Reena Pig: PROLOGUE

22 0 0
                                    

From: Claude

Hi. :)

OMG! Nagtext si ex sakin! Anong rereply koooooo?!!!!!!! I was shouting at my room. Buti at nasa 3rd floor yung kwarto ko. Walang makakarinig.

Except yung kaibigan kong invisible. Pero don't worry, mabait yun. Bigyan mo lang ng pagkain. Inaappear ko nga eh. Hahaha.

Oh shet. Naalala ko sinabi ni Eliane sakin!!

"Nakikipagappear kapa. Magpapakita yan sayo. Sge ka. Matatakutin ka pa man din." Babala niya sakin. Pero di ko na binaling takot ko. Nilakasan ko nalang loob ko.

To: Claude

Hello! :)

MESSAGE SENT.

Dali dali kong tinext ang best friend ko, si Louisse.

To: Louisse

Hoy bakla! Nagtext si fafa Claude!!!! *^O^* *^O^* *^O^* *^O^* *^O^* *^O^* Tangeeeeehna.

O kilig eh, ano ba magagawa ko? Feel ko lumulutang ako sa langit. Sa ere. Ang slow motion!!!

From: Claude

How's your day? :)

Hindi panaginip to diba?!!

To: Claude

Quite great. :) Yours?

Hay nako!!! Kung alam mo lang kung gaano ko sya gusto. Kung gaano ko sya kamahal. NG SOBRA.

Ano nga bang connection ng isang Reena Montecarlo sa isang Claude Dizon?

EX ko sya.

Yep. You saw and you read it. He's my goddamn ex.

Dahil makatak ako, osige ikukwento ko.

Kase kaya ko siya naging ex, ehhh I felt na nagsasawa sya sakin. What I did was, I gave him the freedom. I broke up with him. In a nice way.

Ayokong nageend up ng relationship na puro away lang kami. Masakit yung lalamunin ka ng pride mo at mawalan ka ng dignidad sa sarili mo. Bababa ang pagtingin mo sa sarili mo.

Kung tatanungin nyo ko kung bakit ko ginawa yun? Simple lang.

Di rin kayo sasaya kung nagsasawa na yung isa sa inyong dalawa. Wala rin mangyayari. Di magwowork. Walang kwenta yang binuo nyong relasyon. Hindi naman mababansagang walang kwenta yan kung kayo pareho ang nagpapalakas sa relasyon nyo.

Ayus ba?

Clear?

Naisip ko rin bang mali ang ginawa ko?

Noon, oo. Kasi mahirap. Mahirap tanggapin na iiwanan mo yung taong mahal mo. Kahit mahal mo, kung ayaw mo namang masaktan ka, its better to stop your relationship and say....

IT'S OVER!!

Do you think you did a great move?

Perhaps, yes. Para saamin naman ito eh. Better to cut off relationship than seeing the both of you happy but it has no meaning at all. At para wala ng masaktan.

Pero guys, nasa sainyo pa rin yun kapag nag let go kayo ah? It depends naman sa nangyari sainyong dalawa.

Pero!!

WAG KAYONG MAGDECIDE KAPAG GALIT KAYO. MAAARING NAGGIVE UP KA DAHIL GALIT KA SAKANYA, PERO PAG WALA NA SYA, ANO NALANG IISIPIN MO?

HA?!!!'ANONG GINAWA KO!!

Reena PigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon