Hindi pumayag si Nate na sila lamang dalawa kahit 'yon ang mahigpit na binilin ni Don Rafaelo.

Nakikinig lang sina Rex at Cloud pati si Milano, habang si Rex ay unti-unti na palang bumubuo ng balak sa isip.

"Elise naman I'm coming with you! Anak natin ang nakataya dito pati na ang lolo." Pagdidiin ni Nate sa asawa.

Huminga ng malalim si Elise at kinalma ang pag iisip.

"Walang mangyayareng masama 'kung susunod tayo sa kagustuhan nila Nate. Gusto nilang makuha ang titulo ng kumpanya namin. Gusto nila na i surrender namin ang SBP Corp. sa mga kamay nila." Ito ang plano ni Rafaelo, ang mapasakamay na ang titulo ng kumpanyang kinaiinggitan.

"Nate please let us. Gusto namin maligtas si Jovani at ang papa." Umapela na si Heidi.

Pinabayaan man ni Nate na umalis ang dalawa at pumunta sa abandonadong lugar, hindi parin ito mapakampante. Alam niya 'kung gaano ka halang ang ugali ni Rafaelo Duche at walang kasing sama ito.

Hindi naman siya makapapayag na pati ang dalawa, lalo ang kanyang asawa ay mapahamak. Sa pag alis ni Elise at Heidi ay mabilis na tinahak ni Nate ang daan papunta sa kanyang naka park na sasakyan.

Pinigilan man ito ni Cloud ay wala ring nagawa.

"I have to protect my family Cloud." They called the cops when Nate left the mansion.

Mainit ang tensiyon. Mainit ang mga pangyayare na ngayon lamang nila pagdadaanan.

Elise:

Nanlalamig ang mga kamay ko nang makababa kami ni mommy. May mga armadong kalalakihan ang sumalubong samin sa isang lugar na itinuro ni Rafaelo. Parehas kaming nakapiring kaya't walang makita kundi ang kadiliman.

"Lakad." Naramdaman ko ang malamig at parang bakal na bagay sa likod ko ng itulak ako ng isa sa kanila. Alam kong baril ito kaya't napalunok ako. Pilit na kinakalma ang sarili. Hindi ako dapat pang hinaan ng loob lalo pa't parehas na nasa panganib ang lolo at ang anak ko.

"Elise?"

"Mommy!" Nag panic ako ng ihiwalay ako ng landas sa mommy.

"Saan niyo dadalhin ang mommy?!" Nagpumiglas na ako nang maramdaman na ihiniwalay kaming dalawa. Dinig ko pa ang sigaw ng mommy na nagpupumiglas rin.

"Manahimik ka kung ayaw mong butasan ko ang bungo mo!" Idiniin nito ang baril sa ulo ko kaya't napatahimik ako. Mga hayop sila! Ano naman kaya ang plano nila samin?

Nagsimula na akong mag lakad ng itulak ako.

"Lakad!" Sigaw ng isa sa kanila habang ang isa nama'y tahimik sa paglalakad. Hindi ko na alam 'kung ilan ang mga armadong lalaki na kasama ko. Para bang tatlo sila at may isa lamang na nagmamasid.

Malamig at madilim ang lugar. Tahimik rin at amoy usok ng sigarilyo at masangsang na amoy ng alak. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa pahintuin ako.

Dinig ko ang pagbabalasa ng baraha at tawanan sa di kalayuan. Nakadilat ng kaunti ang mga mata ko kahit nakapiring at puro anino ang nakikita ko. Isa lang ang nasisiguro ko, marami sila.

"Pare ayan na ba ang apo ng Sullivan? Aba'y ang ganda, ang puti at ang kinis. Baka naman pwedeng matikman?" Kinabahan ako ng may mag bitaw ng salitang iyon. Halakhalakan ang umalingawngaw ng sabihin niya ito. Halatang mga lunod sa alak.

"Wag niyong pakikialaman 'kung ayaw mong patayin ko kayong lahat." May pamilyar akong boses na nadinig. Alam ko 'yon dahil narinig ko na ito noon pa. Napalunok ako ng magsipag tigil ang mga bastos na lalaki. Natahimik sila nang dahil sa takot.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon