Nightwalker Academy XV

4.1K 165 1
                                    

Chapter 15: Feelings

Vin's POV

"Vin anong nangyari?", naguguluhang tanong ni Sakura.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng clinic. Nakaupo ako sa kama habang si Sakura at Athena naman ay nakatayo.

"Hindi ko alam Sakura. Bigla na lang may taong nakapulang roba ang umatake sa amin.", kinakabahan kong sabi.

"Ano?!", gulat nilang tanong.

"Hindi ko nga alam kung sino yun eh. Hindi namin nakita ang mukha niya.", sabi ko habang nakayuko.

"Buti at walang nangyaring masama sa inyo.", si Athena.

"Niligtas ako ni Luther.", sabi ko.

"Vin nakita namin yun kanina.", biglang sabi ni Sakura kaya agad akong napaangat ng tingin at tumingin sa kanya. Nakangisi siya.

"Anong nakita mo?", pamaang-maangang tanong ko. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

"Wag ka nang magmaang-maangan pa. Kitang kita namin na magkayakap kayo ni Prince Luther.", ngiting asar niyang sabi.

Agad naman akong yumuko upang hindi ipahalata sa kanila ang pamumula ng mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit nayakap ko bigla si Luther kanina. Siguro dahil nag-alala ako para sa kanya.

"Alam mo Vin, bagay na bagay talaga kayo ni Prince Luther.", sabi naman ni Athena.

Hindi naman ako nagsalita bagkus ay nakayuko lang ako habang namumula ang mukha.

"Ano pala ang ginawa niyo ni Prince Aqui, Sakura at magkasama kayo?", pag-iiba ni Athena sa usapan kaya agad akong napatingin kay Sakura.

Nakita ko na biglang namula ang mukha niya.

"W-wala. N-nagkataon lang na nagkita k-kami nung pababa na ako kasi narinig ko yung pagsabog.", nauutal na sabi ni Sakura.

"Alam mo Sakura, bagay na bagay talaga kayo ni Prince Aqui.", panggagaya ko sa sinabi ni Athena kanina.

"Che!", singhal niya kaya natawa naman kami ni Athena.

"Uyy kinikilig siya. Hahaha.", panunukso ni Athena.

"Tumigil ka na nga!", namumulang singhal ni Sakura sa kanya kaya natawa ako lalo.

Nabawasan bigla ang nararamdaman kong kaba dahil sa mga kaibigan ko.

Hindi pa rin matitigil si Athen asa panunukso kay Sakura kaya pati ako sumali pero minsan ay ako naman ang tinutukso nila. Tuksuhan at tawanan lang ang ginawa namin sa loob nang clinic nang biglang may kumatok sa pinto.

"Sakura buksan niyo ang pinto.", narinig namin ang boses ni Prince sa labas kaya sabay kaming napatingin ni Athena kay Sakura.

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?", namumulang taray na sa ni Sakura kaya napabungisngis kami ni Athena.

"Buksan mo daw ang pinto.", mapanukso na sabi ni Athena.

"Kayo na ang magbukas.", pagtataray niya.

"Pero ikaw ang tinawag.", ngiting asar na sabi ko.

"Sakura buksan niyo ang pinto.", sabi ulit ni Prince Aqui sa labas. Siguro nababagot na yun kasi ang tagal namin hindi pinabuksan.

"Buksan mo na.", nakangiting sabi ko.

"Che!", irap niya at tumayo at lumapit sa pinto tsaka binuksan ito ng malakas.

Kita namin ang gulat na mukha ni Prince Aqui nang bumukas ang pinto.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Where stories live. Discover now