Nightwalker Academy XIV

Start from the beginning
                                    

"Hmm.", tango kong sabi.

"Pumasok na tayo.", sabi niya.

Naglakad na ako papalapit sa kanya pero nang makalapit ako sa kanya ay bigla akong nakaramdaman na may tao sa likod ko kaya agad ko nilingon yun at nakita ko ang isang tao na nakapulang roba na abot hanggang lupa.

"Vin!", agad na lumapit sa akin si Luther at humarang sa harap ko.

Sino 'tong taong nakapulang roba?

"Vin..", narinig ko na naman yung boses na yun kaya agad akong napatingin sa nakapulang roba.

"Anong kailangan mo?", sigaw ni Luther.

Medyo malayo kami ng konti sa kanya kaya kailangang sumigaw ni Luther upang marinig siya nito.

Hindi nagsalita ang nakapulang roba, hindi namin makita ang mukha ng nakapulang roba dahil sa madilim na bahagi ito nakatayo, kita lang namin ang kulay pula niyang roba.

Dahan dahan itong naglakad papalapit sa amin.

"Wag kang lalapit!", sigaw ni Luther at mas tinago ako sa likod niya.

Hindi pa rin nagsalita ang nakapulang roba at patuloy lang ito sa paglakad papalapit sa amin.

"Lumnia!", sigaw ni Luther at biglang lumutang ang mga bato sa paligid namin.

"Sabihin mo! Sino ka?! Anong kailangan mo sa amin?!", pasigaw na tanong ni Luther.

Hindi pa rin nagsalita ang nakapulang roba bagkus ay kinumpas nito ang kamay sa ere at biglang may bolang apoy ang lumitaw dun. Kasabay ng pagbaba ng kamay niya ay ang pagsugod ng bolang apoy sa amin.

Agad akong pumikit.

Luther's POV

Nang binaba niya ang kamay niya ay ang pagsugod naman ng bolang apoy.

Agad kong sinalubong ito ng bato na pinalutang ko kanina. Nung magtagpo ang bolang apoy at ang bato ay binalot ng bolang apoy ang bato at sumabog ito.

Madaming bolang apoy ang sumunod na sumugod kaya agad ko ulit itong sinangga ng bato pero hindi kaya ng mga bato ko ang daming bolang apoy na sumugod kaya agad ako gumawa ng harang.

"Pretoctatum!", sigaw ko at agad na may mga sanga ng puno ang humarang sa mga bolang apoy.

"Vin..", tawag ko sa kanya.

"Sino yun? Bakit niya tayo inaatake?", nanginginig na tanong ni Vin.

Ramdam ko na kinakabahan siya dahil nakahawak siya sa likod ko at nanginginig ang kamay niya.

Humarap ako sa kanya.

"Hindi ko alam. Ang importante ay pumasok ka na sa clinic. Ligtas ka dun. Ako na bahala sa kanya.", sabi ko.

"Ayoko. Ayaw kitang iwan dito mag-isa."

"Vin makinig ka sa akin. Kailangan mo nang pumasok dun!"

"Paano ka?", nag-aalalang tanong niya.

"Kaya ko ang sarili ko.", sabi ko at humarap ulit sa mga sanga na nakaharang at nagsisilbing panangga namin laban sa bolang apoy.

Naramdaman ko ang dahan dahang paglakad ni Vin palayo sa akin.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng clinic kaya agad kong tinanggal ang nakaharang na sanga.

Nakita ko na maraming bolang apoy pa rin ang nakalutang at nandun pa rin ang taong nakarobang pula.

"Anong kailangan mo sa amin??! Paano ka nakapasok dito?!", sigaw ko.

Hindi ito nagsalita bagkus ay pinasugod nito ang mga bolang apoy.

"Aquasia!", sigaw ko at may mga tubig na lumutang at agad ko itong pinasugod sa mga bolang apoy.

Nang magtagpo ito ay agad itong sumabog at gumawa ng usok.

Kung gaano kadaming bolang apoy ang pinasugod niya ay ganun din ang ginawa ko sa mga tubig.

