Chapter 1: Magkalayo

13 0 0
                                        

Gumising ako ng maaga noon. Nakita ko sa relo ang oras.

*6:30 am*

Nagtataka ako kung bakit sobrang aga akong gumising. Biglang may naalala ako...

"Bukas na alis ko, puntahan mo ako sa bahay namin ng mga 7 ng umaga."

Heto na pala. Aalis na ang pinakamalapit 'kong kaibigan,
si Niña.
Dali-dali akong tumayo sa kama at kumuha ng damit na pang alis. Pagkatapos, binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto at daliang bumaba at lumabas ng bahay.
Tinakbo ko papunta kay Niña. Nang dumating ako sa kanila, nakita ki siyang naghihintay...

     "Kanina ka pa ba naghihintay?" Ang tanong ko.
     "Oo." Ang sabi niya.
     "Ay, sorry Niña." Ang sabi ko na kinakabahan.
     "Ok lang naman. Basta ang importante, nandito ka na." Ang sabi niya sabay ngumiti.

Ngumiti din ako. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya nung araw na iyon. Ang ganda niya. Hulog ng langit.
May sekreto akong di sinasabi sa kanya. Yung nararamdaman ko. Heto na ata ang tamang panahon na umamin. Sana pagsinabi ko, tanggapin mo. Kung hindi, sana maging magkalapit pa rin tayong magkaibigan.

     "Uhh... Niña. May sasabihin sana ako. Bago ka umalis..." ang sabi ko.
     "Ano yun Al?" Tanong niya.

Kinakabahan ako. Di ako makatitig sa kanya.

     "Good luck sa flight mo! Stay safe!" Ang sabi ko
     "Haha, salamat Al!" Ang sabi niya.

Ano yun? Bakit di ko sinabi? Heto na ang huling pagkakataon na masasabi ko ang nararamdaman ko. Pero bakit? Bakit ko pinigilan??

     "Sana, maguusap pa rin tayo sa telepono..." ang sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.
    
     "O-Oo naman! We'll keep in touch!" Ang sabi ko.

Ngumiti siya ulit. At biglang tumawag ang kanyang mga magulang.

     "Ah, kukunin ko na ang mga gamit ko at aalis na kami. Huwag kang malungkot kase wala na ako sa tabi mo." Ang sabi niya.
     "Oo naman! Di naman ako malungkutin." Ang sabi ko.

Pero sa katotohanan, malungkot ako ngayon.
Umalis na rin sila mula sa kanilang bahay. Sana maging masaya siya sa Canada. Huwag sana niya akong kalimutan. Dahil magkalayo na kami...

Magkalayo (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora