Mas guwapo ka na sa akin." 

Napatingin silang pareho sa pintuan nang biglang mag-buzzer ito. 

"Lena is here. I have to go." 

Bago makalabas ng pintuan ay inabot ni Woo ang inihanda niyang sandwich sa babae, "Breakfast mo."  

Nakangiting kinuha ni Bianca ang sandwich at saka ningitian ang lalaki, "Ill call you later." 

"I'll wait." 

Pagbukas niya ng pintuan ay andon nga si Lena na nakadisguise din na panglalaki. 

"Mam, tayo na po." 

"Sige." At tuluyan nang lumabas si Bianca sa unit ni Woo.

ON AIR. 

Patakbong pumasok si Woo sa radio station nang maabutan niya ang kanyang ama na nagsasalita na On- air. 

THE CONTROVERSIAL SECRETWhere stories live. Discover now