Nang maubos na lahat ng bolang apoy niya ay medyo humihingal ako.

Siguro napagod ang katawan ko dahil sa tatlong elemento ang ginamit ko.

"Inferno.", narinig kong bulalas niya.

Hindi ko kilala ang boses na yun, masyadong malaki at mahina.

Nang pagkasabi niya nun ay biglang may napakalaking bolang apoy ang nabuo sa taas niya. Hindi ko matansya kung gaano ito kalaki.

"Elemental Sword.", sabi ko at biglang lumabas sa dalawang kamay ko ang dalawang espada.

Ang isa ay kulay itim na pinalilibutan ng kulay asul, kahel at dilaw. Ang isa naman ay kulay pula na pinalibutan ng kulay green, orange at purple.

Agad kong inihanda ang sarili ko sa pag-atake niya.

Nang mas lumaki pa ang bolang apoy ay agad niya itong pinasugod.

Pinagtagpo ko ang dalawang espada at naghalo ang mga kulay nito.

Naging isa ang espada na kulay pula pero mas lumaki ito kumpara sa dalawang espada ko kanina.

Agad kong sinalubong ang bolang apoy at inipon ko ang lahat ng lakas ko papunta sa espada at winasiwas ko ito sa gitna ng bolang apoy.

Agad nahati ang bolang apoy at sumabog sa ere. Ako naman ay nakalipad pa rin pero papunta sa nakapulang roba.

Inihanda ko na ang pagwasiwas ng espada ko sa kanya kaso nung makalapit na ako ay bigla siyang nawala kaya hindi ko natuloy ang pag-atake ko.

Nakaluhod ako nang makatapak ako sa lupa at agad akong tumayo.

Saan siya pumunta?

Pinakiramdaman ko muna ang paligid kong nandito pa rin ba siya pero makalipas ang ilang minuto ay wala na kong naramdamang presensya niya.

Agad kong pinawala ng espada at tumakbo ako sa clinic.

"Vin!", tawag ko sabay katok.

Agad naman bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Vin na maluha luha ang mata at makikita mo na kinakabahan siya at nag-aala.

"Buti naman walang nangyaring masama sayo.", sabi niya at nabigla ako ng yumakap siya sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko kung wala ka Luther.", sabi niya habang nakayakap sa akin.

Niyakap ko din siya pabalik.

"Wag ka na umiyak. Ligtas ka na.", sabi ko at hinagod ang likod niya.

"Anong nangyari?", agad kaming napahiwalay ni Vin ng yakap at tumingin sa gilid namin nang may nagsalita.

Nakita namin na nakatayo si Sakura kasama si Aqui pati yung kaibigan nila Vin na sa pagkakantanda ko ay si Athena.

"Anong yung narinig naming pagsabog kanina?", tanong ni Aqui.

"Sakura bantayan niyo muna si Vin, pupunto lang si Ama. Aqui sumama ka sa akin.", sabi ko at naglakad na.

Agad naman lumapit si Sakura at si Athena kay Vin at pumasok sila sa loob ng clinic. Sumunod naman si Aqui sa kin.

"Luther anong nangyari? Ano yung pagsabog kanina?", takang tanong ni Aqui.

"Mukhang nagsisimula na sila.", seryosong sabi ko.

Natahimik naman si Aqui. Alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

Naglakad kami palayo sa clinic.

Alam ko na kayo ang may pakana nito. Pero anong kailangan niyo at bakit hindi niyo pa nilusob ang Academy kung nakapasok na kayo rito? Anong binabalak niyo?

******************************
A/N: Hi guys!!! Wooohhh!!! Sa wakas at sembreak na din namin kaya medyo makakaupdate ulit ako but sad to say, ilang araw lng ang sembreak namin at enrollment at signing of clearance na namin next week. Hays. But anyways! Sana magustuhan niyo ang update ko ngayon. Hehehe.

P.S. Happy Fiesta Pilar Zamboanga City!! 🎉🎉🎉

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Where stories live. Discover now