CHAPTER 11.

976 35 1
                                    

CASSY POV !

Pagpasok ko ng bahay siya ang nakita ko kaya agad na tinanong ko si Mamsi.

" Mamsi bat yan nandito ? " Halatang inis na sabi ko .

Magsasalita na sana si mamsi pero inunahan siya 

" Pinuntahan lang kita para kamustahin " Parang naiilang na sabi niya.

" Tss. Kung yan lang ang pinunta mo dito dapat dikana pumunta " Asar na sabi ko tas humarap kay mamsi " Mamsi akyat napo ako " Sabi ko tumango naman siya kaya umakyat na ako.

Pagakyat ko sa kwarto ko ay agad na humiga ako sa kama at tumingin sa kisame .

Yun lang pala ang sasabihin tas pumunta pa dito tch! Kapal naman ng mukha ng king ina . Sabi ko sa isip ko.

Tumayo ako ulit at pumuntang cr para maligo dahil narin na naarawan ako kanina . Ilang minuto lang napatapos akong maligo Nagsuklay ako tas inayos ang sarili tsaka bumaba. Pagbaba ko si mamsi nalang ang nadatnan ko.

" Mamsi bat mo pinapunta yun dito ? " Nasa inis na tono parin ang pananlita ko.

" Kinakamusta kalang ni daylan anak walang masama dun " Sabi ni Mamsi kaya nagsalubong ang kilay ko.

" Tch! Wala naman akong sakit para kamustahin niya e! Tsaka pa ayoko siyang pumupunta dito kaya mamsi pagpumunta ulit yun dito wag mong papapasukin ! "

Bastos na kung bastos basta ayokong makita yun diti sa sariling pamamahay namin !,,

" Wala naman siyang ginagawang masama anak. Tsaka kahit na ano pa siya ay may kaugnayan parin kayo " pilit na sabi ni mamsi

" Haiist! Wala mamsi wala kaming kaugnayan ng Lalaking yon ! Atsakapa kahit wala siyang ginagawang Masama ayoko parin sakanya " ,,

Tinignan ako ni mamsi tas nagsalita.

" Bakit ba ganon nalang ang galit mo sakanya ? Wala naman siyang ginawa? "

" Aiiish! Basta mamsi basta ayoko sakanya tapos! Aakyat napo ako " Sabi ko tas tumayo na papuntang kwarto !

Tss! Siya pa ang kinampihan e porket close sila tssk! Eh sa anong magagawa niya eh ayoko sakanya !

Pagakyat ko sa kwarto ko ay humiga agad ako! Napagod ako sa practice kanina andaming ginawa . Kaya pinikit ko muna ang mata ko at natulog  .

♡▪ KINABUKASAN ▪♡

Nakabihis nako kasi maaga akong nagising . Alas singko palang kasi ng hapon kahapon nakatulog nako kaya maaga akong nagising kaya maaga din akong nagbihis . Bumaba na ako at nadatnan ko si Mamsi na kumakain. Umupo ako sa tabi niya pero walang kumikibo nagsimula na akong kumain pero hindi parin kumikibo si mamsi kaya ako nalang ang unang nagsalita.

" E-eh mamsi sorry nga po pala sa inasal ko kahapon " Nakayukong sabi ko

Dinig ko naman siyang nahinto sa pagkain at alam kong nakatingin siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko saka nagsalita.

" Okey lang yun anak. Naiintindahan naman kita pero sana matuto kang magpatawad " Nakatingin na sabi sakin ni mamsi .

" Mamsi hindi ko naman siya kailangan mapatawad dahil wala naman siyang kasalanan   pero hindi kolang matanggap na a-- " naputol ang sasabhin ko ng pumasok si yaya yoli at nagsalita.

"  Hija nanjan si sarrah hinihintay ka sa labas " Sabi ni yaya yoli sakin. " Tumingin ako sakanya at nagsalita.

" Sige po manang paki sabi ho lalabas nalang po ako " Magalang na sabi ko tumango naman siya at lumabas.

