Bitch 3: Her downfall

303 16 4
                                    

"Bye, Carlence"kumakaway na sabi ni Ranne pagkababa ni Carlence. Kala mo naman hindi na magkikita. 2 days lang naman dahil sa weekends. Ghad! Sina Kriszha at Shana, kumaway lang. Buti pa ang dalawang eto. Si Carlence naman, tumango lang at ni hindi man lang ngumiti.

I really wonder pa'no ko naging kaibigan sina Carlence at Ranne. Hindi sila ang tipo ko na gusto kong kasama. Kay Ranne nabubwisit ako sa pagiging isip bata while Carlence on the other hand, nakakapanis ng laway kausapin. Bigla na lang kasi sila lumapit sa akin dati at sabi gusto daw akong maging kaibigan. Sa awa ko sa kanila kasi sila pa talaga lumapit sa akin, pumayag na ako. Baka naman ikaiyak pa nila pag ni-reject ko. Ang mga pwede pa talagang maging kaibigan ko ay sina Kriszha and Shana, mga matino. Uh, Arlien, okay na din pero nakakainis ang pagka conyo niya.

Umandar na ulit ang family car namin para ihatid naman sila Kriszha, Shana at Ranne. Kung hinahanap ninyo si Arlien, wala siya dahil ng magpaalam na aalis siya kanina, hindi na bumalik. Pag pumapasok lang namin siya kasabay. You know, busy ang isang iyon. 

"Kuya Driver, diyan na lang kami sa tabi. Huwag mo ng ipasok sa loob."si Shana habang tinatapik ang driver sa balikat. P-in-ark naman ni Kuya Elso ang sasakyan malapit sa entrance ng subdivision nilang tatlo. 

"Alia, goodluck sa date ninyo ni Charles. Ipakita mo kay Ugly na mas deserving ka. Kunwari ka pang di mo type si Charles, nalaman mo lang na may girlfriend na nagselos ka agad. Ganbatte, Alia-chan!"biglang nagsalita na lang si Ranne at nag okay sign pa. Nag e-alien language na naman siya. Baka sabihin ninyo hindi ko alam ang sinabi niya, alam ko pero hindi lang talaga ako mahilig sa kung anu anong languages. May English language naman na universal at magagamit pa lagi. I rolled my eyes. May pagka dense din kung minsan itong si Ranne at hindi pa obvious na di ko naman talaga type si Charles.

"Alia, baka may di magandang mangyari bukas."si Kriszha naman ang nagsalita. Kung hindi ka sanay kay Kriszha, di mo maiisip na ang isang fashionista tulad niya ay marunong din mag alala. 

"Don't worry. I can handle it."pag a assure ko sa kanya. Caring lang talaga siya kasi may nakakabata pa kasi siyang kapatid na idolo ako. Iba talaga impluwensiya ng katulad ko  kaya nga maraming bitch-wannabe sa school.

"Nakaganti ka na nga kay Claire pati ba naman lovelife niya? Why don't you just leave her alone instead? Naiisip ko sana ma-inlove ka o kaya magkacrush ka baka sakaling bumait ka kahit paano."nakaseryosong mukha na sabi ni Shana.

"E di isipin mo na lang. Everyone has their own imagination, meron akong akin."inirapan ko pa siya. Kainis kasi minsan yang si Shana. Akala mo nanay ko siya kung makaasta. Sa almost two years na magkakaibigan kami, hindi pa nasanay sa akin. Mean daw ako and etc. What's wrong with my attitude? Sabi nga sa kanta ni Lady Gaga, Don't hide yourself in regrets Just love yourself and you're set I'm on the right track, baby. I was born this way. Hindi ko babaguhin ang ugali ko dahil maraming may ayaw sa akin. Pakielam ko ba sa kanila? Sa ginagawa nila, mas kinakaganda ko yun. Insecure lang sila masyado.

Napailing iling na lang si Shana habang nakangiti. Ngiti na give up na siya sa ngayon. "Bahala ka na nga. Huwag mo kaming da-dramahan pag nasaktan ka. Oh, alis na kami"nag beso siya sa akin bago bumaba. Napangiti na lang ako. She's crazy para awayin ako, pero tagasulsol din yan pag minsan. Nag beso din sa akin si Kriszha bago bumaba. 

Si Ranne naman nakatitig lang sa akin. Anong trip ng babaeng ito? Mayamaya biglang ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. Na-shock ako at natulak ko siya sa mukha. Gaga netong babae na ito.

Nag peace sign lang siya at bumaba. Natatawa na lang sina Shana at Kriszha. Sinamaan ko ng tingin si Ranne. Isip bata na nga, ang hilig pa mantrip.

Bitch's First Love (ongoing - Chapter 6 UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon