"I-I don't deserve your love, Marci... I'm sorry kung sinayang mo oras mo sa isang tulad ko.. sorry kung hindi ko nabalik sayo yung pagmamahal.. pero maniwala ka Marci mahalaga ka sakin.. s-sobra.. mahal kita pinilit ko.. p-pero hanggang kaibigan lang talaga eh.. I'm sorry."

"Hindi naman ako humingi ng kapalit sayo diba? Wag ka ng umiyak. Okay lang ako Jho.. magiging okay din ako."

Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. "M-Marci sorry talaga... dadating din yung babaeng para sayo talaga. Sorry kung nasasaktan ka ngayon Marci..."

Bigla na lang tumulo yung luha ko. Sabi ko hindi ako iiyak eh. Niyakap ko siya pabalik kasi alam kong ito na yung huli. "J-Jho... mahal na mahal kita.. pero kung mas masaya ka sa kanya, hahayaan kita. Ganun kita kamahal eh, wala akong ibang gusto kundi mapasaya ka, gusto ko totoong masaya ka."

F*ck tears, tama na. "T-Thank you so much Marci... sa lahat lahat." Humiwalay naman siya sakin.

"Ipagp-pray ko na lang na dumating na yung talagang para sayo. Yung mamahalin ka ng sobra. Alam ko malapit na siya, ramdam ko eh. Basta salamat sa lahat Marci ha. Pero sana... sana walang mabago.. pwede naman sigurong friends pa din tayo?"

Ngumiti ako sa kanya at pinunasan luha ko. "Ano ba yan. Umiiyak pa ako. Anything for you Jho. Oo naman dito ako lagi para sayo... pero hindi muna ngayon, sobrang sakit pa kasi eh. Pero promise, friends pa rin." Natawa naman siya.

"Tunay na lalaki marunong umiyak okay? Note that. Oo naiintindihan ko naman eh... alam kong hindi pa ngayon pero soon mababalik din yung friendship natin."

"Oo... babalik muna ako sa Japan. Magmo-move on lang. Ikaw kasi eh..." Biro ko kaya napa-pout siya. "Joke lang! Hahaha!"

Natawa naman siya. "Hay... lika nga, libutin muna natin 'to. Mag-bonding tayo bago ka bumalik ng Japan."

So ayun nga nagtawanan kami, kwentuhan... parang walang nangyari. Pero alam ko naman na alam ni Jho na nasasaktan pa rin talaga ako. Pinipilit ko lang na hindi malungkot sa harap niya dahil ayokong malungkot din siya.

After nun umuwi na kami dahil hapon na rin tapos madalas na yung pagte-text sa kanya ni Bea. Haha. Si Bea talaga masyadong nagaalala. Di ko naman pababayaan Jhoana niya.

Nakarating naman kami agad sa dorm after 1 hour and 30 minutes. Medyo traffic din kasi. Grabe, ang takaw ni Jho, bumili pa kami sa Mcdo ng pagkain dahil gutom nanaman siya. Siguro nga para kay Bea talaga siya, mauubos pera ko sa kanya eh. Kain dito, kain doon eh. Hahaha!

"Nako si Beatriz nakaabang na talaga sa labas." Sabi ni Jho. Kasi nga nakatayo na si Bea sa labas ng dorm nila.

"Miss na miss na daw yung baby niya." Natatawang sabi ko. Kala mo talaga di ako nasasaktan eno? Hilig ko pa mang-asar. Tsk.

"Hoy! Anong misis ka dyan?!"

Huh? Ano daw?

"Ano Jho? Wala naman ako sinabing misis ah."

Namula naman siya. "Joke lang hehehehe. Peace and love!" Sabi niya na lang tapos kita ko pang pasimple niyang binatukan yung sarili niya.

Ang weird ha. Ano meron sa misis? Bumaba na kami ng kotse ni Jho tapos ngumiti sakin si Bea then tumingin siya kay Jho tapos nag-smile pa sila sa isa't isa. Simpleng smile lang yon pero parang nag-usap na sila. Takte, parang magiging shipper din ako ah. Joke.

Naisip ko din, pag di na ako umeksena kay Jho at Bea. Mawawalan na rin ako ng bashers sa wakas. Grabe kasi minsan mag-salita yung ibang shippers nila. Ang sakit eh. Tsk tsk. Finally tatahimik na buhay ko.

"Uy Marci thank you sa pag-hatid dito sa panget na 'to ah." Sabi ni Bea sakin.

Nabatukan naman siya ni Jho. "Leche ka pa nga!"

Chasing Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now