THE CONTROVERSIAL SECRET

1.5K 47 12
                                    

THE CONTROVERSIAL SECRET 

By B. Dhosme

A modern Romeo and Juliet love story... 

College days palang ay gustong-gusto na ni Bianca si Woo Escobillo, isang aktibista ng kanilang university at anak ng kilalang kritiko at radio host. Kaya naman gumawa siya ng isang love letter upang mapalapit sa binata. 

Maswerte naman siyang nagustuhan ng lalaki pero sa kabila nito ay nagkaroon siyang ng pag-aalinlangan kay Woo, dahil siya si Bianca Caezareno, anak ng isang kilalang pulitiko na number one na binabatikos ng mag-amang Escobillo. 

Magkakaroon pa kaya ng happy ending ang kanilang love story? O di kaya manatili na lang ang lahat na isang Controversial Secret.

1.

"Smile!!!" 

Papungas-pungas na idinilat ni Woo ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kanyang kama nang tumambad sa kanya ang flash mula sa kanyang SLR Camera. 

Nakaupo sa ibabaw niya si Bianca na suot-suot pa ang kanyang polo na sinuot kagabi habang hawak-hawak ang kanyang camera. 

Biglang napabangon mula sa kanyang magkakahiga si Woo nang ma-realize niyang nakuhanan siya ni Bianca ng picture habang boxer shorts lang ang kanyang suot. 

"Hoy, ano ka ba? I-delete mo nga yan!" 

Tumayo sa kama si Bianca at inilayo ang SLR kay Woo, "Ayoko nga, ang cute mo kaya rito. Gusto ko ngang ipadevelop eh." 

Hinila ni Woo si Bianca pababa, "Biancs, tumigil ka nga, akin nay an sabi eh." 

"Bakit ba? Hmmm... siguro ayaw mo ng scandal noh. Imagine kapag naipost ito sa mga network sites for sure headline ka na kinabukasan. Sikat at Matapang na Journalist na si Woo Escobillo, may Sex Scandal!" 

Tumayo si Woo at pilit na kinukuha ang camera, "Biancs kapag hindi mo ibinigay sa akin yan..." 

"Ano? Hahalikan mo ako? Gustong-gusto ko nga yun eh." 

"Hindi yun... kapag hindi mo ibinigay sa akin yan... hindi tayo magkikita for one month!" 

Natigilan si Bianca at agad na ibinigay ang camera sa lalaki. 

Kinuha agad ni Woo ang SLR at pinagdedelete ang mga nude pictures niya sa camera na iyon. 

"Woo... kaya mo yun?" tanong ni Bianca sa kanya, "kaya mong hindi tayo magkita ng isang buwan." 

Ibinaba ni Woo ang camera sa kanyang side table at hinarap si Bianca, "Siyempre hindi." 

Hinagip niya ang beywang ni Bianca at inilapit niya ito sa kanya, "Alam ko namang hinding-hindi ka papayag na hindi tayo magkita kaya yun ang naging condition ko." 

"So confident ka talaga na isasauli ko sayo yung camera dahil yun ang condition mo. At kung sakaling hindi ko ibalik ang SLR mo..." 

"Eh di... magagalit ako sayo, kasi okey lang sayo na hindi tayo magkita for one month. Bakit? Gusto mo bang magalit ako sayo?" 

THE CONTROVERSIAL SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon