CHAPTER SEVENTY THREE

Start from the beginning
                                    

Matapos ang usapan namin ni yumi ay niyaya ko si xian na ihatid nya ako sa bahay ni mama.

" pupunta muna ako sa office after ko kayo ihatid kina mama" ssad nya

"Wae?" Nakairap kong sabi

" may kukunin lang akong file sa office ko babe,promise babalik ako agad para sa labas na tayo magdinner.." paalam nya

" file lang ang kukunin ha." Saad ko

"Yes ma'am,file lang " natatawa nyang sabi

Matapos ang preparation ay binabaybay na namin ang daan papunta kina mama para bumisita.

"Ganda" tawag nya

"Hemmn" sagot ko

" si lorraine kasi." Saad nya saka ko naman siya nilingon

" bakit?" Nakaismid kong tanong

"Nung huli ko siyang kinausap na layuan nya ako para bang may pagbabanta siya hindi nga lang nya tinuloy sasabihin nya." Saad nya

"Natatakot ka ba?" Tanong ko

"natatakot ako para sa inyo ni zoe..alam kong walang gagawin si lorraine sa akin pero sa inyo ni zoe.meron"  sagot nya na may pag-aalala sa boses nya kaya hinawakan ko ang kamay nya.

" Don't  worry kaya ko ang sarili ko at hindi ko hahayaan na may gawin siya sa anak ko o kahit sayo" Panigurado ko kahit alam ko sa sarili kong kinakabahan din ako sa mga pinagagawa ni lorraine.

" bakit ganun ganda.? Kapag ikaw yung kasama ko pakiramdam ko safe ako siguro kung hindi dahil sayo baka hiwalay na tayo ngayon sa simula pa lang na nagloko ako. Pakiramdam ko ako yung mahina sa ating dalawa kahit ako ang lalake. " malungkot nyang sabi habang nagmamaneho

" hindi mahalaga kong sino ang lalake at babae sa ating dalawa ang mahalaga kung paano tayong mga magulang ni zoe at higit sa lahat ay kung gaano natin kamahal ang isa't isa" paliwanag ko

" lahat gagawin ko manatili lang buo ang pamilyang pinangarap ko para sa anak ko at hindi mangyayari yun kung wala ka..pero kong mas pinili mong magloko ulit para kay lorraine kaya kong kalimutan ang anuman ang meron tayo." Seryoso kong sabi

" hindi na mangyayari yun ganda..promise.from now on hayaan mong ako naman ang lumaban para sa pamilya natin" saad nya ngumiti lang ako sa kanya ganun din siya saka muling binaling sa labas ng kotse ang aking paningin.
After a minutes ay nakarating na kami sa bahay ni mama sinalubong kami ni mama at nagpaalam din si xian na umalis para bumalik sa opisinA. Pagkaalis ni xian ay pumasok na ako ng bahay habang nadatnan kong tuwang-tuwa si mama at si lola sa kay zoe.

" sa nakikita ko ngayon sa inyo ni xian mukhang okay na kayo" puna ni mama

" opo ma,hindi ko po matiis si xian hindi naman po siguro katatangahan yun ma diba?mahal ko lang talaga ang asawa ko"saad ko saka naupo sa sofa

" hindi naman alam ko naman na magiging okay din kayo dahil nakikita ko naman pagmamahal nyo sa isa't isa" saad ni mama

"Eh ano ba ang ginawa ni xian sayo apo?at nauwi ka sa paglalayas?" Tanong ni lola

"Sa amin nalang po muna siguro yun la,ang mahalaga okay na po kami ngayon" nakangiti kong sabi nakita ko naman ang pagkibit balikat ng lola ko.. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay biglang ng ring ang doorbell kaya agad akong tumalima para tingnan kung sino.

"M-mom?" Gulat kong sabi kay mommy

" amethyst iha buti nalang nandito ka tama pa la ang inisip ko na dito muna dumaan bago sa bahay nyo." Bungad ni mama niyakap ko siya at niyaya sa loob agad naman nyang niyakap si zoe.

