Chapter 16: First Date with Flirt Mate

Start from the beginning
                                    

Ano daw? Lady Gaga? Ayyy, kanina ko pa nga palang kinakanta 'yung "Born This Way" niya habang naliligo! hihihi.

Paglabas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang mataray na tingin ni MJ. Ang baklang 'to, kung makatingin!

"In love ang gaga," pabulong niyang sinabi.

Nagtaka ako. Bakit niya nasabi 'yun? Oo, in love nga ako ngayon, pero anong ibig sabihin niya? Hindi ko pa naman sinasabi sa kanila na kami na ni Dave, ah? Huhluh?! Masyado na bang obvious sa mga kilos ko na in love na nga ako uli?

Nakasalubong ko si mama. Nakangiti lang siya, pero 'yung ngiti niya--mababasa mong may ibang ibig sabihin--'yung parang "Hmmm...May alam ako sa'yo". Parang ganun, eh.

Hinanap ko ang pinakamaganda at paborito kong damit. Nagpabango, at inayos ko nang maigi ang aking buhok. Tinirintas ko ito para malinis akong tignan. Nakakahiya naman kasi na makasama ako ni Dave na hindi presentable.

Kahapon pa ako naghihintay ng text mula kay Dave, pero hindi siya nagte-text. Hindi ko rin siya tine-text kasi siyempre, ako ang babae, 'no! Pero miss ko na siya. Ano ba? Ite-text ko na ba siya? Uhm, sige. Tatanungin ko siya kung tuloy ba kami ngayon.

"Good morning, Dave. Tuloy ba tayo?"

Ayan, nag-reply na siya! Eeee..."Yep! Papunta na ako sa bahay niyo."

7:15AM na. May 20 min. travel pa kami papuntang university. 7:30AM ang usapan namin. OK lang, at least naman, kahit ilang minuto lang, eh, makakapag-bonding pa kaming dalawa bago kami mag-rehearse.

Ayan na si Dave. Wow, terno pa kaming naka-blue. Ang cute! Wala nga lang siyang dalang bulaklak gaya sa panaginip ko kanina.

"Dave! Hijo, kumusta ka na?" bati sa kanya ni mama.

"Good morning po, tita. Ayos naman po. Susunduin ko lang po si Maggie. Magsisimba po kami."

"Ay, nako, hijo--kahit h'wag mo nang iuwi ang anak ko, payag ako, basta ikaw," aniya na sinundan niya pa ng pagpisil sa cheeks ni Dave.

Grabe naman si mama. Bugaw na, kunsintidora pa, pero natutuwa ako sa kanya, at least, supportive mom siya!

Tumawa lang si Dave kay mama at sinabi sa aking, "Tara na!"

Ngumiti lang ako at nagpaalam sa pamilya ko.

"Magko-commute lang tayo, Maggie, ha!"

"Naku, okay lang sa akin, Dave!"

Dumaan muna kami sa mini shop para bumili ng pang-breakfast, at pagkatapos ay naglakad na lang kami papuntang university. May pulubing bata pa ang sumunod sa akin at hinigi ang burger na dala ko. Hindi naman ako nagdalawang-isip at ibinigay ko ito sa bata.

"Maggie, ba't mo binigay? Anong kakainin mo? Tsaka alam mo ba na kapag nakita ka ng ibang pulubi sa daan na nagbigay sa isa, magsusunuran na 'yang mga 'yan?!"

"Dave, pulubi 'yon. Hayaan mo na. Nakakatikim naman tayo ng masarap, dapat marunong tayong mag-share."

"No. Ibig kong sabihin, hindi masama ang mag-share, pero dapat piliin mo. 'Yung batang iyon, kaya niya nang magtrabaho. Kita mo naman, malakas at malaki na ang katawan niya. Dapat piliin mo ang bibigyan mo."

"Dave, hindi ko ugali ang mamili ng tutulungan. Isa pa, sige, sabihin na natin na kaya nang magtrabaho nung bata, pero hindi siya nakapag-aral. Iyang mga pulubing iyan, karamihan sa kanila, hindi alam ang tama at mali, kasi nga kulang sila sa edukasyon; kaya ang magagawa mo na lang--pakitaan at pakitunguhan sila ng tama."

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now