Tumingin naman ako kay mamsi at ngumiti.

" Mamsi aalis napo ako ha? Sorry ulit sa kahapon ingat po sa work niyo " Masayang sabiko tas tumayo na.

" Sige anak. Ingat ka sa school mo ha? Love you anak " Sabi ni mamsi tas kiniss ako sa pisngi.

" Sige po mamsi loveyoutoo " sabi ko tas umalis na .

Paglabas ko ay nadatnan ko si sarrah na nakaupo sa gutter habang nakapalumbaba. Kaya nilapitan ko sya.

" Hooyyy! Aga ha ? Anong meron . " Nakangiting sabi ko

" Hoy kajan! Buti nga inagahan ko e. Kasi ngayon tayo magpepresent ng activity !" Sabi niya kaya medyo nagulat ako .

" Ahh Oo nga pala mamaya na pala nakalimutan ko e"

" Tss. Matanda kana kase Hahaha! "

" Tsk! Tara na nga. Mukha kapang matanda sakin e"

" Oo na sige na! Di naman na ako mananalo sayo " ,,

Ngumiti nalang ako at naglakad na. Sumunod naman siya.

School.

Nasa loob na kami ng campus maraming nakatingin saming dalawa ni bes pero hindi namin pinapansin kasi nga papansin lang sila! Nagdaretso lang kami papasok sa room namin at agad na umupo. Napatingin naman ako sa likod ko wala pa yung apat . Tch pake koba? Kay lucas lang naman ako may paki hehe.

Yumuko muna ako sa desk ko dahil ang sakit ng ulo ko hindi ko alam kung bakit habang nakayuko ang ulo ko ay may nagsisigawan na.

" KYAAAH AYAN NA SILA "

" WAAAH! MYLABS LUCAS "

" WAAH! ROY BEBE "

" HIRO MY HERO WAHH "

"  JARIUS PAKASALAN MOKO "

Ang iingay peste! Kasakit lalo sila sa ulo. Inangat ko ang ulo ko atsakto nagtama ang paningin namin ni jarius pero agad naman siyang nagiwas tss! Ramdam ko na umupo sila kaya umayos na ako ng upo . At sakto dating ni Sir ferrer.

Discuss lang siya ng disscuss sa math pero walang pumapasok sa utak ko. Ayoko sa math sa totoo lang!

DISSCUSS

DISSCUS

BREAK

LECTURE

QUIZ

LUNCHBREAK!

" Sarrah! Tara dali sa canteen " Yaya ko sakanya gutom nako e!.

" Saglit lang naman inaayos kopa ang gamit ko eh. "

" Tss. Bilis gutom nako "

" Oo na eto na tara na " 

Tumayi na siya kaya tumayo narin ako. Gutom na talaga ako hindi ko kasi natapos ang kinain ko kanina e. Pagdating namin sa canteen agad na nagorder ako at agad na kinain haisst! Saraaap .

" Hindi ka naman siguro gutom " Biglang sabi ni sarrah pero diko siya kinibo. Gutom e.

Tinapos lang namin ang pagkain namin at bumalik na sa room.

DISSCUSS

LECTURE

DISSCUSS

DISSMISAL

Naghiwalay na kami ni sarrah dahil andun na yung service niya kaya mag isa nalang akong umuwi hindi na natuloy ang presentation kasi daw may inasikaso lang Miss kaya sa susunod na monday nalang. habang naglalakad ako ay may nararamdaman akong sumusunod sakin kaya napalingon ako pero laking gulat ko nalang kung sino ang sumusunod sakin.

Anong kailangan niya?

SOMEONE POV!

Araw araw kitang sinusundan alam ko bawat ginagawa mo . Alam ko kahit saan ka magpunta hindi ako titigil hanggat hindi mo ako natatanggap sa buhay mo! Dahil matagal ko ng inaasam na magkasama tayo kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para matanggap moko at malapit ng mangyari yun.

--

OHH FINISH NA! SAREEH PANGET HEHE.

the four gangster and meWhere stories live. Discover now