"Kumusta pala kayo ni xian?" Tanong ni mama

"We're fine po mom" nakangiti kong sabi

" that's good..salamat iha." Saad ni mommy na pinagtakhan ko bakit siya nagpapasalamat?para saan? Bulong ko sa sarili at muling tinitigan si mommy

"Para po saan mom?" Nagtataka kong tanong

" alam kong nahihirapan ka this few days dahil kay lorraine..salamat dahil hindi mo sinukuan ang anak ko" naiiyak nyang sabi kaya niyakap ko siya

" Ok na po kami mom at pareho naming hindi hahayaan na maulityun" sagot ko

" napakaswerte ng mga magulang mo dahil nagkaroon sila ng anak na kagaya mo" saad nya sabay tingin kina mama

"Maswerte din po kayo kay xian kung hindi po dahil sa inyo baka wala po akong asawa ngayon na kasing bait,gwapo at responsable ng anak nyo po" sagot ko mommy saka naman nya ako niyakap sa kalagitnaan ng usapan naming biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot kahit unkown number lang.

"H-hello p-po m-ma'am" nauutal na sabi ng babae sa kabilang linya

"Whose this?" Tanong ko

"Ma'am,secretary po ako ni sir xian" saad nya dahilan para makaramdam ako ng kaba.

"B-bakit?ano nangyari?" Sunod-sunod kong tanong.

" madam si sir po.." tuluyan na siyang humagulgul

"Ano?bakit ka ba umiiyak?" Nag-aalala kong tanong

"M-may dumukot sa kanya kanina sa entrance ng papasok po kami ng building sinalubong ko po kasi siya tapos bigla nalang po may dalawang armadong lalake na kumuha kay sir xian.natamaan po sa paa ang isang guard namin matapos nyang manlaban para kay sir kaso naunahan po siya" tuloy-tuloy nyang kwento dahilan para mapaupo ako dahil sa panghihina.

"Anong nangyari amethyst?bakit ka naiyak?ano nangyari sa anak ko?" Sunod-sunod na tanong ni mommy

"May ...kumidnap ...daw ..po ..sa.. kanya mom" umiiyak kong sabi ganun din si mommy ng malaman ang nangyari kay xian..

"Dyos ko!...ang anak ko.." humahagul-gul na sabi ni mommy

" balae huminahon ka" kalmadong sabi ni mama agad kong dinampot ang phone ko para magreport sa police tinawagan ko din sila nolan at yumi.

Matapos ang isang oras na paghihintay ng tawag mula sa mga kidnapper ay dumating sila nolan at yumi.

" bes,ano nangyari?" Tanong ni yumi

"Hin..hindi..ko..alam yumi..may kumidnap sa asawa ko.. at...at hanggang ngayon wala pa ring tumatawag sa amin.." humahagolgul kong sabi sabay yakap kay yumi

"Huminahon ka bes baka mapano ka" saad nya na may pag-aalala din sa boses nya hanggang sa may naisip ako na pwedeng may gawa nito.

" mommy si lorraine alam nyo po ba ang bahay nya?" Tanong ko kay mommy

" bakit amethyst tingin mo ba may kinalaman si lorraine dito?" Tanong ni nolan

" hindi ko alam pero wala akong alam na kaaway namin at saka nabanggit ni xian na parang binantaan daw siya ni lorraine ng huli silang mag-usap.." natataranta kong sabi nanginginig naman na isinulat ni mommy ang address ng bahay ni lorraine

"Aalis po ako ma,..yumi kaw na muna bahala kay zoe..nolan samahan mo sila mommy dito" bilin ko

" teka anak!hindi ako papayag!paano kong may masamang mangyari sayo. Hayaan mong mga pulis ang gumawa nun" umiiyak na sabi ni mama si lala din ay natataranta na..

"Ma,promise walang mangyayari sa akin hindi pwedeng maghintay lang ako dito paano kong may gawin si lorraine sa asawa ko" naiiyak kong sabi

"Sasamahan kita amethyst" saad ni nolan

"Hindi na nolan samahan mo sila dito mag-uupdate ako sayo kapag nakita ko sila" saad ko saka mabilis na lumabas ng bahay diyos ko wag mo pong hayaan na may masamang mangyari sa asawa ko. Dasal ko habang binabaybay ang daan papunta sa apartment ni lorrraine....

Itutuloy ulit..... 😃


A/n : pasensya na po kong natagalan ang ud nalublub po sa tubig ang phone ko.salamat sa mga hindi napagod maghintay at umintindi..mahal ko po kayo mula ulo hanggang buto.😘😘😘😘

DAHIL SAYO ( Complete )Where stories live. Discover now