EPISODE 9

474 5 2
                                    

Nagsimula na ang pasukan excited sina Alex at Tin na matupad na ng unti-unti ang kanilang mga pangarap -nag enroll si Tin sa kursong Business Management at si Alex naman ay pinagpatuloy ang kanyang nahintong kurso Information Technology major in Graphic Designing (meron ba nito hahaha)

Sa tuwing weekend doon sila sa foundation office ni donya Judith para tumulong sa mga paper works -minsan naman nagvo-volunter sila sa mga kawang gawa ng donya at ang pinakagusto nilang magkaibigan ay ang mag volunter sa learning school -may mga bata silang inienroll at tinuturaan maging yung mga illiterate individual -kasama nila sa learning school ang mga kaibigang sina Lorraine at Jhonna Lou na nagvolunter din sa tuwing day-off nila sa restaurant -hindi pa rin naman nakakalimutan ni Tin ang dumalaw sa restau at kumustahin ang mga dating kasamahan -kung kaya palang ng oras nya malamang hindi nya iiwan ang trabaho dun mahal niya kasi ang among si  mam Djameela maging ang pamamaraan nito sa pagpatakbo ng trabaho kaya kahit gipit sa oras hindi sya nakakalimot na bumisita sa mga ito

Dahil sa angking galing ni Alex sa pagguhit ito na mismo ang nagpresinta na gumawa sa lahat ng illustration board sa learning school maging yung sign board sa foundation gawa ni Alex –kaya laking pasalamat din ni Donya sa kanyang mga scholar dahil bukod sa mga matatalino ang mga ito ay may mga kusa itong tumulong yung tipong hindi na pakiki-usapan pa –kahit na hindi naman sila obligadong mag render ng services nila sa foundation

Nasa foundation office si Tin nang araw na yon may mga dokumentong pinapaayos si donya Judith dahil balak nitong magdagdag ng mga scholar sa darating na namang pasukan nang kausapin ito ng mabait na donya

Tin iha pwedi ka bang maisturbo saglit

Opo naman donya Judith at tumayo na ito sa kanyang cubicle at sinundan ang donya sa kanyang opisina

Maupo ka –mwestra ni donya Judith sa upuang nasa harap ng kanyang lamesa –magpapatulong sana ako sayo –bungad nito ng tuluyan ng makaupo ang dalaga –sina Divine at Fritzie kasi babalik na sa America next week gusto ko sana magkaroon ng salo-salo sa bahay –kung pwedi mong kausapin ang mga kaibigan mo ulit na tumulong sa paghahanda –patuloy na saad ng donya

Opo naman donya Judith matutuwa po ang mga iyon –pagbibigay assurance naman ng dalaga sa ginang

Naku salamat iha mababawasan ang alalahanin ko pagdating sa mga tauhan buti nalang nandyan ang mga kaibigan mo –patuloy pa nito

Agad na pinuntahan ni Tin ang mga kaibigan sa restaurant na pinagtatrabahoan –Jhonna –Lorraine tawag ng dalaga sa mga kaibigan

Tin –sabay pang sigaw ng dalawa ng makita ang kaibigan at dating kasamahan –kumusta kana bave –sabay na namang bigkas ng dalawa

Ganito na ba ngayun pagbumabati dito kailangan talaga laging sabay –biro naman ng dalaga sa mga kaibigan –sabay yakap sa dalawa –si Mam DJ wala? –hanap din nito sa dating amo

Wala eh nasa bakasyon ngayun si maam sa isang lingo pa ang balik nun –saad ni Jhonna Lou –nga pala buti naman at nagka time ka para bisitahin kami dito

Oo nga na touch naman ako dahil hindi mo talaga kami nakalimutan kahit sobrang kulang na ng oras mo –emo emo namang pahayag ni Lorraine

Hay naku kayong dalawa tigilan nyo ako sa kadramahan nyo –sabi ko naman di ba basta pag may sobrang oras ako dadalawin ko kayo –pero ngayun sinadya ko talaga kayo kasi may handaan si mansion ng mga Sandoval eh kailangan ni donya Judith ng mga tauhan kaya kung pwedi kayong dalawa sa Friday at Saturday

Ay ako off ko yan –masayang pahayag naman ni Jhonna Lou –count me in bave

Eh pano ba yan hindi ako pwedi nang araw na yan isa pa di ako pwedi lumiban dito at wala si maam DJ –malungkot namang pahayag ni Lorraine 

SHEDär berättelser lever. Upptäck nu