Chapter 16: First Date with Flirt Mate

Start from the beginning
                                    

Tumahimik na lang si Dave. Kainis. Parang hindi ata maganda ang simula ng araw namin. Nagtalo pa kami. Haay, normal lang naman siguro ito sa magkarelasyon.

Hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa school.

"Dun tayo sa bench. Gutom na ako, kainin na natin 'tong binili natin." Haay, salamat! Nagsalita na rin siya. Ang kaso nga lang, wala na akong kakainin kasi nga ibinigay ko na ang akin dun sa pulubi kanina, pero OK lang, nakatulong naman ako, eh. Pagtyatyagaan ko na lang ang kapeng para sa akin.

Kinuha na ni Dave ang burger niya, at nagulat ako dahil hinati niya ito sa dalawa. Aww. Ibinahagi niya sa akin ang kalahati. Alam kong malakas kumain ang lalake, kaya sobra akong na-touch sa ginawang pagshe-share sa akin ni Dave ng pagkain niya.

"OK lang, Dave. Busog naman ako. Kainin mo na 'yan nang buo." Nagpakipot pa ako.

"H'wag ka nang umarte. Sa iyo na 'tong kalahati. Oh, kainin mo na."

"Sigurado ka?"

"Hindi. H'wag na nga lang. Oo nga, eh. Kulet! Kainin mo na, oh!"

Napangiti na naman ako. At least, alam kong OK na kami kahit medyo nagtalo pa kami kanina.

Nang matapos na kaming kumain ay pumasok kaming dalawa sa chapel. Nagdasal muna kami at nang matapos kami ay lumapit kami sa piano.

"Doon tayo sa may piano, Dave."

Ngumiti lang siya. Inilabas ko ang duplicate key na ipinagkatiwala sa akin ni ate Angel na pianista at trainor namin sa choir, para daw magamit ko anytime.

Isa si ate Angel sa maituturing kong kaibigan dito sa university. Napakabait niya sa akin, at ganun din ako sa kanya.

In-unlock ko ang chain sa piano at umupo na kami ni Dave nang magkatabi.

"Gusto mo tugtugan kita, Dave?"

Dave

"Sige ba," sagot ko kay Maggie.

"May request ka ba?"

"Uhm, kahit ano lang..."

"Ayy, alam mo ba, napanaginipan kita kagabi!"

"Aaahhh--anong panaginip 'yun?"

"Nagde-date daw tayo."

"Weee. Excited!" tugon ko na sinundan ko ng hampas sa braso niya.

"Aray. Hehe. Syempre--tapos ito daw 'yung tugtog."

Sinimulan na ni Maggie ang pagtugtog ng piano. Unang notes pa lang ay nabighani na ako. Hindi pamilyar sa akin ang kanta, pero napakaganda--at sinimulan na rin niya ang pag-awit.

"♪ ♫ Angel in disguise

Stories in his eyes

Love for every true heart that it sees ♪ ♫ " 

"♪ ♫ Was it just a lucky day

That it turned to look my way

Or is it heaven right before my very eyes... ♪ ♫ ♪ ♫"

"♪ ♫ He showed me all new things

The shimmer of moonbeans

I was blind but now he's helped me see..♪ ♫ "

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now