chapter 9

1.6K 28 0
                                    

JHO.

Nakakainis.  

Ilang text at tawag pa ba kailangan para mapansin niya ako? Hindi ko manlang alam ginagawa niya ngayon pati kung nasan ba siya. Badtrip. Huling text niya sakin nasa Cebu na daw sila. Ano yun? Nawala bigla pake niya sakin?   

"Huy bes kumalma ka nga." Sabi ni Jia sakin.  

"Bwisit kasi yung De Leon na yun eh." Sabi ko. Kinalimutan ako ah.  

"Baka naman walang signal or kemerut sa venue ng event ng kuya niya."  

"Sus ewan ko pa rin sa kanya. Nakakatampo siya."  

"Grabe magpa-miss?" Pang-asar ni Jia.  

"Oo bes. Effective eh."    Pinalo naman ako ni Jia sa braso.

"Yieeee! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa."  

"What the? Friendship goals lang yun."  

"Ewan wala kang pake Jho basta kinikilig ako sa inyo."  

"Pero bes nakakainis talaga siya. Pagbalik niya di ko siya papansinin."  

"Ay grabe? Sobra naman yun bes."  

"Bakit sobra? Ah bahala siya naiinis ako eh."  

"Alam mo bes mag-ayos ka na dyan mag-eenjoy tayo sa gig ng SUD mamaya for sure malilimutan mo si Bea dyan."  

"Oo na sige." 

Inayos ko muna yung gamit ko. Papasok na sana ako sa CR pero biglang tumunog phone ko kaya agad ako tumakbo sa study table ko para tignan kung sino nag-text. Umasa pa naman akong si Beatriz pero wala eh, si Marci ang nag-text. Susunduin niya daw ako. Oo ako lang kasi si Jia at Mich sasabay sa mga jowa nila ganun. Kaloka.  

"Oh Beadel na ba nag-text?" -Jia  

"Asa pa, kinalimutan na ako nun."  

Tinignan ko muna twitter ko kasi ang ingay masyado ng notifs ko. Sa dami ng nag-tweet sakin isa lang pinakanapansin ko. Tweet ng isang fan na picture ni Beatriz na may kasamang babae tapos ang saya nila sa picture habang nakaakbay si Beatriz dun sa girl. Hindi ko alam pero lalo akong nainis, ang weird sa feeling. Pero bago ko pa i-out twitter ko may nakita ako...  

May isa pa, tweet ni Beatriz mismo. Same girl din yung kasama niya tapos naka-kiss sa cheek niya yung girl. May caption pa na "T'was nice meeting you, Annika" parang lalo akong nawala sa mood. Nakapagtweet pero hindi ako kayang replyan?    Sabagay sino ba ako para isipin niya diba? Bestfriend niya lang naman ako eh. Si Jhoana lang naman ako. Bakit niya ako aalalahanin? Wala lang naman ako compared dun sa babaeng kasama niya sa picture na mukhang model sa sobrang ganda. Kahit sino naman siguro na ganun kaganda yung kasama wala ng ibang iisipin diba? Ewan ko ba, nakakainis. I hate you, Beatriz.   Ang unfair naman ng life. Ako lagi may pake sa nararamdaman niya, tapos siya parang walang pake sakin. Kung meron man, hindi ko maramdaman.  

Pumasok na ako sa CR para maligo at ayusin ang sarili ko. Kung nage-enjoy ka ngayon Beatriz pwes ako din. Kinalimutan mo ako, kakalimutan din kita.  

**  FAST FORWARD   **

Nakarating na kami ni Marci sa venue ng SUD para sa gig nila ngayon. Kainis naman, sila Mich at Jia nag-solo na yata kasama mga jowa nila eh. Hindi namin sila mahanap ni Marci eh konti na lang mag-start na yung event.  

"Jho nasa may bandang unahan daw sila Miguel. Nag-text sakin." Sabi ni Marci.  

"Sige tara hanapin na natin dun." Sabi ko at hinila si Marci para di kami magkahiwalay ang dami kasi masyadong tao eh.  

Chasing Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now