Paalam, Noelle by mediumvioletred

176 4 3
                                    

08-06-2014

Hi Ms. mediumvioletred!

**kaway kaway**

Haist! Paano ko ba sisimulan 'to, ang bigat bigat pa kasi ng pakiramdam eh. Kakatapos ko lang basahin ang story mo kanina lang. Kakagising ko lang kasi kaya napagtripan kong mag wattpad sandali para makapag adjust agad yung mata ko sa liwanag.

Hahaha! Ang weird ng lang kasi habang nag scroll ako ng wattpad library ko sa tablet eh nakita ko ulit ang story mo. Matagal tagal ko na ring na-save ang story mo dahil sa pagkakatanda ko eh si pilosopotasya ang nag promote ng story mo dahil worth it daw basahin. At kung gusto ko daw na maiyak eh basahin ko ang story mo. Hahaha! Oh ha! Si Ulan talaga nag promote ng story mo. Astig! Hahaha!

So ayun, binasa ko na ang story mo. Naramdaman ko agad yung sadness and longing ni Noelle kay Mike. Grabe! Naramdaman ko rin na may something sa puso ko. Siguro dahil masyado kong ramdam ang character ni Noelle. Haist! Pero mas naiiyak ako sa pag narration  ni Mike habang nararamdaman niya yung kalungkutan ni Noelle habang coma siya.

Kaiyak! Langya talaga. Hahaha! Kakagising ko lang pero naiiyak na agad ako. 

Pero hindi ako nagsising binasa ko 'to. Ang pinagsisihan ko lang  bakit hindi ko agad siya binasa dati pa. Siguro dahil ayoko lang magbasa ng nakakalungkot. Ayoko ma-stress eh bawal sa akin yun. Hahaha!

Pero wala eh, nagkamali ako kasi ayos na ayos talaga chumamba ang pag kakataon.  Dahil mukhang pinilit na rin talaga ng pagkakataon na basahin ko na ang story mo. Mukhang kasing kailangan ko na mag basa ng short story na may pag ka emo. Ang story mo talaga yung mapapasabi ka talagang:

"Ang sakit sa puso alam mo ba yun Ate? Ang sakit sakit e. Pwede ba tama na? Ramdam ko na eh! Yoko na naiiyak na naman ako."

Saklap di ba? -_- 

Alam mo bang 30 mins ko lang binasa ang story mo?

30 long minutes ng buhay ko naramdaman ko yung story mo. Argh! Nakaka-frustrate kasi yung storyline e. Na-predict ko na yung maaring mangyari habang nasa hospital si Mike eh. Pero bibigyan mo pa ng hope si Noelle dahil gumaling si Mike eh. Natupad pa nila yung pangrap nilang pagpapakasal at bumuo ng isang pamilya. Tapos bibiglain mo pa ako sa twist after manganak ni Noelle. 

Waah! Kajirits talaga! Ka-frustrate! Argh!

Pero kahit ganun ang naramdaman ko umiiyak na ako talaga. Ang sakit kaya sa pusong mamon ko lalo na sa POV ni Noelle sa dulo.  

Heart breaking and tearjerky ang story mo.

Kaya gumawa ako ng post na 'to dahil hindi sapat na mag comment ako sa story mo at mas gusto kong gawan siya ng special post dito. 

Nga po pala, hindi ko pa ako nakaka-visit sa profile mo kaya talaga first time lang kita nakilala sa story mong 'to. :)

I hope dumami pa ang mapaiyak mo. Hahaha! 

Sana mabasa mo po 'to, para malalaman mo kung ano ang naramdaman ko as a reader. :D

Thank you po sa pag share ng story mo.

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon