EPISODE 4

625 10 9
                                    

Matagal nang nakalabas sina Aps at Tin sa gate ng mansyon ngunit si Slater nanatiling nakatayo sa kanyang kinaroroonan tanaw ang nakasarang pintong bakal sa mansyon -nagbalik lang sya sa kasalukuyan ng tawagin siya ni Jerico

Dude -anong ginagawa mo dyan -sigaw ni Jerico -di ka pa ba papasok -una na kami ha antok na eh -turo nya pa sa itaas ng bahay

Tila nagising naman si Slater -at unti unting kumilos ito at pumasok na rin sa loob ng bahay -kanina pa nakatulog ang mga kasama ni Slater ngunit sya hindi man lang makuhang dalawin ng antok -paulit ulit na nagpiplay sa kanyang imahinasyon ang anyo ng dalagang nagulat din ng makita sya

Ang tagal kitang hinanap dito lang pala kita makikita -kausapan ni Slater sa kanyang sarili -sana malapit ka lang dito kila tita sana makita kita ulit -sana sa pagkakataong ito makilala na kita -nagsipagtilaok nalang ang mga manok sa palagid hudyat na mag-uumaga na pero hindi parin nagparamdam ang antok kay Slater -kaya minabuti na lamang nitong bumangon -ang buong akala nya ay sya palang ang gising pero nagkakamali sya nang maabotan ang pinsang si Zanjoe na nagkakape na sa kusina

Good Morning bro -bati sa kanya ni Zanjoe ng maulinigan itong pa baba ng hagdan

Bro -good morning -ganting bati naman nito sa pinsan -ang aga mo nagising ah -hindi ka ba napuyat sa byahe at sa party mo kagabi? -tanung pa ni Slater

Okay lang nakatulog naman din ako sa eroplano -ikaw bakit ang aga mo namang nagising eh huli kayong nagpahinga ah -balik tanung naman ni Zanjoe

Ewan ko siguro namahay lang ako -di ako dalawin ng antok eh -imporma nya sa pinsan

Ah ganun ba -dalasan mo kasi pagbisita dito para hindi ka na mamahay -biro naman ni Zanjoe sa pinsan -so pano bro -ewan muna kita dito -oh gusto mong sumama sa akin? -alok pa nito

Ha! saan ka pupunta? -ang aga-aga pa ah -alam ba ni tita Judith na aalis ka? -sunod sunod na tanung ni Slater

Oo bro alam ni mama na aalis ako ng maaga -may nabili kasi syang bukirin dito -ipapakita sa akin ng katiwala ni mama  -so anu sama ka?

Di ka parin nagbabago kahit sikat na gulf player ka mahal mo pa rin ang lupain -pahayag ni Slater -bro sa susunod nalang siguro ako sasama sayo -babalik ako sa taas baka sakaling dalawin na ako ng antok -tanggi naman ni Slater sa alok ng pinsan

Okay ikaw bahala -so paano alis na ako -at sumaludo pa ito sa pinsan

Piniling hindi sumama ni Slater sa lakad ng pinsan kahit pa gusto nyang maranasan ang umaga sa probensya -ngunit mas pinili nyang tumangi rito dahil sa binabalak din nyang pag-alis upang hanapin kung saan nakatira ang babaing nagpagulo ng kanyang isipan

Sa kabilang banda nag-alala na din si Tin sa kanyang nakita -anung ginagawa nya dito? -bakit sya nandito? -bakit nagpakita sya? -mga tanung sa kanyang isip na hindi nya alam ang mga kasagutan -kakilala kaya siya ng mga Sandoval? -o kamag-anak nila? -hindi-hindi pweding magkrus ang landas namin -mga pahayag ni Tin sa kanyang sarili -pero papano nya iiwasan ang taong iyon -Lord sana naman hindi na magsalubong ang landas namin please maawa ka -hwag mo nang ipaalala sa akin ang ginawang kung pagkakamali -oo at hindi ko pinagsisihan yun dahil para naman sa kapatid ko yun pero ayoko nalang ma-alala pa -mahinang dasal ni Tin

Kasalukuyang nagwawalis ng bakuran si Aps ng bigla nalang may yumakap sa kanya sa likuran sa pag-aakalang ang asawa nitong si Eting ay hinawakan din nya ang mga braso nito ngunit ng mapagtanto na hindi braso ng kabiyak ang pumulupot sa kanyang beyang nagsisigaw ito at pinaghahampas ng walis ang naturang tao

Ate Aps aray -sigaw naman ng binata -grabe ka naman maghampas -reklamo nito

Juskong bata ka papatayin mo ako sa gulat eh -bakit ba ang aga-aga mo ha saan ka ba pupunta at ganyan ang ayos mo parang magsasakang-magsasaka lang ah

SHEWhere stories live. Discover now