nagising ako't para bang ikinulong ako sa isang kabaong.
naka-taklob nanaman ba ako ng aking kumot?
siguro, malamig kagabi.
tumayo ako sa aking kinahihigaan at tumungo agad sa labas ng bahay.
tumakbo ako papuntang gubat.
lagi akong pumupunta sa dulo ng gubat dahil malamig at maganda ang tanawin doon.
umupo ako sa tabi ng puno ng mangga at pinanood ang araw na tumaas sa kalangitan.
"ang ganda ng araw, ano?"
agad akong tumingala sa pinanggagalingan ng boses.
"oo," tumayo ako't ngumiti sa kan'ya.
"kasing ganda mo," narinig kong bulong n'ya.
"ano iyon?" tanong ko sakan'ya't parang hindi ko narinig.
"wala," tumawa s'ya, "anong pangalan mo?"
"kali, ikaw ba?"
"ako si ino." ngumiti s'ya't inihagis ang hawak n'yang hinog na mangga.
YOU ARE READING
TAKLOB
Mystery / Thriller"heto nanaman, ang aking isipan." EXPERIMENTAL BOOK;; no plot in any sorts 2018 © neidxa
