Strangers with Benefits (One Shot)

1.7K 33 9
                                    

A/N: Dedicated to Miss Danica Montemayor kasi sobrang natouch ako sa pagtawag niya pa sa akin para lang alamin yung pagvovote ng My Dare Dreamboy. Thank you tol!!

Picture on the side pala:)) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 STRANGERS WITH BENEFITS

I’m already 23 years old at wala pa din akong nahahanap na right girl for me. Pinagkamalan na nga akong bading ng pamilya ko eh.

*FLASHBACK*

“Iho sa linggo na yung 50th wedding anniversary ng lolo at lola mo. Naku for sure kukulitin ka nanaman nila sa lovelife mo.”  Mom

“Oo nga anak. Kailan mo ba balak ipakilala sa amin yang mamanugangin namin? Aba eh sabik na sabik na kaming makilala yang girlfriend mo, lalo na yung matatanda.” Dad

“Yoon na nga honey eh. Ang tanong may girlfriend nga ba tong anak natin?” Mom

Biglang napatingin sa akin si Daddy. Sumeryoso ang mukha niya.

“Tapatin mo nga kami ng mommy mo. Son are you g-gay” Dad

Halos mabilaukan na ako sa tanong niya. Grabe wala lang girlfriend bading na agad-agad. Di ba pwedeng I haven’t found the right girl yet? Bigla akong napatingin sa kanila na may halong pagtataka, pagkalito at pagtatanong. Napansin ata yun ni mommy.

“Eh kasi naman anak, Ang gwapo mo naman, you’re intelligent, responsible, gentleman, halos nasayo na nga lahat ng hinahanap ng mga babae eh. Ang dami din namang umaaligid na babae sayo pero bakit ni isa wala ka atang pinapansin sa kanila. Wala ka bang balak mag-enter into a relationship? Is there a problem?”

“Ma...” hindi na niya ako pinagsalita...

“Ever since ni wala ka man lang nabanggit na may gusto ka or pinopormahan mo. Noong una, hinahayaan lang namin kasi we assumed na maybe studies mo muna ang prinaprioritize mo pero grumaduate ka na at lahat lahat wala pa din. Then we assumed again na maybe you want to enjoy your career. Pero for Christ sake!  Hanggang kelan mo ba kami pag-aantayin? Lalo na yung lolo at lola mo?they’re not getting any younger son.”

Eto ang mahirap kapag nag-iisa kang anak. Ang daming expectations. Lahat ng pressures nasayo...pero di ko naman sila masisisi. Halos lahat na kasi ng mga pinsan ko may mga kanya kanya ng pamilya at yung mga mas bata sa akin hayon may mga BF at GF na. Inunahan pa ako. haaay...

“Mom, Dad, don’t worry I’m not gay. Saka may girlfriend po ako. In fact, I’ll introduce her in our family on Sunday. Yoon nga po sana ang surprise ko kina lolo at lola.” Patay...napasubo na. Malaking problema to kapag nagkataon. Sino ihaharap ko sa kanila. Wala naman talaga akong girlfriend eh.

“Talaga?!”

Sabay pa talaga ah. Halos lumuwa na nga ang mga mata nila sa pagkabigla at pagkatuwa eh. Psh!

“Opo.”-__-

“I’m proud of you son. Akala ko yung unico iho ko na siyang inaasahan kong magpaparami ng lahi ko eh bumigay na...ahahaha!”

“-_-“  Kung hindi pa ako eexit ngayon for sure, maramirami pang tanong ang kailangan kong sagutin dito... lalo na si mommy ang kulit kulit pa man din nito lalo na pag lovelife ko na ang pinag-uusapan...

“Ah mauna na po ako. Imemeet ko pa po kasi yung girlfriend ko eh. Baka kanina pa ako inaantay noon. hehe”

“Okay son. Take care. Ibili mo na rin siya ng bulaklak sa daan para naman matuwa at lalong mainlove yun sayo..hehehe...” Dad

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strangers with Benefits (One Shot)Where stories live. Discover now